Chapter 48-I can't leave him

11.8K 210 5
                                    

RHEA'S POV

Parang baliw lang ako na lakad ng lakad sa labas ng ER,hinihintay kung ano ang magiging resulta sa nangyari kay Kevin.Hindi ako mapalagay,lubos pa rin ang pag-aalala ko sa kanya..Dapat para sa akin yung saksak na yun eh,pero si Kevin.. Haaaaaaay.

"Rhea,please calm down..Ako na ang nahihilo eh,kanina ka pa lakad ng lakad dyan." Sabi naman ni Sindy. Kasama ko nga pala si Sindy at Paolo. Sumama sila sa akin. Si Kuya Nash naman pumunta sa bahay para ipaalam ang nangyari kay Kevin.

"Baka anong masamang mangyari kay Kevin eh." Tugon ko.

"Best,you really love him huh??" Sabi naman ni Sindy. Hindi ko naman sinagot yung tanong niya sapagkat ay umupo nalang ako sa tabi nila ni Paolo.

Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na din yung doctor kaya agad akong lumapit sakanya. "Doc,kamusta na po siya?" Nag-aalalang tanong ko.

Huminga naman ng malalim yung doctor. "5050 ang buhay niya ngayon,dahil sa mga vital organs na naapektuhan dahil sa pagka saksak sa kanya,maraming dugo rin ang nawala sakanya."

50 50? H-Hindi maaari.

"D-Doc,may pag-asa pa ba siyang gumaling?"

"Meron naman. Ang kailangan lang ay ang magiging donor ng dugo para sakanya."

"Anong type ho ba??"

"Type B."

Napaisip naman ako bigla. Type O ako.. Sino naman kaya ang pwedeng mag donate ng dugo para kay Kevin? Haaaaay.

"TYPE B ako." Narinig kong sabi ni Paolo. Tumingin naman ako sakanya agad.

"TALAGA?!!! Naku! Mabuti naman."

"But, I'll donate my blood because of you.. Para hindi ka na mag-alala pa kay Kevin."-Paolo. Kahit ganoon pa ang sinabi ni Paolo ay ngumiti pa rin ako sakanya.

Maya-maya pa ay dumating naman sila Ate Lyla,Jussel at Kuya Erickson.. Kasama na rin si Kuya Nash. Isa-isa ko sila tinanong kung anong blood type nila.

"Type B ako." Sabi ni Kuya Erickson. Tumango naman din ako. Type "O" kasi ako eeeeeh.

"That's good. Well,those two donors please be ready." Wika pa nung doctor. Pagkatapos nun ay umalis na siya. Sumunod naman sila Kuya Erickson at Paolo sa doctor para sa pag'donate ng dugo nila.

Huminga naman ako ng malalim atsaka umupo. Nilapitan naman ako ni Kuya Nash.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Yes Kuya,I'm fine."

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now