JUST A THANK YOU NOTE BY CHARAUGHTERANG OTOR XD

134K 1.2K 81
                                    


Hi readers! :) Panghuli sa lahat-- loljk XD Una sa lahat, salamat sa votes at comments niyo! Naappreciate ko talaga ng sobra 'yan. Lahat na ata ng comment dito, nabasa ko, di ko lang mareplyan dahil di ko naman alam irereply ko minsan XD


Sinimulan ko ang story na 'to October last year. Tapos huminto akong mag-update noong chapter 5 na. Tingin ko kasi wala namang kwenta 'tong story ko, na wala namang nakakapansin. Hanggang sa isang araw may nagpost sa MB ko, kelan daw ba ako mag-a-update. Natuwa naman ako kasi kahit papano pala, may nag-aabang din. Salamat pala sayo, sana nababasa mo 'to ngayon at sana nakaabot ka sa Epilogue.



Tapos naistop nanaman ako sa pag-uud nun. Trip ko nga lang kasi 'to, pag wala lang akong magawa, tska lang ako gagawa ng i-uud. Hanggang sa isang araw, may nabasa akong comment. FIRST EVER COMMENT. Kahit 'Update po' lang 'yung comment niya, natuwa pa din ako. Di ko na matandaan 'yung username niya, basta alam mo sana kung sino ka XD Sana nakaabot ka din sa Epilogue.



Then sunod sunod na 'yung UD ko noon, hindi umaabot ng one month bago ako mag-update XD Tapos napapansin ko din na may nagcocomment na at may nagvovote nadin. Sobrang natuwa ako kaya ginaganahan ako gumawa ng bagong i-uud. Naaalala ko pa nga 'yung mga readers na parating nagvovote at nagcocomment dati, nakakalungkot na hindi na sila nagcocomment sa mga nakaraang UD, hindi ko din alam kung nagvovote pa sila. Pero thankful padin naman ako sa kanila :) SOBRANG SALAMAT din sa palaging sumusubaybay at nagbibigay comment sa bawat UD ko :* Alam niyo na kung sino kayo huh? Kung pwede lang idedicate 'to sa maraming users, idededicate ko talaga eh XD



Bawat UD ko po dito, straight from my mind, no edits, no second glances. Hindi ko din alam kung tama 'yung mga grammar ko dito. Hindi naman kasi ako fluent sa English XD Trying hard ako. And yeah, frustrated author XD



Actually, hindi ko talaga expected na aabot ng 1M ang reads nito. Kala ko nga hindi 'to aabot ng 100k nung una XD At oo alam ko, ang weird ng title nito, NEIGHBORS WITH BENEFITS. Natatawa nalang ako sa naiisip ko eh, nakatatlong palit pa ako ng title bago naging ito.



Buong March talaga umusbong (Lalim eno?) 'tong NWB. May note pa nga ako kung ilan na ang reads bawat araw XD Hahaha. Ang weird ko lang.



As much as I want to recommend my story to my friends, hindi ko magawa. Kasi... basta XD Puro kacornihan lang kasi ang laman ng story na 'to XD Tska yung genre ng story na 'to kasi eh. Baka sabihin pa nila, ang Byuntae ko (Slight lang naman) haha XD



Mashado ko bang pinahirapan si Aliyah dito? Hindi naman diba? Sabihin niyong hindi! Haha. Gusto ko talaga ng hindi paaping bida kaya ganyan ang ugali ni Aliyah, mabait kung mabait, mabangis kung mabangis XD Si Josh naman, her prince charming (taray, me ganon XD) na gwapo at hot. Gusto ko naman ng boyfriend na alam kung kailan siya mali at territorial kaya naman nabuo si Josh. At si Alison, parang wala naman siyang nakakabwisit na ginawa maliban doon sa kissing scene nila ni Josh eh? xD Srsly, hindi ako gaanong nainis sa kanya XD Haha. At si Kier naman, the childhood friend and the secret lover :"> Haha.



Basta salamat talaga sa inyo! :) Ito kasi yung first story ko, at buti naman natapos ko XD Dapat kasi i-oOn-Hold ko 'to. Sana basahin niyo din 'yung ibang story ko.



To my EXOtic readers out there, kaway kaway!! Hahaha. Umeksena pa si Chanyeollie dito eno? Kabaliwan ko kasi XD Dapat talaga siya 'yung karibal ni Josh, kaso naisip ko na hindi pala bagay XD Kaya nandun nalang siya sa isa ko pang gawa na Arranged Marriage To Luhan. Thank you sa inyo! Are you waiting for their comeback? Me too! Katol pa! Hahaha.



And to all readers nga, SALAMAT NG BONGGA! :)))))) Lalo na sa mga nagvovote and comment at dun sa mga affected talaga ng bawat chapter. Tanda ko mga usernames niyo promise! XD Hahaha.



So, that's all. Thanks again and again and again :* PM me or post at my MB, it's okay :)



-Emeyetseyel   XOXO

Neighbors With Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon