Chapter 14-the sister's secret.

18K 273 5
                                    

RHEA'S POV



Masaya naman siguro kung mag stay nalang ako dito sa rooftop.Kakaalis lang din ni Kevin..

Yung feeling na ansaya ko ngayon kahit na marami naman talaga akong problema..Buti nalang nanjan si Kevin sa tabi ko,buti nalang hindi siya galit saakin tulad ng ibang students dito,buti nalang naiintindihan niya ako.Hindi ko alam pero pakiramdam ko napaka espesyal niya para saakin.

Kanina nga bigla ko lang siya niyakap,nabigla lang rin ako sa nagawa ko,hindi ko napigilan yung sarili ko.Ewan ko ba,parang may tumulak saakin na gawin yun. >__<

Napabuntong hininga nalang ako habang pinagmamasdan ang langit.

Sana ganyan kalawak yung buhay ko,mapayapa..Kung hindi lang sana kami iniwan ni daddy sana masaya ako ngayon,sana kumpleto kami at hindi na kailangan ni mommy umalis para sa negosyo niya.

Kahit gustuhin ko man na makasama si daddy,mayakap..Pinapangunahan pa rin ako ng GALIT,hindi ko kase maintindihan kung bat kailangan niya pa kaming iwan, kami naman talaga yung pamilya niya e,hindi naman niya kailangan pa mag-asawa ng iba.Nakakainis!

Hindi ko pa rin nakikita si Nash buong araw,hindi siya pumasok.Ano na kaya ang nangyari sakanya?Inlove na ba talaga ako kay Nash?Sabihin niyo nga.Hahaha!

[]DISMISSAL[] Fast forward lang po. XD

"Sige sandra ah.Uuwi na ako.Balitaan mo nalang ako sa kalagayan ni Angelo.." Tumango lang saakin si Sandra at ako naman dumeretso na rin sa locker ko para ilagay yung mga libro ko.Hindi kase ako mahilig magdala ng mga libro tuwing uuwi ako.Pagkatapos ko ilagay yung mga libro ko dumeretso na ako sa grocery store para bumili ng gulay,prutas at iba pa para kayla kuya at baby ralph.

Pinili ko yung mga fresh na fruits,syempre!Pati na rin gulay.Bumili na rin ako ng gatas para kay baby Ralph,energy Drink naman pati Vitamins para kay Kuya.Grabe,parang siya pa ata mas baby kaysa baby Ralph 'e. Hahaha!

Lumapit na ako sa counter at binayaran yung mga pinambili ko,then lumabas na.

Lakad lang ako ng lakad..Wala kaseng masakyan eh,humito ako sa may kanto para maghintay ng masasakyan.

Buuuugs!

ARAY KO NAMAN PO. =__= Makabangga naman.Ayan tuloy nahulog mga dala ko.

Pero..Wait!!! O__O OMG.Hindi maaari.

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now