Nineteen

215K 1.8K 53
                                    



"That Alison girl really is a bitch. Hmp!" galit na sabi ni Trixy habang kinukwento namin kay Rachel ang nangyaring panggagatong at pinagsasabi sa akin ni Alison kahapon.




"Hindi mo man lang sinabunutan or whatsoever Aliyah? Kung ako dun, baka humiwalay na yung ulo niya sa katawan niya!" she clenched her hand at itinaas ito. Parang gigil na gigil kay Alison.




"Sinigawan ko lang. Kay Josh kasi nakatuon ang atensyon ko." humalukipkip ako.




"Humanda sa akin 'yun!" gigil pading sabi ni Rachel.




"Wag na Chel, hayaan mo na siya."




"Hmp. Sinasabi ko na nga ba eh. Pakitang tao lang yung babaeng yun. 'Friends' daw kayo diba? So dapat, kinampihan ka niya imbis na siraan ka pa. Napakaplastik, ano?" sabi ni Trixy na nagqoute pa sa hangin nung sinabi niyang friends.




"Yeah. I dont consider her as a friend 'no. Friends my ass." umirap ako as if nakikita ni Alison. "Isantabi muna natin siya. Bar tayo later?" nagsitanguan naman sila.




Dumating na ang prof. namin. Pero may napansin ako..




Bakit wala si Kier?



--



"Woah!" utas naming tatlo nang pumasok na kami sa bar. The party is on its peak! Napaka-usok at madami nang lasing na pagewang gewang habang naglalakad. Mga baliw. Bakit di nalang sila umuwi? Kesa makahanap pa sila ng gulo dito dahil wala sila sa katinuan.




"C'mon girls!" yaya sa amin ng isang lalaking lasing. "Lets have some fun!" hinawakan pa nito si Rachel sa braso at idinidikit sa katawan niya, niyayakap. Hinila naman namin ni Trixy si Rachel papunta sa amin at itinulak ko yung lalaki.




"Hey! Why did you push him?!" galit na tanong sa akin ng isang babae. Lumapit siya sa lalaki at inalalayan itong tumayo.




"Babe, I've done nothing." sabi nung lalaki sa babae! Ha! Ang kapal! Siya nga itong bastos at niyaya kami to have some fun daw. Eew!




"Liar! Pervert!" sigaw ko sa lalaki. Hinarangan naman siya ng babae.




"Sino ka para sabihan ang boyfriend ko niyan?" galit na sabi ng babae sa akin. Napatingin tuloy yung ibang tao sa amin. Sheez.




"Miss, ask that drunkard boyfriend of yours. May girlfriend na pala, niyayakap pa tong kaibigan ko na di naman niya kilala. Now, if you'll excuse us." hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Hinila ko na sina Rachel at Trixy para maupo na't makapagsaya.




Nilingon ko naman yung babae't lalaki kanina. Nakita kong tinulak nung babae yung lalaki sabay nagwalk-out. Tsk tsk tsk, mga lalake talaga oh. Bakit ba kailangan nilang magloko? Mangbabae? Gayong meron naman pala silang girlfriend. Hindi na lang makuntento sa kung anong meron sila. Hindi nila iniisip kung anong mararamdaman ng niloloko nila. Tsk tsk. Bilang nalang talaga ang mga lalaking matino sa ngayon. Sana kasama doon si Josh. Sana hindi siya magloko. Sana hindi niya ako saktan. Sana lang talaga.




"Girls, CR lang ako." tumayo ako't pumunta sa CR.





Pagkatapos kong umihi ay nag-ayos muna ako ng sarili. Nagretouch. Tinignan ko rin ang cellphone ko. Nagulat ako nang makitang may 27 missed calls at 4 texts. Lahat galing kay Josh. Tska ko lang naalala..




Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon