Eleven

285K 2.8K 58
                                    



Saturday




Maaga akong nagising para umuwi sa condo ko para makapag-ayos ng sarili. Kagabi kasi, napag-usapan namin nila Rachel at Trixy na magmall dahil madalang nalang kaming magkasamasama. Weekend naman kaya free kaming tatlo. Tska minsan na lang ito.




Papasok na ako sa unit ko nang bumukas ang pinto ni Josh. Lumabas mula doon ang isang mala-adonis na mukha at goddamn hot na si Josh in sando and boxer shorts. Fuuuu! Pigilan niyo ko! Lalantakan ko to! Tamang tama, di pa ako nag-aalmusal.




Tinignan niya ako at ngumisi siya, "Goodmorning girlfriend!"




Kumunot ang noo ko. Ano pa kayang endearment ang itatawag sa akin ni Josh? Kahapon babe, nung mga nakaraang araw, baby. Ngayon girlfriend?




"Morning." sabi ko lang at pumasok na ako sa unit ko. Di ko namalayang nakasunod pala siya sa akin.




Naku po Josh! Wag mo akong masyadong lalapitan, baka di ako makapag-pigil!




"Saan ka galing? Di ka umuwi kagabi?" nakasunod padin siya sakin sa kusina.




"Hindi." Binuksan ko ang ref at kumuha ng malamig na tubig. Nakatingin lang sa akin si Josh.




"San ka nga galing?"




Pumunta ako sa sala. Umupo sa sofa at binuksan ang T.V. Nakasunod lang siya sa akin. Umupo din siya, isang metro ang layo mula sakin. Yan tama yan!




"Bakit ba inaalam mo?" naiiritang tanong ko ng di tumitingin sa kanya.




"Bakit? Masama bang magtanong?"




"Hindi naman. Wag lang paulit-ulit!" naglipat ako ng channel.




"E di mo kasi sinasagot kaya inuulit ko! Saan ka sabi galing at di ka umuwi dito kagabi?! May pinuntahan ka ba?!"




E bakit ang sungit mo?! Meron siguro to!




"Sa bahay namin! Dun ako natulog dahil tinatamad na akong umuwi! Satisfied?" bakit ba kailangan ko pang mag-explain? Tinignan ko siya. Pero agad ko ding binawi ang tingin ko dahil nakatitig siya sakin. Gaaas!




"Okay!" sumigla ang boses niya. Lumapit siya sakin ng kaunti at tinapat niya din ang tv.




Nararamdaman ko ang init ng katawan niya. Napatingin ako sa katawan niya. Omygas! Sa ilalim ng sando na yan ay nagtatago ang anim na pandesal at matigas na dibdib. Namimiss ko na yun hawakan! Matagal tagal nadin nung huli kaming nagkita niyan. Shocks! Ano ba tong naiisip ko. Ang halay halay.




Iniwas ko ang tingin ko sa katawan niya at tiningnan ko naman ang mukha niya. Nakangiti siya samantalang di naman nakakatawa yung pinapanood namin. Kanina ang sungit kung makapagtanong! Daig pa ang imbestigador.




"Bakit ka nga pala andito?" biglang tanong ko.




Tumingin naman siya sakin, "Wala lang. I just want to check on you. Nag-breakfast ka na ba?"




"Di pa." tumingin ako sa relo ko at nakitang 10 am na. 11 am magkikita kita sa mall. Dun nalang siguro ako magaalmusal.




"Bakit hindi pa?"




Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon