Chapter 55

4.4K 96 12
                                    

DANIEL POV

“Anong uri ng pang ulam to ha? Lance?” sinamaan ko siya ng tingin. Yung isda kasi ay nasa loob ng itlog tapos yung itlog naman may gulay na cabbage na design with matching carrots at mayonnaise pa.

-.-

“Oy boss, sariling recipe ko yan, especially for you” kinindatan pa ako ng gago. Pero infairness masarap naman siya nung tinikman ko.

Andito nga pala ako sa bagong condo niya, simula nung nagpakasal si Janine, nagkaroon na ng sariling condo si Lance. Tiningnan ko si Lance habang nagtitimpla ng juice. Ibang iba siya sa Lance na nakilala ko noon. Yung noon na Lance, mukhang mabait at shy type kausap, gentleman ang peg pero makulit din, lahat ng gusto ko sinusunod. Pero mas pipiliin ko pa rin ang Lance na kausap ko ngayon, ang makulit, mapagmahal sa kaibigan, matiyaga sakin, maingay at inaaway ako paminsan minsan. Ni hindi ko inaasahan na ako pala, ang first love niya.

Inamin niya sakin na nagkagusto siya sakin noon..

*Flashback*

“L-Lance?” Hi-hinalikan niya ako. Lasing ako pero alam kong si Lance ang nasa tabi ko ngayon.

Tiningnan niya akong mabuti pagkatapos ay hinaplos ang kanang pisngi ko. Buti na lang wala akong pimple dun. He was closing the distance between us for the second time nang nagsalita ako.

“Lance..” Hindi pa rin siya tumigil at hinalikan niya ulit ako. This time he deepens the kiss and it was more intense. And then he stop, and our foreheads touched. Ang lapit lapit pa rin niya sakin and I can smell his mint breathe.

“Sorry...sorry boss... sorry Daniella” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tiningnang mabuti ang mga mata ko.

“Gusto kitang mahalin muli... pero wala na talaga, iba na ang sinisigaw ng puso ko” bulong niya but I can still hear it. Nahihirapan akong huminga dahil bukod sa mabilis ang tibok ng puso ko, sumasakit pa ang ulo ko dahil sa alak. Napasobra siguro ako ngayon.

Sobrang sakit kasi.

Wala na si ice sa buhay ko. Hindi, wala na yung buhay ko... si Ice.

“h-hindi kita maintindihan Lance” ngumiti siya at niyakap ako nang mahigpit.

“Boss, nasasaktan ka ngayon, gusto kitang protektahan, gusto kitang alagaan, gusto ko pag nangangailangan ka ng tulong, ako yung hahanapin mo, ako yung tatawagin mo, ikaw yung first love ko eh, ikaw yung dahilan kung bakit ako nagpapakaloko, ikaw yung dahilan kung bakit ako kumulit, ikaw yung dahilan kung bakit sumaya ako..”

A Gangster Love StoryWhere stories live. Discover now