Seventeen * S

5.9K 120 1
                                    

Chapter 17: He likes me?

Third Person's POV

"WHAT?! SYA PALA ANG KASAMA mo sa EK!?"Sigaw ni Kathy kay Alliyah

"O-Oo regalo nya daw yun."Sabi ni Alliyah. "At binigay nya rin to."Sabi ng Prinsesa sabay turo sa Kwintas. Hindi maipinta ang itsura ng 3 dalagang nasa harapan nya.

"What? Omo!"Yan lang ang nasabi ni Lorena.

"Oh.my.gosh. So.. Nag-date kayo?"Mabilis na umiling si Alliyah.

"Hindi kami nagdate no."Sabi ni Alliyah. "Kasama rin namin sina Mama at Carmina."Pagpapatuloy nya. Parang nakahinga ng maluwag ang tatlo.

"Okay. Sabi mo. Patingin nga ng Kwintas."Tinanggal naman ni Alliyah at iniabot sa mga kaibigan.

"Alliyah.."Basa ng mga kaibigan nya.

"Gosh! Pinasadya nya pa yan para lang malagyan ng pangalan! Hay nako. Kelan pa ba naging ganyan si SHAWN?"Sabi ni Rhianne at saka hinawakan yung baba na parang nag-iisip.

"I-I can't Believe this! Binigyan ka ni Shawn ng Kwintas na may nakaukit pa na pangalan mo?"Sabi ni Lorena.

"Bakit? Anong masama? Eh si Kathy nga nakatanggap ng Singsing na May pangalan nya rin galing kay Andre diba?"Paliwanag ni Alliyah.

"Syempre. Natural yun. Mag-syota sila eh."Sabi ni Lorena.

"O-Oo nga pero.. basta! Walang malisya. Tara na nga. Mag-almusal na lang tayo."Aya ni Alliyah sa mga kaibigan nya. Umalis na sila at Tumungo ng Cafeteria.

'What? B-Binigyan ni Emperor Shawn ng Kwintas yung Pangit na yun?!'
'I-i cant believe it!'
'She's going to pay for this!'
Sabi ng mga stupident nakarinig sa usapan ng mga Dalagang kanina ay nakaupo lamang sa bench sa Garden.

Alliyah POV

Nandito na kami sa Cafeteria. In-order ko lang ay Hot Choco, Waffles at Pancake.

"Parang meryenda lang Te?"Sabi ni Lorena. Nginitian ko nalang si Rhianne.

"So.. Pagpatuloy na natin yung si Shawn-ang-kasama-mo-sa-EK-with-family story."Sabi ni Kathy.

"Mahabang kwento.."Sabi ko tapos nagsimulang kumain. Hindi naman sa Selfish ako. Ayoko lang na sobra na sa info yung meron sila. Mamaya mas marami na silang alam sa buhay ko kesa sa akin.

"Then make it short."Sabi ni Kathy. Grabe talaga tong tao na to. Pasalamat sya mahal ko sya.

"Okay. Nagpunta kami kina mama kasi sinundo pero di ko naman alam na sa EK ang punta namin. Tapos umuwi na kami at nung hating gabi may kumatok sa pinto ko pero wala namang tao tapos may paperbag. tapos andun yung kwintas."Kwento ko. Nag-ngitian naman silang lahat.

"Ooooo... I think..He likes you."Mabilis na sabi ni Kathy.

"He likes me? Ha.Ha.Ha.Ha. Nakakatawa."Sarkastikong sabi ko.

"Anong nakakatawa?"Tanong ni Kathy.

"Di'ba nagjoke ka? Okay na yun. 4 na tawa."Sabi ko.

"Ewan sayo."Sabi ni Kathy.

"HAHAHAH. Ikaw naman. Buti nga natawa pa si Alliyah sayo eh."Sabi ni Rhianne.

riiiing riiing..

"Hello?"Bakit naman tumatawag ang Emperor na ito.

[Hi Alliyah.]Sabi nya sa kabilang linya.

"Hi. Napatawag ka?"Kalmadong tanong ko.

Nerd into a Princess 1 & 2Where stories live. Discover now