Twenty-three

192K 1.5K 25
                                    


Ugh. Crap. Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari?



Dahan-dahan kong binuksan ang mga mabibigat kong mata. Uh.. wait. Asan ako? Bakit ang dilim dito? Wala akong makita! Tska.. ako lang ba mag-isa? Parang walang ibang tao sa sobrang tahimik.



Kinabahan ako bigla nang maalala ko yung nangyari kanina..



Bullcrap! Nakidnap ba 'ko? Asan na yung estudyanteng kasama ko kanina? Punyeta siya! May pina-amoy siya saking matapang and the next thing I knew, nandito na ako. Nakaupo sa upuan at naka-TALI! Asan ba 'ko?!



"Hello?! Is there anyone here except me?! Hey!!" sigaw ko. Pero wala, um-echo lang ang boses ko. Gosh! Natatakot na 'ko. Para din akong nakapikit, talagang wala akong makita.



Maya-maya'y bumukas ang ilaw or should I say, SPOTLIGHT. What the hell? Sakin lang nakatutok yung ilaw na pagkaliwa-liwanag. Ganun padin naman ang suot ko, gosh, buti hindi rape 'to. Tapos wala padin akong makita sa paligid. Argh!



Ilang saglit pa, may bumukas na pinto at may narinig akong yapak ng paa.


Omy.. Creepy!


Maya-maya'y huminto na ang taong 'yon sa paglalakad. Pakiramdam ko nasa tapat ko na siya.



"W-Who are you?" kinakabahang tanong. Omg, what if, he/she is a goon? How can I escape here? Can someone save me?



"Hahahahaha!" she laughed as if she's a witch. Gosh! "Hello there, Aliyah dear." then may tumutok sa kanyang spotlight..



"ALISON?!"



"Oh yes, my dear Aliyah." she devilishly smiled.



May kinuha siyang baril sa gilid niya then pinaputok niya muna sa magkabilang gilid ko. Sa takot ko ay nagtititili ako. Napunta yata sa paa ko ang lahat ng dugo ko sa katawan. Is this really the end for me?



"Hahahahahaha!" she laugh again. Oh ghad! She's really an evil.


"You shoul've seen your face. Damn, its priceless!" she said then laugh. "That's what you call, Expect the unexpected."



Si Alison ba talaga 'to? Grabe! Parang demonyita! Hindi pala parang, demonyita talaga siya! Oh gosh, what to do? Where's Josh? Ghaad!



"Oh well, Adios Aliyah."



Tapos binaril niya ako sa dibdib. Napatingin ako doon at nakita kong madaming.. dugo.






"OH MY GOD!!!" tili/sigaw ko ng malakas.



Napabangon ako ng wala sa oras. I just had a nightmare! Omg. Pati ba naman sa panaginip ko, demonyita ka padin Alison? Syet. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kakaisip ko siguro to kanina na baka nakidnap si Josh.



Napatingin ako sa paligid..



Kaninong kama 'to? At nasaan ako? Tska bakit ganito na ang damit ko? Bakit naka-floral dress na 'ko? Sinong nagbihis sakin?! Crap. Panaginip ba ulit 'to? Argh.



"HELLO?! May tao ba dito?!"



Parang hotel suite 'tong lugar kung nasaan ako. Malaki at malambot 'tong kamang kinauupuan ko. Maganda din ang kabuuan ng kwarto. Napatingin ako sa floor to ceiling glass window, maliwanag pa. Siguro hapon palang. Pero teka nga, asan nga ako at pano ako nakapunta dito?



Maya-maya'y bumukas ang pintuan. At pumasok si.. wait, eto yung kasama kong lalaki kanina ah? Yung nagpawala ng malay ko. Wow ha! May gana pang ipakita sakin 'yang mukha niya!



"HEY YOU A$$HOLE! WHERE AM I?" sigaw ko.


"Easy lang.. halika, hinihintay ka na niya."



"SINO?!"



"Wag kang sumigaw! Halika na!" tapos hinila niya ako. Parang kanina lang, uutal-utal pa to pag kinakausap ako ah? Tapos ngayon parang goon na.


Lumabas kami nung room. Tama nga ako, hotel 'to. Tapos lumabas na kami ng hotel at dumeretso sa may.. beach? Sa pagkaka-alam ko, walang beach resort sa Manila ah? Ibig sabihin, wala kami sa Manila?! Wth!



"Hey hey, asan tayo? Anong lugar 'to?!" tanong ko habang sumusunod sa lalaking 'to. Syempre di ko alam dito, kaya kailangan kong sumunod sa kanya.



"Batangas."



"BATANGAS?!" I exclaimed. Nawalan lang ako ng malay kanina, nasa Batangas na agad kami?! Anong sasabihin ko kay Josh? Oh wait, where's Josh?



"Hoy, nasan si Josh? Sabi mo kanina, may nangyaring masama sa kanya? Asan siya?"



"Psh. Ang daldal mo naman! Sumunod ka na nga lang sa akin."



Ang bossy naman neto! Akala mo kung sino.



So wala na akong nagawa kundi sumunod kung saan siya pupunta. Hanggang sa makarating kami sa may bandang dulo nitong beach. Yung hindi na napupuntahan ng mga tao.  Ano namang gagawin namin dito? Tska, sinong naghihintay sakin?



"Maiwan na muna kita dito. Kumain ka nalang muna dyan tapos hintayin mo nalang siya." sabi niya bago umalis. Hindi man lang ako pinagsalita! Grrr.



Tumingin ako sa paligid. Round table na may flowers sa ibabaw at candle sa magkabilang gilid. Meron nading pagkain na nakalagay doon. Tapos merong dalawang upuan. May petals pa sa buhangin sa paligid ng table. Maganda ang setting. Sino naman kayang nag-set nito dito?



Lumapit ako sa mesa at umupo sa upuan. Hindi muna ako kumain. Hinihintay kong dumating siya. Ang tanong, sino siya? Pa-suspense pa yung lalaking 'yun!



Ang inaalala ko ay si Josh. Hinahanap na kaya ako nun? Pagbalik ko sa Manila, anong sasabihin ko sa kanya? Na nawalan ako ng malay tapos pag gising ko, nasa Batangas na 'ko? Ano ko, nagteleport? Hindi 'yun maniniwala. Pero kung ipapaliwanag ko naman, maniniwala siya? Kasi naman! Ang sarap patayin ng nagdala sakin dito! Kainis! Itext ko na lang kaya si Josh? Oo tama.



Kinapa ko ang suot kong short sa ilalim nitong floral dress. Pero wala akong makapang cellphone. What the hell? Asan na yung phone ko?! Ahh crap! Baka may kumuha or what! Paano ko itetext si Josh? Argh! Kainis!!!



Napatayo ako at napapadyak ako sa buhanginan. Bwisit! Magagalit sakin si Josh. Magtataka yun kung bakit ako nandito at wala sa Manila. Buti sana kung siya ang nagdala sakin dito-- wait. What if siya nga? Wala siya sa cafeteria nung break time namin, hindi kaya nauna na siya dito? Sana! Sana siya nga ang hinihintay ko dito. Posible din naman kasi yun di ba? Sana siya--



"Bakit di ka pa kumakain?" sabi ng isang tao sa likod ko kaya napalingon ako.



Siya ba ang hinihintay ko? Syet!



Hindi siya si Josh!




XoXo~

A/n:  I'll change my username, maybe cliff-hanger will do? JOKE! May karugtong pa 'to :) Eto nalang muna. Haha ^___^v

Vote · Comment =)))

Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon