Eighteen

244K 2.3K 92
                                    



Bagong taon na. Simula na ulit ang klase. Maayos naman ang nangyari nitong nakaraang holidays. Doon pa nga ako kanila Josh nagnoche buena. Wala namang nabanggit tungkol sa fixed marriage thingy na 'yun. In fact, masaya nga kami eh. Close na kami ni Tita Rebecca (mommy ni Josh) at Tito Jaime (daddy ni Josh). May pumunta ding mga pinsan niya at pinakilala niya ako bilang girlfriend. Ni hindi ko man lang nakita sa mukha niya ang awkwardness nang ipakilala niya ako kahit ipapakasal na siya sa iba. Maayos at masaya ang pasko ko kahit hindi ko kasama si dad. Nasa Hongkong kasi siya that time. Workaholic.





Ang ipinagtataka ko lang, si Kier. Iba ang pakikitungo niya sa akin. Yung tipong... parang nanliligaw? Hindi sa assuming ako, pero parang ganun talaga. Nakakailang. Niregaluhan niya pa ako ng necklace na ang pendant ay letter A. May diamonds pa sa gilid. Pero, hello? Di naman kami masyadong close para regaluhan niya ng mamahaling kwintas. Tapos pag sabay kaming kukuha ng pagkain, siya na mismo ang naglalagay ng pagkain sa plato ko kahit hindi ko sabihin. Ayoko naman sanang magbigay ng ibang meaning, pero kasi, hindi naman siya ganoon kasweet sa akin di ba? Ewan.





Habang nagkaklase; bigla na lang may bumagsak na ulo sa balikat ko. It was Kier's. Katabi ko siya, wala kasi si Rachel kaya siya ang pumalit muna. Napatingin naman ako bigla sa mukha niya, nakapikit siya. Natutulog na siguro. Naiilang nanaman ako kaya tinapik ko ang pisngi niya ng marahan para gumising siya. Dumilat naman siya at humarap sa mukha ko, medyo patagilid ang ulo niya at parang dahan-dahang nagno-nod. Napakunot-noo naman ako. Maya maya'y may pinunasan siya sa pingi ko at sumandal ulit sa balikat ko. Hanggang matapos ang lesson namin sa subject na 'yon at ganoon lang ang posisyon niya. Hindi ko maintindihan ang mga kinikilos niya. Weird.




We're on our way to caf. Kasama ko si Trixy at Kier. Hindi ko nga alam kung bakit sumama sa amin si Kier gayong lagi naman niyang kasama ay 'yong mga kaibigan niya. Well, hayaan nalang natin.




Malayo palang ay alam ko na kung sino ang lalaking nakatayo sa pintuan ng caf at nakahalukipkip; parang nakabusangot. Bigla namang huminto si Kier.



"Ah.. CR lang ako; Aliyah. Sunod nalang ako." paalam niya then I nodded.



Sinalubong ko ng nakangiti si Josh pero agad ding napawi 'yon ng makita ang mata niyang galit. Galit? Bakit naman? Hindi ko iyon pinansin at binati na lang siya.




"Hi babe--" hahalikan ko sana siya sa pisngi ng umiwas siya kaya natigil din ako sa pagsasalita. Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Dumukot naman siya sa bulsa niya at hinagis sa akin ang cellphone niya. Huh?




"Tignan mo." mariing sabi niya.



In-unlock ko naman ang cellphone niya. Lumabas ang isang video. At kami ni Kier ang naroon. Mukha ko lang ang kita dahil medyo madilim sa part ni Kier kaya di halatang siya. Di ko tinapos ang video dahil wala lang naman. Anong meron dito?




"Ang sweet mo, no? Pakilala mo naman sa akin 'yang lalaki mo." full of bitterness niyang sabi.



Ano daw?! Lalaki ko?




"What are you saying? Lalaki ko? Sino?" agad na tanong ko. Tumingin lang siya sa malayo.




"Tss. Isn't it obvious? Ang sweet niyo nga diyang dalawa. Di ko naman alam na sweet ka din pala sa iba pati pagha--"



"Ano ba?! Hindi kita magets!" sigaw ko.



"You're cheating on him Aliyah! Mygod, ang lakas ng loob mo! Dito pa talaga sa school? Omg. So landi." biglang sabi ni Alison na ngayo'y nasa tabi niya na. Ano ba kasing sinasabi nila?




Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon