Thirty-two

190K 1.7K 46
                                    


Matagal siyang nanahimik, "Ano Kier?" tanong ko ulit.



"Aliyah, I admit na nagsinungaling at nagtraydor ako sayo pero I promise, ako si Adrian. Kung may dapat ka mang pinakadapat paniwalaan, 'yun 'yon." sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko. Hindi ko alam kung tama ang sinasabi at pinapakita ng mga mata niya, pero mukhang nagsasabi talaga siya ng totoo. Pero paano kung mali pala ako ng basa sa mata niya? Paano kung mapaniwala nanaman niya ako sa kasinungalingan niya? Paano kung hindi naman talaga siya ang first love ko? Paano na?



"Maniwala nanaman Kier. D'you think I'll believe you, huh?" nagdududa ako. Ayoko nang maloko ng isa pang beses, hindi ko na ata kakayanin.



"I'll never do such things again, Aliyah." malungkot siyang tumingin sakin na para bang nasasaktan siya dahil hindi ako naniniwala.



"I need an assurance na ikaw nga si Adrian, Kier. Hindi sapat ang mga paliwanag mo noong sa Batangas, and to think na planado pala 'yon, hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa yung mga sinabi mo doon." humalukipkip ulit ako at tumingin sa labas.



"Better ask Tito Simeon, Aliyah."



Dad? Oh yes, si Dad! Kilala niya si Adrian. Shit, nakalimutan kong i-confirm kung si Kier nga 'yon noong pag-uwi ko galing Batangas. Nag-away kasi kami ni Josh kaya nablanko ang utak ko. Yeah, I'll ask my dad.



"I'll go now." sabi ko saka kinuha ang bag ko at binuksan ang pinto. Pahakbang palang ako ng pigilan ako ni Kier. "What?"



"Im very very sorry. Please... please understand me." pagmamaka-awa niya. Anong iintindihin ko? Na nagawa niya 'yon dahil  lang mahal niya ako? Hah!



"For now, I cant." sabi ko at tuluyan ng lumabas ng kotse niya. Dirediretso ako sa paglakad papasok at hindi ko na inantay umalis ang kotse niya.



Sumakay ako ng elevator papunta sa floor ng unit ko. Bumalik sakin ang mga.nangyari ngayon at nitong mga nakaraang araw..



Wala pala akong pahinga sa mga problema. Una kay Josh, tapos ngayon naman kay Kier. Dyusko, kung hindi lang kami ayos ni Josh ngayon, baka nabaliw na ako sa kakaisip kung ano bang nangyayari. Meron pa palang problema, si Alison. Ano ba kasing pinaplano ng bruhang 'yon? Hindi ako natatakot na saktan niya ako physically pero natatakot akong masira niya ulit kami ni Josh. Alam kong may plano pa siya, kaya dapat lang na paghandaan ko. She love Josh? Fine. She wants me out of her life? Fine. She wants to replace me on Josh's heart? Fine. All is fine with me. But she can't never ever be with Josh until I die. Taga mo sa bato.



Alison Lee, you want war? I'll give you war. This is one heckuva fight between me and her.



**



Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad akong humiga sa kama. Nakakapagod, nakakapanghina. Ano bang nagawa ko at puro ako problema ngayon? Hindi naman ako nagnakaw o pumatay ng tao para mangyari ang mga ganitong bagay sakin.



Kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan ang screen. Tatawagan ko ba si Dad? Eh paano kung mabigo ako? Aaminin ko, umaasa akong si Kier si Adrian para hindi ko na kailanganing alamin pa kung sino talaga. Pero paano kung totoo ang sinasabi ni Kier? Paano ko sasabihin kay Josh ng hindi siya nagagalit o nagtatampo dahil ngayon ko lang nasabi? Bahala na.



Calling Daddy..



"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."



Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon