Chapter 82-Nash and Darah [Special Chapter]

9.2K 152 2
                                    

NASH'S POV

"Nash please be ready."

Tumango nalang ako sa sinabi ng lolo. Kung nagtataka kayo ba't kailangan ko mag ready,eh mamaya kasi mame-meet ko na ang fiance ko 'daw' -__- Sabi kasi ni Lolo kailangan ko na daw magkaroon ng fiance para may makasama na man daw ako sa buhay,mawawala rin naman daw kasi siya dito sa mundo. Ang drama ni Lolo noh?

HAHAHA. Pero di ko nagawang tumanggi sa sinabi niya. Okay lang naman na ikasal ako sa taong di ko gusto,basta't may katulong ako sa lahat ng bagay at alam kong ayaw din sa akin ng magiging fiance ko. Kaya pwede kaming magkaroon ng usapan,yung sa aming dalawa lang.

Nagbihis na ako,formal attire. Ako na kasi ang CEO ng kompanya ni Lolo,kaya dapat daw neat akong kumilos,pati daw ang pananamit ko. Naglagay na rin ako ng pabango at kung ano-ano pa sa sarili ko. Pagkatapos ay umalis na kami ni Lolo.

-

Nandito na kami ngayon sa Viniel Restaurant. Yeah,Si Sandra na ang may-ari nitong Restaurant na ito. Hindi pa nga siya nakahanap ng bagong asawa eh,si Angelo lang talaga ang one and only niya. At isa pa malaki na ang anak niya. Kamukhang kamukha ni Angelo.

"This way sir."  Sabi sa amin ng isang waiter. Umupo kami na kaming dalawa ni Lolo sa may VIP area. Binigay na rin sa amin ang menu.

"Iced tea lang ang akin." Sabi ko. Tumango lang ang waiter. Ganun din ang inorder ni Lolo.

30 minutes na at kami naghihintay ni Lolo pero di pa rin dumarating yung magiging fiance ko kasama ang parents nito ka ka-business partner din ni Lolo. Ang pagkakaalam ko si daw ang may-ari ng pinakamalaking hotel dito sa Pilipinas. Ang Zeus Hotel.

"Nandyan na pala sila." Agad na tumayo si Lolo para makipag shakehands dito "Have a sit Mr.and Mrs.Legaspi" So Legaspi pala ang apilyedo nila? Hmmm.

"Sorry Mr.Quintos for being late,ang traffic kasi eh." Sabi ni Mrs.Legaspi

"It's okay. Uhm, I would like to introduce to you my Grandson Nash Quintos. Nash,this is Mr.and Mrs Legaspi."

"Nice to meet you." Formal kong sabi sakanila.

"Wow. You're a perfect match for our daughter." Sabi ni Mrs. Legaspi

"Hindi mo man lang sinabi sa amin na may apo ka pala na ganito ka-gwapo Mr.Quintos." Natatawang sabi ni Mr.Legaspi.

Tumawa nalang si Lolo.

"By the way,where is your daughter?" Tanong sa kanila ni Lolo. Oo nga noh,asan na kaya yung anak nila? -__-

"Malapit na raw siya. Traffic pa rin daw kasi hanggang ngayon." -Mrs.Legaspi

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now