Thirty-four

173K 1.8K 57
                                    



Sana panaginip nalang lahat 'to. Sana natutulog lang ako tapos paggising, gaya na ng dati ang lahat. Sana hindi 'to nangyayari. Sana masaya kaming dalawa. Sana wala nalang problema. Sana nacocontrol ko ang mga pangyayari. Sana pabor sa aming dalawa ang lahat. Kung pwede lang sanang maging totoo ang lahat ng 'sana'.




Pero hindi eh, ito ang realidad, nangyayari 'tong lahat, hindi ako nananaginip lang. Masakit masampal ng katotohanan. Masakit? Oo. Kasi ayun na, kami na talaga. Tapos parang bigla na lang siyang binawi sa akin, binawi ng ibang babae. Bakit ganoon? Bakit hindi nalang kami maging masaya? Bakit hindi fair ang buhay? Bakit kailangan pa akong masaktan? Bakit ako pa? Bakit kami pa? Bakit, ha?




Okay na sana, okay naman na ako, ready na ako ulit, pwede na ulit kaming magsimula. Pero bakit ganoon? Bakit nahuli yata? Nakakainis talaga. Kung kailan naman magiging masaya na ulit kami, tska naman napag-usapan 'yang fixed marriage na 'yan. Di na uso 'yan eh! Sino bang nagpasimuno niyan? Ipakita niyo nga sakin nang mapatay ko na! Dahil diyan sa lintek na 'yan, palaging maga itong mata ko.




Isang linggo nang nakalipas simula noong sabihin sakin ni Josh ang tungkol sa fiancee niya. Expected naman daw niya na meron kaso hindi naman dapat ganito kaaga. Tinanong ko kung si Alison ba, sabi niya hindi daw. Isang linggo na din kaming hindi nakakapag-usap ng maayos, puro text lang, minsanan pa. Lagi din siyang wala at hindi ko nakikita sa condominium.



Pero hindi ko kayang magalit. Wala akong karapatang magalit.




Ang tanging bagay nga lang na nakabawas sa alalahanin ko ay hindi si Alison ang babaeng 'yon. Akala ko nga siya, eh. Akala ko plano niya lahat ng 'to. Inisip ko na baka mabuti pa nga kung plano niya, at least pwede pang magawan ng paraan. Kaso kagustuhan ito ng pamilya ni Josh. Anong magagawa ko? Wala akong laban sa pamilya niya.




Sabi niya, ipinaglaban niya ako. Tinutulan niya ang arrange marriage na 'yon pero hindi nagpatalo ang daddy niya. Para daw ito sa kanya at para sa pamilya nila. Sinabi niya sa daddy niya na ako ang mahal niya, sabi naman ng daddy niya ay makakalimutan niya din ako at matututunan niyang mahalin 'yung ipapakasal sa kanya. Masakit 'di ba? Gusto ko sanang lumaban pa kaso ang tanong, may karapatan ba ako? O kung meron man, dapat ba? Eh para 'yon sa ikakabuti ng pamilya nila. Ayoko namang masira siya sa pamilya niya nang dahil sakin. Gusto ko cool at naaayon ang lahat.





Pero sabi ko nga, Josh is always an exception. Gagawa ako ng mali para sa kanya. Kaya kong kainin ang pride ko para sa kanya. Kaya kong magmukhang tanga ngayon para sa kanya. Mahal ko siya. Wala akong pakialam kung ano man ang kalalabasan kung ipaglalaban ko siya. Atleast, I did my part so I wont regret and think about what ifs in the future.





"Kamusta?" tanong ni Trixy. Nakatulala ako, nagiisip ng mga bagay-bagay.




"Obviously, hindi ako okay." walang ganang sagot ko.




"Nalulungkot ako para sa inyo ni Josh, girl." tapos niyakap nila ako. Hinawakan ko ang braso nilang nakayapos sa akin.



Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon