Forty-Two * V

3.7K 97 5
                                    

Chapter 42: Royal Kingdom

Alliyah POV

Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatingin sya sa akin. In short, titigan lang kami.

"Sige. Pero pag nasayang ang chance na yun, umasa kang wala ka ng chance na mahihingi pa."Pagkasabi ko ay nakita kong umaliwalas ang mukha nya. Magsasalita pa sana sya pero may nagsalita di kalayuan sa amin na nilingon namin.

"Alliyah!"Sigaw ng kuya ko at tumakbo papunta sa akin. "Hay. Buti nalang at nakabihis ka na. Ang ganda mo ah! Tara na."Kumunot ang noo ko. Saan naman kami pupunta?

"Saan?"

"Sa Royal Kingdom. Di mo ba nabasa ang text ko sayo kahapon?"Umiling ako at nagpatuloy sya. "Oo nga pala, lasing ka."

"Ahh ehh, a-about kahapon, N-Nalaman ba ni Q-Queen S-S-Sofia?"Kinakabahan kong tanong. Tumingin sya sa akin at tumingin kay Shawn. Tumingin rin sya sa akin.

"Ahh ewan ko lang. Ang nalaman ni Mama, na iniligaw nyo yung mga guards."

>.> "ANO?! S-SAAN KAYO GALING?"Sigaw ni Shawn. Medyo nainis naman daw ako.

"San mo ba kami naabutan? Psh."

-

O_O wow. Ang ganda ng school. Ang ganda ng Royal Kingdom. Nakasakay pa rin kami sa kotse, nandito na kami sa harap mismo ng RK.

"Psh. Wag ka nga masyadong tumingin dyan. Eh mas gwapo naman ako sa school na yan."Napatingin ako sa mahanging
Aswang. Opo, sumama sya. Humingi sya ng chance hindi para maging bodyguard ko! Nailing nalang si kuya sa sinabi ni Shawn.

"Weeeee! Kuya sino yun?"Sabi ko habang may tinuturo sa bandang kanan na lalaki. Cute! Haha. Mukha syang highschooler.

"Ahh. Sikat yan. Si Ryu Chen."Napangiti ako, ryu? Yieee. Bagay sila ni Carmina. Ooopppsss, bata pa si Carmina!

"Sikat? Sikat yan? Eh bakit hindi ko kilala?"Sa ikalawang pagkakataon, umepal si Shawn. Ang hangin nya talaga! Lumabas na si kuya ng kotse. Bababa na rin sana ako pero hinawakan ni Aswang ang kamay ko.

"Ano?"Iritang tanong ko.

"Sa gwapo kong 'to? Alliyah mas sikat pa ako sa Ryuken na yan. Mas gwapo pa nga ako eh. Tss."Sabi nya at bahagyang umikot ang mata nya. Dukutin ko mata nya eh.

"Ang hangin mo! Leche ka! Kala mo tatawagin pa kitang aswang? Ewan ko sayo! Tatawagin na kitang Habagat! Uggghh!"

"Ang pangit mo talaga."Sabi nya at pinisil ang ilong ko. Yiiee, kilig naman ako dun--HINDI!! Naiinis ako! Naiinis!

"Ang yabang mo! Sa ganda kong 'to? Huh! I'm beautiful inside and out! Neknek mo!"Sabi ko at binuksan ang pinto pero napatigil ako sa sinabi nya...

"Mahangin ka rin eh. Okay. Amihan."Sabi nya at tuluyang lumabas. Ako? Parang tanga na nakalabas ang isang paa, nakatingin sa labas, pinagpapawisan, nakahawak sa bukas na pinto ng kotse.

"Alliyah tara na!"Tuluyan akong lumabas ng kotse at inis na binalibag ang pinto. Nagulat pa nga ako sa sobrang lakas ng pagkakasara ko. As in *BLAAAAAG!* talaga.

"Hanapin na rin natin si Sheen dito."Sabi ni Kuya na nagpa-excite sa akin. Napangiti ako ng malawak dahil nakapasok kami sa loob nito. Ang ganda. Kung anong ganda ng Exterior, iyon namang mas kinaganda ng interior. Kung sino man gumawa nito, sya papagawain ko ng titirhan ko next month!

Maraming napapatingin sa akin. Nahiya tuloy ako. "Ahh ehh, kuya sandali lang."Sabi ko ng may madaanan kaming C.R. Pumasok ako agad at humarap sa salamin. Tinanggal ko yung glasses ko at pinalit ang Contact lens na dala ko. Sabi na ehh! Sabi na may paggagamitan ako nito. Brown Contact lens tapos nagdampi ako ng lip balm sa lips ko. Lumabas ako at napatingin sila sa akin.

Nerd into a Princess 1 & 2Where stories live. Discover now