Thirty-one

184K 1.6K 33
                                    




Pumikit ako ng mariin pagkatapos ay hinila ko ang braso kong hawak ni Kier. I want to strangle him and her! Kahit hindi nila nasabi kung anong pinaguusapan nila kanina, alam ko na 'yon. Gets ko na. Tama nga siguro ang naiisip ko na plano ni Alison ang lahat ng 'to. At tangina! Di ako makapaniwala. Bakit nagawa ni Kier 'yun? Bakit? Damn!!




Nakangisi lang si Alison habang pinapanood akong magalit. Napakawalang hiya talaga!



"You bitch! Hindi ka ba nadala sa ginawa ko sayo, ha?!" gustong-gusto ko sanang sampalin ang magkabila niyang pisngi pero pinipigilan ako ni Kier.



"Hindi eh, my bad. Well, you overcome my expectations Aliyah. I thought you're like some other weak girl who'll prison herself in her room. Hmm... you're a great rival." nakangisi pa niyang sabi tapos maya maya'y tumalikod at umalis na.



Bwisit! Ano yung sinabi niya? Pinupuri niya ba ako? Ano nanamang paandar niya? Ugh, that bitch. I want to choke her to death. She doesn't even say sorry for what she has done. Oo nga pala. Bakit ako aasang mag-sosorry siya eh mukhang di naman siya nagsisisi? Ang kapal talaga ng mukha!



"Aliyah, l-let me explain..."



Oh great!



"Explain what, Kier? Huh? Bakit mo nagawang makipagsabwatan sa kanya? Bakit, ha? Bakit?!" pinaghahahampas ko siya sa dibdib at hinihila ang damit.



"Yes, plano nga namin lahat--"



I slapped him hard.



"FUCK YOU!" sigaw ko sa mukha niya. Halos mapaos na 'ko sa sigaw kong 'yon. Hindi na ako magtataka kung may makarinig na samin. Wala din naman akong paki-alam.



"Aliyah, Im s-sorry. I.. I can explain everything, please?" pagmamakaawa niya.



"There's a right time for that, Kier. Not now." tinalikuran ko na siya at naglakad paalis doon. Hindi naman niya ako pinigilan. Omygad, this is exhausting.




Hindi ako dumeretso sa room namin, sa garden ako pumunta. I need air, I need a peaceful place. Nanginginig ng konti ang katawan ko dahil sa galit. Pumikit ako at sinubukang i-compose ang sarili. Inhale, exhale.




Why is this happening? Ano bang nagawa ko sa kanila? Ano bang nagawa ko kay Kier? Dahil ba, hindi siya ang mahal ko? Pero di ba tanggap naman na niya? Bukod naman doon, wala na akong ibang ginawa eh. Mabait naman ako sa kanya diba? Eh bakit?! Akala ko.. akala ko kakampi ko siya. Akala ko, totoo lahat ng pinapakita niya. Pero shit lang, nakakamatay pala talaga ang maling akala!



Feeling ko, nawalan ako ng kakampi, kuya o kaya ng taong masasandalan. Nagtiwala ako eh! Bakit ba.. bakit ba lahat nalang ata ng pinagkakatiwalaan ko, sinisira ang tiwalang binibigay ko? Uso ba 'yun? Ganoon na ba dapat ngayon? Tangina hindi ko alam! Ako tuloy ang kawawa ngayon.



Plano kaya nila 'yon? Kailan pa nila sinimulan? Sabi ko na nga ba, demonyo ang Alison na 'yan. Lahat ba ng pinapakita o trato sakin ni Kier, kasama sa plano nila? Eh yung sinabi niyang siya si Adrian? 'Yung sinabi niyang mahal niya ako? Totoo kaya ang mga 'yun? Hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa kanya.




Matapos akong mahimasmasan ng kaunti, bumalik na ako sa room. Uwian na kaya wala na yung prof. at mga blockmates ko pwera nalang kay Rachel at Trixy na mukhang iniintay akong bumalik. Tumayo si Rachel at binigay sa akin ang bag ko. Walang ganang inabot ko 'yon.



Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon