Thirty-six

187K 1.8K 59
                                    


10 minutes late akong dumating sa coffee shop. Sinadya ko talaga 'yon kahit maaga-aga akong nagising. I'm kind of excited na makausap siya.



Pagkapasok ko ay agad ko siyang nakita na nakaupo sa gilid, mag-isa at umiinom ng kape. Lumapit ako at binagsak ang shoulder bag ko sa lamesa saka umupo. Humalukipkip ako at sumandal sa upuan. There's no need to be nice anyway.



"What is it, Alison?" tinaasan ko siya ng kilay.



"Good morning din, Aliyah." aba't pilosopa!



"Don't waste my time, you're not worth it. So please." umirap ako at tumingin sa labas.



"Well, you might want to order first?" nakangiting sabi ni Alison. Why is she being nice to me? If I know, may tumatakbo nanaman na kung ano sa isip niyan.



"I'm fine with water."



"Oh, okay." she sips on her coffee again. Malumanay ang bawat kilos niya na para bang santa. Akala mo kung sinong hindi makabasag pinggan. Really, looks can be deceiving. "Actually, I don't know where to start..."



Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Ano bang sasabihin ng babaeng 'to? O baka naman aasarin niya lang ako dahil wala na kami ni Josh kasi ikakasal na siya sa iba? Well, okay lang. Parehas naman kaming bigo.



"Cut the crap, Alison."



She sighed, "Okay. I wanna say sorry. Sorry for all... sa mga nagawa ko sa inyo ni Josh, sa pag-iimbento ng mga bagay na makakasira sa inyong dalawa..."



Tinignan ko siya ng masama. Hanggang ngayon, hindi ko talaga siya napapatawad sa mga nagawa niya. Ang akala ko may plano pa siya, pero ano 'tong ginagawa niya ngayon?



"You know what?"



"What?" tanong ko.



"I... don't really love Josh." tumingin siya sa labas.



Nalaglag ang panga ko. All this time, she doesn't love Josh?! So bakit niya kami sinisira? Kumunot ang noo ko.

"For sure, you do know Mark, right? Of course, he's your ex."



Mark? Yung Mark na gago? Oh, ano naman?




"Yes."



"Honestly, kilala na kita bago pa maging kayo ni Josh. Kilala kita pero ako, hindi mo kilala. Mark is my best friend, who happens to be my fiance. Matagal ko nang alam na balak kaming ipakasal ng mga parents namin, pero siya hindi." she sighed, "And how did I know you? Because Mark always tells me things about you, you are a good person, you are so sweet, you are beautiful, you are perfect, and all."




Weh? Hindi naman ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Oo nga't sweet si Mark but that was before something happened between us. Pagkatapos niya akong makuha, naging cold siya. Tapos noong hiniling niya na gawin namin yun ulit at humindi ako, nakipag-break siya. O 'diba? Gago siya eh.




"Then one time, he told me na may nangyari sa inyo. Sorry kung sinabi niya pero kasi, wala kaming lihiman tska hindi naman detailed. That time, wala pa akong nararamdaman para sa kanya kaya wala lang sa akin noong sinabi niya 'yon. Kami kasi noon ni Josh, he didn't know Josh as my boyfriend, 'yun lang ang nilihim ko sa kanya. And when he told me about what happened, he was very very happy, Aliyah. He... he really loves you."



Walangyang Mark 'yon, kinwento pa sa iba 'yung nangyari sa amin? Tsaka ako? Mahal niya talaga? Talaga? Hindi ako naniniwala at wala na akong pake. Matagal na 'yon.



Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon