Twenty-Eight * R

5K 108 5
                                    

Chapter 28: Who?

Alliyah POV

Hawak ko pa rin yung papel. Kinuha ko yung damit at may nahulog na kung ano, pagtingin ko..

Knife! Kutsilyo!

"WAAAAAA!"Napasigaw ako at nahagis ko yung damit. Biglang bumukas yung pinto. Nakita ko si Mury na may kasamang Guard. Nilapitan ako ni Muriel.

"P-Princess- Oh my! Princess!"Nilayo ako ni Muriel sa Kutsilyo na yun, inayos nya yung kutsilyo sa box at pinatapon nya dun sa guard. Tapos sinarado nya yung pinto.

"Muriel..."Tawag ko sa kanya. Naka-upo ako sa gilid ng kama ko at sya naman nakaupo sa upuan malapit sa tabi ko.

eeeecccckkkk...

"Alliyah! What's with the knife? Sabi nung nakasalubong kong guard may nagbigay daw sayo?"Sabi ni Kathy.

"Uhh.. Princess, Duchess, mauna na po ako, tawagin nyo nalang po ako pag may kailangan kayo."Sabi ni Muriel. Tinanguan ko nalang sya at saka sya lumabas.

"Haaaaaaay.."Sabi ko at saka humiga sa kama. Napansin ko si Kathy na parang may pinulot.

"W-What's this?"Tanong nya at tinaas yung damit kanina.

"Hindi ko alam sa taong nagpadala nyan."Sagot ko nalang. Tapos kinuwento ko yung buong story at sya parang nag-iisip sya ng malalim kaya tingil ko yung pagkwento ko. "N-Nakikinig ka ba?"Tanong ko.

"Ha? Ahh ehh, iniisip ko lang na, baka yung nagtapon sa'yo nang pintura eh yung nagbigay rin nito sayo."Napaisip rin ako.

"Gahhhhd! Nagi-improve ka na! Gumana na yan oh."Sabi ko at tinuro yung noo nya. Natatawa-tawa pa nga ako ee. Hinampas nya yung kamay ko.

"Grabe ka naman parang hindi ako nag-iisip ahh."Tapos nag-pout pa sya. Kyoooot! Hahahah. "Pero, hindi ka ba nagtataka?"Hmm?

"Nag-tataka? Saan?"Tanong ko.

"You know, sino namang maglalakas-loob na gawin yan sayo? Ang lakas ng loob nyang gumawa ng ganyan sa Prinsesa? Hms."Napaisip na naman ako.

"Oo nga ano?"Sabi ko nalang. Kataka-taka talaga ee.

"Malay mo isa sa mga ka-close mo?"Whuut? H-Hindi nila yun magagawa eh, kaming K.A.R.L. lang ang magkakakilala na as in, close?

K.A.R.L. = Kathy, Alliyah, Rhianne, Lorena.

Mukhang may idudugtong pa sya kaya hinayaan ko muna syang magsalita.

"Saka, hindi man lang sila nagbibigyan clue na sila yung you-know, parang, lumalaban sila palikod?"Hmm! Duwag lang ang gagawa nyan! >_<

Nagpatuloy pa sya pagsasalita habang ako nakikinig lang.

"Sa palagay mo, sino ang pwedeng maging Suspects mo?"Sabi ni Kathy. Nakakatawa sya suspects daw ba!?

Nagsimula akong mag-isip kung sino ba ang pwedeng maging suspects... Pero parang wala.

Si.. Fritchelle? Knowing her, hindi sya lumalaban ng ganon, harap-harapan ang gusto nya.

Yung.. Clown na naka-away namin? Hindi rin kasi nasuspend na sila ni Kathy. Hindi na yun uulit.

Ewan ko bigla na lang nag-flash sa isip ko ang mukha ni Rhianne.

Si.. Rhianne?! No, hindi. Magkaibigan na kami at kinalimutan na namin yung mga nangyari. At saka, imposible yun. Imposibleng-imposible. "If expect the unexpected, you should believe the unbelievable too."Naalala kong sabi ni Muriel.

Nerd into a Princess 1 & 2Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα