Twenty

222K 2.1K 77
                                    



"Ba... B-Bakit ka.. topless?"



Parang hindi ma-absorb ng utak ko ang mga naiisip ko. Hindi pwede! Hindi pwede 'yon! Kami lang ni Josh ang dapat gumawa 'non! Kami lang!! Pero ano 'to ngayon?! Ginawa ba nila 'yon? Kung oo, bakit? BAKIT?! Tangina. Kung ako nga, ni hindi ko naimagine at ni hindi sumagi sa isip ko na gawin yun kasama ang ibang lalaki! Argh! Goddammit!



Parang walang luhang gustong lumabas sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala akong ibang nararamdaman kundi galit! Galit sa kanilang dalawa! Mga taksil! May milagro na pala silang ginagawa tapos ako, walang kaalam-alam! Alison is such a slut! Gusto kong pira-pirasuhin ang katawan niya ngayon. Pero tska na muna siya. Haharapin ko muna 'tong lalaking 'to. Itong lalaking mahal na mahal at pinagkakatiwalaan ko.




"A-Aliyah.. a-ano.. t-teka.." kinakabahang sabi niya at sinaraduhan ako ng pinto.



SINARADUHAN AKO NG PINTO?! Dammit! Siya pa ang may ganang gawin sa akin 'yan?! Dapat sa mga oras na 'to, nagpapaliwanag na siya sa akin eh! Yun yung dapat! Pero ano? Anong ginawa? Eto! Pinagsarhan ako ng pinto! Napakawalang-hiya! Imbis na suyuin niya ako, tinalikuran pa ako! Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi na ba niya ako mahal? Hindi na ba?! Sana sinabi niya! Punyeta! Hindi yung ganito na may ginagawang kalokohan pag nakatalikod ako! Tapos magagalit pa siya dahil nasa bar ako? Aba! Pabor pa nga sa kanya dahil nagawa niya yung kahayupan niya kasama yung malanding babaeng 'yun. I swear! Pag nakita ko siya, willing akong makulong, mapatay ko lang siya.




Lagpas isang minuto na pero hindi parin lumalabas si Josh. Anong kagaguhan nanaman ang ginagawa niya? Pinagbabawalan niya ba si Alison na pumunta dito dahil sakin? Dahil baka mapatay ko yung putang babaeng 'yon? Dapat lang! She better brace herself. Baka kung anong magawa ko.



Dahil hindi padin lumalabas ang taksil kong boyfriend, pumasok na ako sa unit ko at nilock ang pinto. Wag na wag siyang papasok dito! Nandidiri ako sa kanya.




Sumalampak ako sa kama ko. Binaon ko ang mukha ko sa unan at sumigaw ng malakas. Binuhos ko sa sigaw ang lahat ng nararamdaman ko. Pero wala eh! Ni hindi man lang nabawasan. Ngayon ko lang naramdaman ang sakit kaya umiyak na ako. Parang namanhid kasi ako kanina at puro galit lang ang nasa utak ko.



Paano niya nagawa sa akin 'yun? Bakit? Wala naman akong ginawa diba? Nagkulang ba ako? Hindi naman eh. Lahat naman ginawa ko. Mahal ko naman siya. Ano pa bang kulang? Mayroon ba? Sana sinabi niya para napunan ko. Hindi yung naghanap agad siya ng ipapalit sakin. Pero sana kung may ipapalit man siya, yung hihigit naman kahit papano sakin. Si Alison? Talampakan ko lang siya. Ang malanding 'yun! Kanina ko pa siya pinapatay sa isipan ko.




"Aliyah?" rinig kong may tumatawag sa pangalan ko mula sa sala. Nandito kasi ako sa kwarto ko. "Aliyah?"



Eh sino pa ba yan? Syempre si Josh. Paano nakapasok? May spare key kasi akong binigay sa kanya. Langya, nakalimutan ko. Useless lang ang paglalock ko ng pinto.




Maya-maya'y bumukas ang pinto ng kwarto ko. Agad akong nagtalukbong ng kumot at nagkunwaring tulog. Leche ka Josh!




"Aliyah.. alam kong gising ka pa." medyo lumubog ang foam sa kanan ko, meaning, naka-upo siya sa tabi ko. Nandiri ako bigla.



"Punyeta ka! Umalis ka! Alis!!!" tinulak-tulak ko siya palayo sa kama ko. Nahulog siya pero agad ding tumayo.



"Ano bang problema?" kunot-noong tanong niya.



Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon