Nine

313K 2.8K 40
                                    



Dinala ako ni Kier sa isang Ice Cream shop. Natural pumasok kami at kumain. Nag-usap usap lang kami. Kinukulit nya nga ako tungkol sa problema ko kasi madalang lang daw akong ngumiti ngayon.




"Its complicated" yan lang ang lagi kong sagot sa kanya. Tapos, di na sya magtatanong ulit.




Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko. Nakakagaan pala 'tong Ice cream no? Ang gwapo pa ng kasama ko. Yung mga babae nga dito sa shop, lagkit ng tinginan eh. Sorry sila, ako kasama. Haha, ang landi ko!




"So Aliyah, gaano na kayo katagal ng kapatid ko?" tanong nya habang kumakain ng Ice cream.




Gaano nga ba? Eh hindi naman kami. Anong isasagot ko?




"Bago lang kami" safest answer. Kesa naman wala akong maisagot. Baka magtaka.




"Ang dungis mo kumain" sabi nya at naramdaman ko ang hinlalaki nya sa gilid labi ko.




Sweet gesture. Nakakakilig, oo. Pero mas kikiligin siguro ako kung si Josh ang gagawa nun sakin. Ano na kayang ginagawa nun ngayon? Aish! Get him out of your mind, Aliyah!




"Hehe, thanks. Btw, sinong mas matanda sa inyo ni Josh?" di ko kasi naitanong yun dati. Tska wala lang, para may mapag-usapan lang. Di pa naman kami ganoon ka-close eh.




"Ako. 1 year lang naman kaya di pa ako matanda para sayo. Pwede pa tayo"




Huh?! O.o




"Ano yung huli mong sinabi?" narinig ko naman, kaso.. di ko sure. Baka guni-guni lang.




"Haha, wala. Tara na? May klase pa tayo oh"




Buti nalang. Thank god!






Naglakad na kami pabalik sa university since may klase pa ako. Blockmate ko nadin pala itong si Kier. May bago nanamang pag-aawayan si Trixy at si Rachel. Mahilig sa mga gwapo yun eh. Haha, namimiss ko na yung dalawang gagitang yun. Di ako nakapasok kanina kaya di ko sila nakita.




"Bat nagtransfer ka dito?"




"Ha? Ano.. for some reasons" sabay ngiti niya.




"Ah. Okay" di ko na tinanong kung anong reason. Maybe, it is private.




I was about to open another topic but something-- no, someone caught my attention.




Si Josh at yung girl na kausap nya nung party. Yung babaeng kasama ni Kier dumating nun. Tama kaya ang hinala ko? Na nagkabalikan na sila? Wow, parang kanina lang... Tss!




"Oh! Here they are Josh!" sabi nung babaeng kasama niya.




Napalingon naman si Josh samin, kitang kita ko ang pagbabago ng expression nya. Agad syang lumapit at inakbayan ako. Gah! Nag-usap na kami kanina diba? Why is he like this?




"Babe! I've been looking for you! Where have you been?" tanong niya.




Wow! Kung maka-asta parang walang nangyari kanina ah? I cant believe it! Oh, I remember, pinakilala niya nga pala akong 'GIRLFRIEND' sa pamilya niya. Is this some kind of an act? Tch.




"Kumain lang kami ng Ice cream,dude" si Kier ang sumagot para sa akin.




Napalingon agad sa kanya si Josh ngunit binalik niya rin ang tingin niya sa akin na parang tinatanong ako.




Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon