chapT

2.5K 44 0
                                    

Chapter 18: Fixing a broken heart

Nakaupo ako ngayon sa may sahig while looking at my friends. They are happy, laughing and showing affection to their loved ones.

Naalala ko pa nung kay kuya. Halos maghiwalay na buong katawan ko dahil sa dami ng pinamili ko para lang ipaghanda sya ng napakagandang regalo a.k.a date with Lorena. Nung nasa mall ako, ayaw pa akong sunduin ni Kathy kaya si Sh--

Shawn.

Sya pala yung nagsundo sa akin.

Tapos nung kay Andre at Kathy. Nung first first day ko sa RYU. Nagka-quality time daw sila nung sinundo nila ako ako sa room. Bakit nga ba nila ako sinundo? Ay oo nga pala. May project kami na dapat GROUPWORK kaya lang yung mayabang na Sha--

Shawn nanaman. --mayabang na Shawn na yun ako lang pinagawa.
Tapos nung kay Joshua at Rhianne. Although mas boto ako kay Steven at Rhianne, kaya pinaglalapit ko sila, ayaw talaga. Laki daw ng pasasalamat ni Joshua nun dahil sa akin, hindi raw napansin ni Steven na gusto ni Riri yun. Manhid.

Paano ba naman kasi, nung sa barko, nag-aasaran ng 'yung iba dyan', hahaha, naalala ko pa rin hanggang ngayon. Pinalitan nilang dalawa yung alitan namin ni.. S-Shawn.

Haha, tapos feeling ko may namumuo kay Tristan at Muriel. Sinundan kasi ako ni Tristan sa London eh. Eh sakto kasama ko nun si Mury. Boom inlove. Although mas matanda si Mury ng ilang years, sabi nga ni Tristan, Age doesn't matter, love does. Ginagaya nya si Shawn! Bwiset.

Bakit lahat ng bagay konektado sa amin ni Shawn? Kung sinasabi nila na kami yung dahilan kung bakit nabuo love stories nila, bakit hindi matapos-tapos yung story namin ni Shawn? Eto na ba yung part ng story namin na makakahanap kami ng bago? Na marerealize namin na hindi kami para sa isa't isa?

Ganito ba kapag matchmaker? Cupid? Tulay? Kami na nga yung dahilan ng pagsibol nga pagiibigan nila, kami pa ni Shawn ang nalanta.

Hindi sa nanunumbat ako. Ang akin lang.... Bakit unfair?

Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. Kung hindi ba natuloy ang mga stories nila, magiging kami ni Shawn? Pero hindi eh, kaibigan ko 'tong mga to. Siguro kahit ibalik ako ng isang mad scientist sa nakaraan, eto pa rin ang pipiliin ko. Ganito pa rin ang gagawin ko. Kasi kahit nagiba na ngayon, naramdaman ko pa rin na naging masaya ako.

Even though it was only for a short period of time, I felt happy and loved. Pero syempre di mo pa rin maaalis sa akin yung thought na yun. Kung kabaligtaran kaya ang nangyari, masaya ba ako?

I know that I will be happy.. Soon. Maybe it's just others time to feel what I used to feel. Sabi nga, walang panghabangbuhay. Everything changes and you can't do anything about it. My heart? Yes it is broken and tormented. I know that it will ease the pain and be back to normal again.

Love is nothing without pain because pain makes you a human. And being a human let you to love another and be loved. Di ko alam kung ilang pilosopiya pa ang dapat kong basahin. Pero sigro, maghihintay na lang ako. At habang naghihintay ako, I will heal my own heart. So when everythng is okay, I've already adjusted and ready to start a new. And I can't wait for that to come.

"Princess..." napalingon ako kay kuya. Nawala ko sa imagination ko bigla. Pinunasan ko yung pisngi ko at ngumiti.
"Hey, wassup."
"Is it hurting you so much?" tanong ni kuya. Tinignan ko lang sya. Hush, I can't cry now. I just cant!
"Yes kuya. But.. I-I can handle it. Kaya ko 'to no." sabi ko at ngumiti.
"Why don't you just go back to London?" Tanong ni kuya. Sa una ay napaisip ako pero.. i've made up my mind right?
"No kuya. I won't run from my nightmares anymore. I just want to be happy. Hindi mangyayari yun kung aalis ako ng ganun ganun na lang." sabi ko. Ngumiti si Kuya at niyakap ako.
"Right."
"Thank you kuya.. Thanks for being there. Thank you for everything. I-I don't know." niyakap ko na rin sya at dun ako napaiyak.
"Alliyah."
"No. No. I-I.. Excuse me." sabi ko at tumakbo paalis.

Shawn POV
Nagising ako ng may narinig akong mga bulungan sa kwarto ko.
"Ikaw na kumuha, ako magliligpit."
"Ako na magliligpit."
"Bilisan nyo dyan, baka magising pa si Sir."

And, nagising nga ako.
"A-Ayy, G-Good Morning po .. sir!"
"Get out." sabi ko. Habang hinihilot ang sentido ko.
"Sir, lilinisin lang po namin kwarto nyo.. Pati po mga bote, aayusin--"
"Get out!" Agad silang tumakbo palabas ng kwarto ko. Pumunta ako sa c.r at naghilamos ng mukha. Tumingin ako sa salamin habang nakahawak sa dalawahg gilid ng lababo.
Shawn.. Shawn Rivera. Ikaw ba yan. I asked myself. Parang hindi ako nilubayan ng stress at pagod sa itsura ko. Ginawa ko na ang dapat kong gawin tuwing umaga at saka lumabas ng c.r. Nakita ko si Mama na tinitignan ang paligid ng kwarto ko at halata sa mukha nya ang disappointment.

"Wow, son, wow." sabi ni mama. Hindi ko sya pinansin at sinuot ang t-shirt ko. Bihis na ako at shirt lang ang kulang. Nilampasan ko lang si Mama at lumabas ng kwarto. Hindi ko ineexpect na susundan nya ako at sigawan.

"Young man, stop where you are." sigaw nya kaya tumigil ako at tumingin sa kanya. Hindi sya nagsasalita kaya dumiretso ako sa paglalakad. "San ka ba pupunta?"

"Breakfast ma, breakfast."

"Look what happened to you! Para kang bata! Ang kalat ng kwarto mo, ang bastos mo kausap at ang gulo ng buhay mo!" sigaw nya pa ulit.

"You don't need to shout at me, ma. Hindi ako bata."
"I know, I know. But you're in my house, I can do what I want." sabi ni mama sa akin. "Ganyan ba? Pinaglaban mo sa akin yang Alliyah na yan. Sinabi mo na tinutulungan ka nya magbago. My son, magbago."
"Ma, please, wag ngayon." sabi ko nalang at lumakad ulit pero sumigaw na naman sya.
"Kung hindi ngayon, kelan!? Kelan pa, Shawn? When you're completely miserable? Pinoproblema mo na hindi ka tanggap ng magulang nya? Why don't you ask ME first if I like that girl for you?"
"Ma naman. Wag mo sabihing pati ikaw? Mas lalong magiging miserable ang buhay ko kung lahat nalang ng taong nasa paligid ko tutol sa mga desisyon at nararamdaman ko. Ma, si Alliyah lang ang gusto ko, sya lang. Good Morning." dumiretso na ako naglakad. Hindi na nagsalita si Mama kaya hindi na rinako tumigil sa paglalakad.

--
Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto ko. Narinig kong nagriring yung phone ko kaya kinuha ko at sinagot.
"Hello."
(Mr. Rivera, have you done your thing?)
"No, i guess."
(I see, they already did it for you.)
"Huh?"
(Thank you, Shawn.)
"Huh, no problem, De castro."
(David please---"hi Shawn!!!"--"shh!"--"sungit mo dave"--)
"Sige. Bye."
(Bye Rivera. --"bye shawn"-)
Anong ibig sabihin nya sa "they already did it for you." ??

Tinignan ko lang ang screen ng phone na hawak ko. Bwisit talaga. Tumayo na ako dumiretso sa kwarto ko para kunin yung wallet at susi ng kotse. Nakasalubong ko si mama.
"Son.."
"Look ma, i'm sorry for what I did earlier. I did not meant to say those things." sabi ko nalang sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin. "What now, ma?"
"Your sister Shakira, she's missing again!" Sabi nya sa akin at nagulat ako. "Her husband called me after.. After that moment. Nasa condo lang daw silang dalawa then nakatulog sya. Paggising wala na si kira. May letter na nakalagay stating that she need to do something. Shawn! I can't let her be gone again!" she means, to travel again.
"Calm down. She's just wandering around." sabi ko. "I can't find her right now. I'm finding the solutions to my problems, Ma. Besides, she already got a husband, talk to him."
"What?! I can't go to Paris right now!" Napahawak si mama sa sentido nya. "If I could, I would!"
"Ma, ma, di ka pa nasanay sa babaeng yon. Babalik rin yun. Don't stress yourself."

Alliyah POV
"WHAT THE HELL!" napabangon ako agad dahil sa sunud-sunod na kalabog sa pinto ko. What the.. Nakatulog pala ako .. Kakaiyak kagabi.
"ALLIYAH JOY CRUZ COREVANTES! Buksan mo ang pinto!" sigaw ng isang babae kasunod ng kalabog ng pinto.
Bumangon ako at sinuklay ng kaunti ang buhok ko gamit ang daliri ko habang naglalakad.
Pagbukas ko ng pinto napapikit ako sa sigaw ng babaeng to.
"TINULUGAN MO KAMI!!" Si Kathy pala. Maya-maya ay dumating ang hingal na hingal na si Andre.
"Myloves, ano bang nangyayari sayo. Sigaw ka ng sigaw, kala ko manganganak ka na!" sigaw rin ni Andre at niyakap si Kathy.
"Ang baho mo, layuan mo ako." sabi ni Kathy. "Alliyah! Ano? Bakit mo kami tinulugan? Bigla ka nalang nawala!"
"May pinagawa kasi yung teacher ko sa akin.. Oo tama." sabi ko sa kanya.
"Teacher? Pumapasok ka?" tanong ni Kathy.
"Hindi. A-Ano, homeschooled ak tapos yung teacher ko pinagawa ako."
"Ng homework? Uhh.."
"Ahh oo.." Sabi ko nalang.
"Hmmm, okay, I'll let this one slide. Tara, breakfast na tayo." sabi ni kathy at nginitian ako bago sya umalis. Sinundan naman sya ni Andre. Pero bumalik rin sya nang di pa sila nakakalayo.
"Ay, si Ate Shaki, nasa baba, bilisan mo." sabi ni Andre at tumakbo rin.
"Ate Shaki?"
"Ehhh!! Yung Ate ni Shawn."
"WHUT?!" Sinarado k agad ang pinto at dumiretso sa c.r.

Anong ginagawa ni Ate Shakira dito?!

Nerd into a Princess 1 & 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora