Thirty-nine

208K 2.2K 48
                                    



Tuloy padin ang party. Nasa isang round table lang kami nila Daddy, Tito Jaime, Kier at syempre si Josh. Wala si Tita Rebecca, ang sabi nasa abroad daw. And yep, andito si Kier. Nag-uusap na kami ng walang ilangan. Nicongrats niya pa nga ako kanina after nung sayaw namin ni Josh. Hinanap ko din sa kanya si Alison, kaso busy daw. At oo, alam ni Josh lahat, 'yung first love ko si Kier. Medyo nagselos siya pero pinaliwanag naman lahat ni Kier. Thanks to him.



Sobrang saya ko talaga ngayon. Hindi ko naman kasi inaasahan 'to. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko eh. Ang drama drama ko pa naman, tapos kung anu-ano pang naiisip ko. Eto naman kasing si Josh! Ang galing magkunwari, pati 'yung mga tao sa paligid ko. Pati mismo si daddy, tsk tsk. Panay congrats ang natatanggap ko sa bawat nakakasalubong ko. Kung saan-saang table din ako pumupunta para mag-entertain ng bisita.



Minsan lumilipat ako sa table nila Rachel, Trixy, Kent at Eric kasama nadin 'yung ibang blockmates namin. Nicongrats lang din nila ako, ganoon din 'yung ibang bisita. Karamihan ay kamag-anak ko at ni Josh. May hinahanap pa ako sa mga relatives ko eh, andito kaya siya?



"Aliyah!!" patiling tawag sa akin ni..



"Yngrid!!" ganun din ako tapos nagyakap kami ng mahigpit. Gosh, I miss this girl so much. She's Yngrid, my cousin. Siguro hindi ko pa siya nababanggit, laging nasa ibang bansa kasi at wala kaming communication.



"Omg, napauwi ako ng di oras nang malaman kong engagement mo! You bitch, why didn't you tell me, huh? Im your best cousin forever--" I cut her off.



"Girl, miski ako, hindi ko alam na engagement ko ngayon." I laugh.



"You mean, this is all a surprised?" I nod. "Gosh! How sweet! You're one heck of a lucky bitch! Where's your fiance?" nagpalinga-linga siya. Hanggang sa nastuck ang mata niya sa isang tao. Tinignan ko din kung sino ang tintignan niya.



"That's Kier." sabi ko habang nakatingin na kay Yngrid. Napatingin agad siya sa akin.



"He's your.." dahan-dahan niyang sabi. Napatawa naman ako. Mukhang may magkakalovelife ah?



"No no no no, he's my fiance's brother." I said smiling. She smiled too, a big one. "Type mo?"



"Exactly my type." nakangiti siyang tumingin ulit kay Kier. Napatingin din sa amin si Kier, nginitian ko siya kaya gumanti din siya ng ngiti. Bigla naman nangisay si Yngrid, "Omg! He smiled to me! Omg! Omg!"



Natawa nalang ako. Lumapit na sa amin si Josh. Inakbayan niya ako at kiniss sa ulo. He's sweet, isn't he?



"By the way Yngrid, this is Josh. My fiance, my boyfriend and my love." nakangiting pagpapakilala ko kay Josh. Inilahad naman ni Josh ang kamay niya na tinanggap naman ni Yngrid.



"Don't you dare hurt my cousin. See this?" pinakita ni Yngrid ang kamao niya kay Josh, he nod, "It will land on your face once you do."



Natawa naman ako, amazona talaga. Natawa din si Josh at hinalikan ulit ako sa ulo, ehh! Enebe. Haha. "Don't worry, I'll never do that again."



Naningkit ang mata ni Yngrid, "Again?"



"Uh, long story, cous." sabi ko, mahabang paliwanagan nanaman kasi eh. Binalingan ko si Josh, "Babe, tawagin mo nga si Kier nang matahimik na 'tong babaeng 'to." sabi ko na ikinatawa naming tatlo.



Nag-usap ulit kami ni Yngrid tungkol sa mga bagay-bagay habang si Josh ay tinawag si Kier. Maya-maya'y nakita ko nang papalapit ang dalawa, bigla nalang may umalog-alog sa braso. Ay grabe Yngrid? Lumalapit pa nga lang, kinikilig kana.



Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon