Chapter 60-I miss you

11.8K 179 8
                                    

RHEA'S POV

"Goodmorning baby."Pagdilat ko ng mga mata ko nakita ko agad sa tabi ko si mommy. Nakakamiss ang ganito noh? Yung tuwing umaga siya ang nanggigising saiyo,tapos ipaghahanda ka niya agad ng breakfast tapos ihahatid ka pa papuntang school. Nakaka'miss maging baby. Pero ngayon di na ako baby,si baby ralph na ang baby nila mommy. Nakakatuwa nga.

"Goodmorning mommy.." Umupo naman ako sa kama.

"Tara,breakfast na." Hinimas himas niya naman yung buhok ko. Bata pa lang ako lagi na niya itong ginagawa sa akin. Isa rin ito sa mga namiss ko. Sabay naman kami bumaba ni mommy at dumeretso sa dining room para makapag-breakfast na. Masaya ako dahil naging kumpleto kami ngayon. Kahit na wala na si daddy,feeling ko kumpleto pa rin kami ngayon. Pakiramdam ko kasama namin siya ngayon,ngumingiti at nakikitawa sa amin.

"Grabe mommy. Bakit si Rhea lang ginigising mo?How about me?" Nakasimangot na sabi ni Kuya. Baliw talaga! Parang bakla lang siya kung titignan.Tumawa naman bigla si mommy.

"Erickson hanggang ngayon para ka pa ring bata.Ewan ko saiyo. Kumain ka nalang. Oh ayan." Nilagyan naman ni mommy ng toccino yung plate ni kuya.Tumingin naman si mommy kay ate Lyla "Oh Lyla,how's your work?" Natigilan naman si ate at tumingin kay kuya. Si Kuya naman kain lang ng kain.

"Uhm..I quit mom." Matipid na sagot ni ate.

"Why? What happend? Masama ba ugali ng boss mo?Tell me."

"Nothing's happened mom.. Gusto ko lang talaga mag quit na para mabantayan ko naman si Baby Ralph. Si Yaya Susan kasi umuwi pa sa probinsya nila."

Huminga naman ng malalim si mommy "Okay..Kung yan ang gusto mo." Napansin ko naman na tumingin siya kay Jussel na tahimik lang kumakain sa tabi ni ate Lyla "Ikaw Iho,anong pangalan mo?" Tanong niya.

"Ako po?" Nagtatakang tanong ni Jussel. Tumango naman si mommy "Ah. Jussel po." Ngumiti naman si mommy. Mabuti nalang mabait yang si mommy,kung hindi pinalayas na niya yang si Jussel. At isa pa hindi niya alam na EX ko yan.

"Bakit dito ka nag sstay iho? Wala ka bang mga magulang?" Hindi naman makasagot si Jussel ,biglang nagsalita si ate Lyla.

"He's my bestfriend mommy.. Nasa ibang bansa kasi ang parents niya..Wala siyang kasama sa bahay nila kaya dito ko nalang siya pinatira. Pumayag naman din si Kuya Erickson.Diba kuya?"Pinandilatan niya naman ng mata si Kuya.

"Opo mommy. Totoo yun." Nag grin naman siya kau ate. Natatawa ako sakanila.

"Okay. So welcome to the family." Napatigil naman si Jussel "Pwede mo na rin ako tawaging mommy." Napatigil naman kaming tatlo nila kuya.

"Seryoso?!" Sabay sabi naming tatlo.

Dating the Heartthrob (REVISING)Where stories live. Discover now