Forty-Four

4.2K 86 1
                                    

Chapter 44: His 2 conditions

Alliyah POV

Waaaaaaaa! Napabangon agad ako ng maalala ko nanaman yung kagabi at tumakbo papuntang C.R. Hinalungkat ko yung toothpaste at toothbrush tsaka nagsipilyo ng bongga. Ew.

Nang natapos, lumabas ako ng c.r at sumulyap sa orasan. 7am pa lang, naligo nalang ako.

Nasaan na ba yung bathrobe! Pinunasan ko yung salamin ko bago isinuot. Naiwan ko pa ata sa kwarto. Napatingin ako sa pinang-punas ko. Tsss, eto nalang. Kinuha ko yung twalya at pinulupot sa katawan ko tapos lumabas. Dumiretso ako ng kusina. Nagpainit ako ng tubig at tapos ay pumunta sa kwarto.

Pag minamalas ka nga naman! Naka-lock! Tsss. Hinanap ko yung susi. Sa may ibabaw ng lamesa, sa baso, sa ilalim ng basahan, sa tabi ng mga displays, sa ibabaw ng mga libro, sa bag ko, sa wallet ko, wala. Nahampas ko ang noo ko ng maalala kong nasa may treasure box ko yun. Tsssssssss!

Ni-lock ko yung pinto baka kasi biglang may pumasok. Naupo ako sa sofa. Anong gagawin ko? Nasa loob ng kwarto yung damit ko! T_T Bigla akong kinabahan ng narinig kong parang may gumalaw ng doorknob. Tumayo ako at tinignang mabuti, unti-unti itong umikot at biglang umawang yung pinto. Napaatras ako at biglang bumukas yung pinto.

"....hi?"

Hindi ko alam sa sarili ko pero bigla akong tumakbo papuntang C.R. Shete! Ano bang ginagawa nya dito? Ehh ayaw ko nga syang makita! Hindi pa man din ako nakadamit! Peste talagang halimaw yun! Nagulat ako ng biglang may kumatok.

"Hey, are you alright?"

"H-Hin...di!"Pagkasabi ko nun umalis ako sa pinto at umupo sa nakasaradong toilet bowl. Hinilamos ko yung kamay k sa mukha ko,

"Are you ignoring me?"Sa sinabi ni habagat, parang nakonsensya ako ng hindi ko alam. ewan, ang gulo talaga ng buhay, para talagang life.

"Hindi! Ano, n-nahihiya lang ako! K-Kasi..kasi..."Sabi ko, hindi ko matuloy yung sasabihin ko kasi nahihiya talaga ako.

"Kasi?"Banggit nya. Napatigil naman ako. Para akong GIRLFRIEND na nagsusumbong sa BOYFRIEND nya.

"Waaaaaa! Umalis ka muna kaya! Paano ako lalabas kung nandyan ka!"Sigaw koo sa kanya at narinig ko syang tumawa.

"Okay okay, dun muna ako sa sofa."Sabi nya naman, agad akong lumapit sa pinto at pinakinggan kung may paghinga pa ba dun. Wala na, means umalis na sya. Binuksan ko ying pintuan at lumakad. Tapos, naalala kong, bago makapunta sa kwarto, madadaanan mo ang sala. Sa sala kung saan nananalasa ang habagat. Nilibot ko yung paningin ko. Wala namang habagat. Kaya tumakbo ako papunta sa kwarto. Nang nahawakan ko na ying doorknob, nagulat na lang ako ng biglang may nagsalita.

"Hi my ugly and hot girlfriend."Sabi nung habagat na nagpadala ng milyong boltahe sa puso ko na nagpalpitate ng bongga at sobrang bumilis ang tibok kaya nagpump ng maraming dugo na nagakyatan lahat sa mukha ko. Grabeng explanation? Okay na eh. Kaso may ugly pa. Tssss.

"Magbihis ka na, you're tempting me to take that towel of yours off."Sabi nya. Shete naman! Nakaramdam ako ng yabag kaya binuksan ko agad yung pinto. LOCKED nga pala!

"Uh-oh... Naka-lock.."Napalingon ako at sinasabi ko sa inyo. Napakalaking kasalanan dahil nakita ko si Habagat na papalapit at naka-smirk. Weeeeeeeeee! Pwede ko rin ba syang batiin ng, 'Hi my handsome and hot and sexy boyfriend?' Hahahaha. Ewwww, as if namang gagawin ko yun.

"Ahh ehh... S-Shawn..."Gutso ko sanang tumagos sa pinto na ito pero hindi ko yun magagawa! Sobrang lapit na nya sa akin! Amoy na amoy ko ang mabahong hininga nya.

Hahahah joke. Ang bango nga eh, parang mint. Nalasahan ko yung mint. Ehh? Nanlaki ang mata ko at tinulak sya. "Waaaa! Ang tae mo! Alis ka dito!"Napatawa sya sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun? Huhuh. Kailangan makaisip ako ng paraan. Ano nga ba ang pinambukas ni Habagat sa pinto kanina? Ahh, malamang susi kasi ni-lock ko yun eh.

Nerd into a Princess 1 & 2Where stories live. Discover now