Twelve

308K 3K 115
                                    


"So.. what's the real score between you and him?" Rachel.



"Anong drama niyo? Got to believe? Kayo na hindi kayo ang peg?" Trixy The Great.




'Tong dalawang 'to talaga. Sinabi ko nang pretend gf lang ako ni Josh. Inlove ako sa kanya pero hindi ko alam kung anong nararamdaman niya para sa akin. Kaso ayaw nila maniwala sa akin. Kesyo daw, parang real boyfriend si Josh kung makaasta. Kinuwento ko kasi sa kanila ang mga nangyari nung pagpasok namin dito sa mall. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako or maiinis eh. Paano kasi..




Nag-aayos padin ako ng sarili pagpasok namin sa mall. Magulo ang buhok dahil hinangin ito ng sobra nung nasa motor kami. Ayaw ko pa namang pangit ako sa harap ng ibang tao. Kainis. Hindi ko man lang makita ang sarili ko sa salamin dahil ang bilis maglakad ni Josh. Akala niya alam niya kung saan namin kikitain sila Rachel.



Kinuha ko ang cellphone ko sa clutch at ginawa kong salamin. Kaso useless din, di ko makita ng maayos ang sarili ko. Bigla nalang may sumulpot sa harap kong lalaki. Saktuhan ang mukha, yung tipong mapagtiyatiyagaan. Sorry for the description.



"Miss, salamin? Pwedeng sa mata ko nalang. Kasi diyan, you're always beautiful *wink*" bigla niyang sabi.



Yuck! Mukhang manyak.




Binalik ko ang cellphone ko sa clutch at bago ko pa siya itaboy sa harap ko dahil nakakadiri, as expected, dumating si Josh at hinila ako palapit sa kanya.



"Beautiful beautiful.. gago! Tusukin ko 'yang mata mo eh." tapos tinutok niya yung dalawa niyang daliri sa mata nung lalaki, "Tara na nga babe!"



Hinila niya ako palayo. Binitawan niya na din ang paghawak sa braso ko at naglakad ulit ng mabilis. Ayan nanaman siya. May sira ata ang ulo nito!



Kinuha ko ang cellphone ko at itetext na sana sila Rachel na nandito na kami sa mall. Kaya lang, may bumangga naman sa aking isang lalaki na dahilan kung bakit muntik na akong mapaupo, buti nalang nasalo niya ako.



"Sorry." sabi niya at ibinalandra ang pang-colgate commercial na ngiti. Gwapo siya pero ayoko ng dating niya.



Tinayo niya ako at may balak pa sigurong magpakilala kaso hinigit nanaman ako ni Josh.



"Sorry sorry.. ulol! Sinadya mo yun. Chancing kang gago ka ah? Babe, pag-uwi natin, maligo ka ng maligo para matanggal yang germs sa katawan mo galing sa lalaking yan." muntik na akong matawa sa sinabi ni Josh. Pigilan ko lang dahil mukhang iritado siya.



Naglakad kami palayo. Pero ilang hakbang palang, nagsalita yung lalaki.



"Ayus-ayusin mo tabas ng dila mo pre." maangas niyang sabi kay Josh.



Hinarap siya ni Josh and I swear, there's this what they called 'black aura' around him. Nakaka-intimidate.



"Ayus-ayusin mo din yang kilos mo. Lalaki ako pare, alam ko galawan mo." naglakad na ulit kami palayo.



"Ang hirap mo naman kasama sa mall." sabi niya pa. What does he mean?





Kanina pagkakita namin kila Rachel at Trixy, nakabusangot si Josh. Mukhang badtrip talaga. Kaya nga tinanong nila ako kung bakit.



Pero kahit ano pang mood ni Josh, gentleman pa din. Siya ang bumili ng pagkain dito sa fastfood na kakainan namin. Yan ang gusto ko sa kanya eh, mabait na, gwapo pa.



Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon