Chapter 36- The answer

11.3K 202 3
                                    

RHEA'S POV

Dalawang araw na ang makalipas bago ako kinick-out ng President. Sa ngayon mahihirapan ako maghanap ng bagong paaralan na papasukan ko.

"Rhea,okay ka lang ba?" Tanong ni Kuya.

"Oo kuya." Mahinang sagot ko. Tinap naman ni kuya yung ulo ko.

"Magiging okay din ang lahat..Makakabalik ka rin doon sa paaralan na yun."

"Malabo na kuya..Yung president na mismo ang nagsabi na kick-out na ako.Wala na akong magagawa pa doon."

"Magtiwala ka lang..Makakabalik ka doon." Sabi ni Kuya atsaka umalis para pumunta na sa trabaho niya.

Nandirito ako sa may sofa.Si baby Ralph kasama ni Yaya susan.Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon dito?Haaaaaay! Kung pumunta nalang kaya ako sa mga clubs?? Matagal na akong di nakakapunta eh.Simula nung umalis ang BEST FRIEND ko.Hihintayin ko nalang gumabi.Iimbitahan ko nalang din si Sandra na sumama sa akin.

SANDRA'S POV

Haaaaay! Namiss ko na si Rhea. Musta na kaya siya?Hmm.

Napatingin naman ako bigla kay Angelo,hawak hawak niya yung ulo niya.

"Partner,anong nangyayari?" Tanong ko.

"P-pupunta m-muna ako sa clinic..B-bye."

"Sandali!Samahan na kita."

"Wag na..K-kaya k-ko na ito."

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil umalis na siya agad.Hindi ko na talaga kaya ang mga nangyayari eh! Kailangan ko ng malaman kung ano ba talaga ang nakalagay sa notebook na yun. Alam kong nandodoon lang ang sagot,di ko kayang maghintay ng dalawang buwan. -____- Kinuha ko yung notebook sa bag ko at binasa ito......

RHEA'S POV

Pupunta nalang muna ako sa Chassis University kukunin ko yung mga naiwan kong gamit..Ganitong oras nagkaklase na silang lahat kaya walang makakapansin sa akin.Kukunin ko lang naman sa locker yung mga naiwan ko,tutal tanggal na rin ako sa Chassis University.Haaaay!

Nagbihis na ako at pumunta na doon.. Kinausap ko na rin ang guard. Pagpasok ko sa school na yun dumeretso na ako sa may locker ko at kinuha ang mga gamit ko. Naglakad lang ako sa may hallway at sinilip yung DATI kong classroom.Nakita ko si Sandra na may binabasa,si Kevin naman natutulog lang. Hay naku!Yung lalaking yun. Tssss. Naglakad na ako palayo sa classroom at lumabas na sa building na yun.Paglabas ko nakita ko si Paolo.Ano naman kaya ang kailangan niya?

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

Dating the Heartthrob (REVISING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin