Twenty-two

218K 1.8K 41
                                    



"Nana Sonya?" I called pero walang sumagot. Nandito ako sa mansyon. Mukhang walang tao kasi patay lahat ng ilaw kanina pagdating ko.



"Nana Sonya?"


Wala pading sumagot. Malamang wala nga si Nana dito. Wala din si Daddy. For sure eh nasa ibang bansa nanaman yun. Business trip. Lagi naman.



At oo nga pala, lagi kong nakakalimutang tanungin si daddy tungkol kay Adrian (yung firstlove ko) pag tumatawag siya sa akin. Nawawala kasi sa isip ko.



Kumuha ako ng makakain sa kusina bago bumalik sa sala. Umupo ako sa sofa at nagmovie marathon mag-isa. Ang tahimik ng buong bahay.




*Phone ringing..*


*Babe <3 Calling..*



Agad kong pinatay ang cellphone ko nang makita kung sinong tumatawag. Nakakailang tawag na siya mula kaninang pag-alis ko pero di ko sinasagot. Bahala siya sa buhay niya! Naiinis pa din ako.



Nang maboring na ako sa panunuod ay umakyat na ko sa kwarto ko. Naligo ako at humiga na sa kama ko.



Naalala ko si Josh. Ano nga bang pinag-awayan namin? Yun lang naman. Bakit ba kasi nagagalit siya? Kino-compliment ko lang naman yung tao. Ang kitid ng utak niya! At anong sabi niya? Kay Kent nalang ako? Aba! Kung hindi sila ni Trixy at kung wala akong Josh, pwedeng-pwede! Pero hindi ko na papangarapin na katulad ni Kent si Josh. Mahal ko si Josh sa kung ano siya, kung sino siya. Mabait naman siya diba? Bonus na nga lang na gwapong gwapo siya. Seloso lang talaga ang loko! Hmp.



*Phone ringing..*


*Babe <3 Calling..*



"HELLO?!" sigaw ko pagkasagot ko ng tawag.



(Aray naman! Why are you shouting?) sagot niya sa kabilang linya.



"Bakit ka ba tumatawag?!"



(Malamang asawa kita! Asan ka ba?)



Asawa..


"Anong asawa pinagsasabi mo diyan?! Tska di ko sasabihin!" pagmamatigas ko.


(Asan ka sabi?!)


Oh no.. galit na ata. Pero hindi! Hindi kami bati!



"Secret! Sige bye!" padabog kong sabi. Pero di ko pa din binababa. Hinintay ko ang reaction niya pero di naman siya nagsasalita.. Maya maya..



(O ano? Kala ko ba ibaba mo na?) tanong niya. Narinig ko pang tumawa siya ng mahina. Leche talaga 'to!



"Che! Ibaba ko na talaga!" sabi ko. Ibaba ko na talaga dapat kaso bigla siyang nagsalita.



(Wait babe! Asan ka ba kasi?) mahinahon na sabi niya.



"Bakit ba?" galit pading sabi ko. Nag-iinarte lang. Hehe.



(Babe.. please? Where are you?)


Ayan. Nagmamakaawa na siya. Edi sabihin na.


"Nasa mansyon ako. Dito ako matutulog ngayon."


(San yan?)


Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon