Eighteen *

5.8K 103 0
                                    

Chapter 18: The Girl

Alliyah POV

Grabe si Dina Devina! Di ko na-carry yung model thingy nya! BTW nandito ako sa Room ni Queen Sofia. Hintayin ko daw yung magiging Tutor-slash-Secretary ko.

Nakaupo lang ako at si Queen Sofia ay nasa unahan ko naka-upo habang umiinom ng Fresh orange Juice nya. ^_^

eeeeeeckk

"She's finally here."Saad ni Queen Sofia at saka tumayo at nakipagbesuhan kay Tutor-slash-secretary ko daw.

"Hallo.... po.."Sabi ko habang nag-aalangang ngumiti at nakipagkamay sa kanya.

"Hi!"Sabi nya. Nasabi ko na rin kay Queen Sofia na pupunta ako ng SEU para nga dun sa 12m. Kaya ayan, pinatawag nya na daw yung Tutor-slash-secretary ko dito.

"So... Princess meet your Secretary, Muriel De Vega. Muriel, meet Princess alliyah."Tapos nag-ngitian lang kami. Ano na ba ako ngayon? Businesswoman? Ano nga ba? May sekretarya ba talaga yung mga PRINSESA? Ang... weird? Ewan ko ba.

"I finally meet the Princess."Tapos nag-bow sya. at ngumiti.

"Muriel, Pupunta sya sa SEU dahil sya ang papalit kay Aldren. Sya na ang makikipagkita kay King Solomon."Paliwanag ni Queen Sofia.

Tapos nun lumabas na kami. nasa tabi ko sya pero mas nauuna ako sa kanya. Nakaka-ilang tuloy ~.~

Hanggang sa Nakarating kami sa Kotse. Sa backseat kami umupo at May inilabas syang clipboard at Kung ano ano ginawa nya.

"Uhmmmm Princess, Ano feeling ng Prinsesa?"Tanong nya. Maganda naman si Muriel. Inosenteng-inosente.

"Bakit mo naman naitanong? Uhm.. Masaya naman pero mararamdaman mo parin yung Kaba at Alanganin kasi may mga taong maiinggit at mag-eexpect ng malaki tsaka magkakaroon ka ng mga Responsibilities. Ganun pero masaya."Paliwanag ko. Ganun naman kasi yung Nararamdaman ko eh.. Sinabi ko lang yung totoo.

"Ahh wala lang po. Curious lang kasi ako Princess. Curious kung bakit naging ganun ang ugali ni.."Huminto sya at lumapit ng konti sa akin. "Ni Rhianne nung Princess pa sya. Pati na rin po yung Fritchelle."

"Ahhh.. Mabait naman si Rhianne. May Problema lang siguro sya nun."Paliwanag ko. "Ahmmm.. Muriel.. Pwedeng wag mo nalang akong tawaging Princess? Tawagin mo nalang akong Alli or Iyah Pag tayo lang. Nakakailang kasi eh."Natawa naman sya at saka tumango

-

Nandito na kami sa SEU. Naglalakad nalang kami. Sa totoo lang, Nandito palang ako sa Main building nila. Nakasunod pa din si Muriel sa akin. Tinuturo nya kung saan dadaan. Kabisado nya tong SEU ha infairness.

"S-Sino yang babae na yan?"
"Psh. I dont care."
"Hahah. The nerve,girl."
"Ih ayun na nga si Princess uuuu."

Sabi nung mga stupidents habang naglalakad kami ni Muriel.

"And who are you?"May nagsalita sa likod namin.

"Sino ka dn?"tanong ko. Kalmado lang yung tanong ko dahil ayoko magiskandalo no.

"You don't freakin know me?"Sabi nya. Itatanong ko ba kung alam ko. Inhale Exhale.

"Oh.. I'm A--"

"Is that important?"sabi nya. Eh tinanong nya dba!? "Hindi ko pinapayagang may panget na makapasok sa SEU gaya nya."Sabi nya sabay turo kay Muriel Sino ba sya? "My name is shining shimmering Fritchelle De Vega."Natawa ako sa isip ko. Tinignan ko si Muriel sa tabi ko. Nakayuko lang sya.

"Ms. Shining Shimmering, nandito PO kami para makipag-kita kay King Solomon. Hindi PO para makipag-away sa'yo."Sabi ko. Magalang pa dn ako. *u*

"Whatever. Gaya ng sabi ko, Ayoko ng may panget dito.">.> Tinutukoy nya ba yung sarili nya?-- yung ugali nya?

Nerd into a Princess 1 & 2Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang