Chapter 71-Pretend

10K 154 2
                                    

 RHEA'S POV

Bukas na nga pala ang graduation namin,kaya ngayon todo practice na kami sa pagmamartsa. Haaay. Hindi pa ako nakakapag-decide kung anong course ang kukunin ko. Hmmmm.

Ano bang maganda? -______-

"Huy."

"Ay kabayong butiki!"

"Kagwapo kong kabayong butiki eh." Si Kevin lang pala. "Kanina ka pa parang may iniisip dyan ah. May problema ba?"

"Wala. Nag-iisip lang ako kung ano bang course ang magandang kunin."

"Eh saan ka ba mag-aaral? Grabe ha boyfriend mo ako tapos di mo sinasabi sa akin." Ngumuso naman siya na parang bata.

"Dito lang ako sa Pilipinas. Ayokong malayo sa iyo eh."

KEVIN'S POV

"Dito lang ako sa Pilipinas. Ayokong malayo sa iyo eh."

BOOM!

 

Hala. Anong gagawin ko? Eh ngayon ko na sana sasabihin kay Rhea ng lahat eh. Kaso napanghinaan nanaman ako ng loob. Paano ko ba sasabihin na bukas na bukas din pagkatapos ng graduation ay aalis na ako? Paano ko ba sasabihin na naka impake na ako? T___T Paano ko ba sasabihin na sa ibang lugar na ako mag co-college at magkakalayo na kami? Paano ko sasabihin na... Aiiiissssh! EWAN KO!

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"W-Wala. Tara pumunta muna tayo sa rooftop. Matagal tagal na rin tayong di na nakakapunta doon eh." Tumango naman siya kaya hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na kami papunta sa rooftop.

BUKAS.Bukas magkakalayo na kami sa isa't isa. Bukas di ko alam kung ano nga ba ang mangyayari. Lord naman,sana bigyan mo ako ng lakas ngayon para sabihin ang totoo kay Rhea. Hindi ako mapalagay. Hindi ko alam anong gagawin ko.. Bakit ba kasi ang hirap naman nito? -__-

"May problema ka ba Kevin? Kanina ka pa hindi mapalagay dyan eh."

"A-Ahhh. Rhea,may sasabihin sana ako saiyo." Napahinto ako ng ilang segundo "Sana wag ka mabibigla at sana maintindihan mo ako ha?" Tama nga siguro 'tong gagawin ko. Oo,tama nga.

"Ano 'yon?" Huminga naman ako ng malalim bago magsalita..

"Tomorrow,after the graduation I will be flying to New Jersey." Napayuko ako matapos kong sabihin ang totoo kay Rhea. Pero imbes na iba yung ineexpect ko na gawin niya narinig ko lang na tumawa siya ng mahina "Why? Hindi ka ba malungkot? Di ka ba naiiyak?" Tanong ko ulit sakanya.

Dating the Heartthrob (REVISING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt