Chapter 57-Sacrifice

10.4K 156 20
                                    

RHEA'S POV

Kakarating ko lang sa building na pinagtatrabahuan at pagmamay-ari ni daddy. I mean,pag mamaya-ari naming mga Gibson. Pumasok na ako sa loob ng elevator para makarating agad sa office ni daddy. Nasa 5th floor kasi yun. Bumukas naman agad ang elevator kaya lumabas na ako agad sa loob at pumunta na sa office ni daddy. Nasa tapat na ako ng office niya ngayon kaya pumasok na ako agad.

"Daddy?" Nakaupo lang siya habang diretsong nakatingin sa bintana. Humarap naman siya sa akin.

"Rhea? What are you doing here?"

"I wanna know what is happening now." Lumapit ako sa table niya "Daddy,Please tell,what's happening?" Tumayo naman siya at lumapit sa akin. Hindi siya makatingin sa akin. Ano bang nangyayari? Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat "Dad! Please tell me! Si Kuya Erickson! Hawak na rin nila! Hihintayin mo pa ba na pati si Ate Lyla madamay dito?!"

Nag-iba naman ang expresyon niya "What happened?"

"Tumawag siya sa akin kanina. Humihingi siya ng tulong.. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari! Please dad! I'm begging you." Hindi ko naman napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

"Umupo ka muna." Pinaupo niya naman ako sa sofa. Pati siya umupo na rin "I don't want to tell you about this Rhea. This is for your own sake. Ako na ang bahala.Trust me"

"Trust? Dad nasa vocabulary mo pa pala ang salitang TRUST?Paano kita mapapagkatiwalaan kung sinira mo na ang Trust ko saiyo noon pa?"

"I'm sorry. Matagal ko nang pinagsisihan yun.. pero sana kahit ngayon magtiwala ka ulit kay daddy. I will do everything to protect our family.Kahit na ako nalang ang mag sacrifice para sa inyo."

Napatigil naman ako bigla. Agad kong naalala yung sulat.

'Kung gusto niyo pa na makitang buhay ang kapatid niyo,kailangan isa sa inyo ang magsakripisyo."

Kinabahan naman ako bigla.Ang ibig-sabihin ba nun sa sulat ay dapat isa sa amin ay mamatay? Hindi pwede. Hindi ako papayag na may mamamatay sa amin. Hindi pwede.

"Daddy. Please. Sabihin mo na sa akin ang lahat2x.Please." Humingan naman siya ng malalim.

"Okay..2 years ago Troy Astellero was being killed." Astellero? Ito ba yung daddy ni Lian? "At ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Troy,was me. Ang sabi nila na ako raw ang nag-utos na patayin si Troy Astellero. But that's not true,because the one who did that was Nash's Grandfather..Pinapatay niya si Troy dahil malapit na nito maagaw ang pwesto niya sa kompanya. Siya rin ang nagsumbong na ako ang nag-utos na ipapatay si Troy. Gusto niya akong sirain dahil matagal na niyang kalaban ang kompanya ko. Kaya nung nalaman niyang nabuntis ko ang mommy ni Nash hindi na siya nagdalawang isip pa na sirain ang pangalan ko."

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now