Eight

294K 2.4K 28
                                    

(Narration lang ito)


**THIS PART HAS BEEN DELETED DUE TO SOME PEOBLEMS.**




"Anong problema?" sabi ng binata na may tonong pagkakainis. Pagkainis dahil sa alam niyang iiwasan nanaman siya ni Aliyah pagkalabas nito at pagkainis dahil.. nabitin siya.




"I-Itigil na natin 'to" sabi ni Aliyah ng hindi nakatingin kay Josh.




"Itigil ang alin, Aliyah?" bakas sa boses ni Josh ang pagtataka.




"E-Eto. Ayoko ng ganitong set-up Josh. Ayoko nang ginagawa natin yun"




"H-Ha? Bakit?"




"Anong bakit? For the pete's sake, wala tayong relasyon! Sa tingin mo tama 'yon?!" medyo galit na si Aliyah. Di niya kasi magets kung bakit nagtanong ng 'bakit' si Josh. Naisip nyang katawan lang ang habol sa kaniya ni Josh.




"What? Ilang beses na nating ginawa yun Aliyah!" ani Josh. Di naman sa ayaw nyang itigil nila 'yun. Kundi, feeling niya, mawawalan sya ng pinanghahawakan. Feeling niya pag-itinigil nila 'yon, mawawala sa kanya si Aliyah. Hindi naman niya alam ang nararamdaman nito para sa kanya.




"Yun na nga eh! Nagsimula tayo sa mali! Kaya, wala tayong patutunguhan dahil umpisa palang, mali na" unti unting humina ang boses ni Aliyah habang sinasabi 'yan. Naiiyak na sya, maisip niya palang na di magiging sila ni Josh ay nasasaktan na sya.




"Ano bang problema mo?! Dati naman hindi ka ganyan ah?!" medyo galit na sabi ni Josh.




"Iba kasi ang dati sa ngayon!" sigaw pabalik ni Aliyah.




"Bakit? Ano bang meron ngayon?!"




"Di mo na kailangang malaman. Basta itigil na natin kung anumang uganayan meron tayo" malamig na sabi ni Aliyah bago lumabas ng stock room.




Naiwan naman si Josh doon na nabigla sa sinabi ni Aliyah.




'Bakit? Bakit ganun sya? May iba na ba syang mahal?'





Agad-agad syang napailing sa naisip niya. "Di pwede!" mahinang sabi niya sa sarili. Bago lumabas din ng stock room.






Pagkalabas ni Aliyah sa stock room ay agad syang dumeretso sa garden at doon umiyak. Di niya maintindihan ang sarili, para narin nyang sinabing layuan sya ni Josh. Gayong ang gusto niya, lagi silang magkasama.




"Aaaargh!" sigaw niya para kahit papano mabawasan yung nararamadaman niya ngunit ganun pa din.




"Aliyah? Whats the problem?" tanong ng isang lalaki. Agad naman siyang napalingon.




"Kier?!" bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng malaman kung sino ang nagsalita.





"The one and only. Gulat na gulat? Haha" ganon padin ito nung magkakilala sila sa party. Cheerful, parang walang problema.




"Ba't andito ka?" tanong niya sabaw tingin sa malayo.





"Bawal ba ako dito?" tiningnan lamang sya ni Aliyah. Natawa na lamang sya.





"Kidding. Dito nadin kasi ako mag-aaral eh."





"Ah." sabay tango ni Aliyah.




"Teka, anong problema mo?"




"Confidential." ngumiti si Aliyah ng matamlay.




"Ay. Halika, libre kitang Ice cream. Pangpatanggal badvibes."




Dipa nakakasagot si Aliyah ay hinila na sya si Kier paalis sa Garden.




Sa kabilang banda, hanap ng hanap si Josh kay Aliyah. Napadpad na sya sa field, cafeteria, at saan saan pa na maaring mapuntahan ni Aliyah.




Sa paghahanap ay di niya inaasahan ang makikita niya.





"Alison?!"

Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon