Sixteen * S

6.3K 108 1
                                    

Chapter 16: His Gift

Alliyah POV

Good morning ulit sa akin..

Naalala ko nanaman yung regalo ko kay Kuya Aldren. Tapos naalala ko rin na wala akong regalo. Kainis lang!

Nagluto ulit ako. Kaya ako ang kumikilos sa umaga kasi nga gusto ko ako yung kumikilos para sa sarili ko. Sinabi ko din kasi kay Queen Sofia yun kaya wala na yung hilera ng mga babae na papasok sa kwarto mo tuwing umaga namay dalang Breakfast, Uniform at kung ano ano pa.

Pagkakain ko, Naligo agad ako. Hindi ko alam kung bakit naligo agad ako. tapos nagtoothbrush.

Sinuot ko naman yung Puting sando at Pajama.

From: Kamahalan

Magbihis ka ng Maayos tapos Lumabas ka.


Grabe makapagutos? Lumabas ako. Nandun sya nakatayo.

"Hoy Nerd. Magbihis ka nga diba?"Sabi nya sa akin.

"Bakit naman? Tsaka nakabihis naman ako eh."Sabi ko.

"Ng maayos nga diba?"Inis na sabi nya tapos Pumasok ako at Nagsuot ng Puting Tshirt na may print sa Unahan na kung ano at Green na Pantalon at Red na sapatos pti na rin Red na bag. Tapos lumabas na ako.

"Oh Nakabihis na ak--Waaaaaa!!!"Hinila nya ako Angbilis pa naman maglakad nitong asungot na to. Hila-hila nya ako hanggang paglabas. Pinagtitinginan na nga kami nung ibang Stupidents at mga Guard.

"H-Hoy! San mo ba ako D-Dalhin?!"Huminto sya.

"Ibibigay ko na sayo yung Regalo ko."O_O Sya nakabunot sa akin!? Kaya naman pala wala akong natanggap na regalo eh?!?! Kainis naman talaga ang Tadhana paminsan-minsan!!

Sumakay sya sa kotse nya. "Sakay."Sabi nya. Para lang akong statwa na nakatayo satbi ng kotse nya at pa-- "Sakay sabi eh."Tinignan ko lang sya. "Sasakay ka o kakaladkarin kita?"Sumakay naman ako. Katakot eh.

Tapos nagdrive sya. at Dinala ako sa bahay... Kina mama Carmen..

KAY MAMA CARMEN!!?

"H-Hoy! Ano ba! Bakit nandito tayo?!"Sigaw ko sa kanya. "Yah ryt."Sabi ko sa kanya tapos huminto na yung sasakyan at lumabas na sya.

"Lalabas ka o lalabas ka?"Lorena?Lorena ikaw ba yan?

"ASIFMYPAGPIPILIAN."Sabi ko din. Tapos tuwangtuwa akong lumabas ng kotse at tumakbo papunta kina mama Carmen.

"Hoy Nerd--"

"MAMA CARMEEEEEEEENN CARMINAAAA!!!!"sigaw ko.

"M-Mama? Bakit nakapang-alis kayo?"Tanong ko.

"Sabi nung kaibigan mo."Tapos biglang dumating si Carmen.

"Sinong kaibigan?"sino kaya yun?

"Yung emperor nyo!"si Shawn?

"Yeah ako nga."Napalingon ako kay Shawn.

"Bakit? Imbis na magpapahinga sila--"

"Naku ano ka ba naman. Okay lang yan."sabi ni Mama carmen.

Tapos lumabas na silang lahat. Kaya lumabas na rin ako.

Nagdrive na si Aswang papuntang ewan ko. Ayun! Aswang nalang pangalan ni Shawn sa CP ko. Tapos pinalitan ko. Kami lang tatlo naguusap eh. Si Shawn di makapagsalita. Hahah. OP? Sa Passenger seat ako nakaupo sina mama at Carmina sa Backseat.

Tapos nasa Enchanted kingdom na kami.. ENCHANTED K-KINGDOM? EK?

"Mama!! Eto yung sinasabi ko sayong puntahan natin dati."sabi ko kay mama. Ginising na namin si Carmina at lumabas. Tuwangtuwa panga kaming pumasok. Si Mama naman, uupo lang daw sya. Sabi ko hindi pwede kailangan sumama sya. Ayaw daw nya, sasama lang sya pero di sasakay ng rides.

"Anong sasakyan natin dyan?"tanong ko. Nakita nya yung isang ride tapos tumingin sya sa akin. at ngumiti. yung Ngiting may balak na Masama. Hinila nya ako papunta dun sa 'Anchors away' Nung nakita ko kung anong klaseng ride yun, Nanlaki ang mga mata ko pero nung tatanggi pa sana ako huli na, hinila na ako ni Shawn papasok. Si Carmina, nandun sya kay Mama dahil natatakot.

"WAAAAAA SHAAAAWNNN!!! Humandaaaaaa ka sa akinnn WAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!"Sigaw na ako ng sigaw. "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA YARIKA TALAGA SA AKINNNNNNNNNNN!!!!"

"HAHAHAHAHAHAH!!!"Tinawanan lang ako ni shawn. "HAHAHAHA Pulang-pula kana. HAHAHAHAH."Tawa lang sya ng tawa.

"WAAAAAAAAA TAWA KA PA AHAAAAAAAAAAAAA NAHIHILO NA AKOOOO WAAAAAAAAAAAAAAAAA!!"

Pagkatapos nung Anchors Away, Tinawanan nya ako ng sobrasobra na parang wala ng bukas.

"Nakaka...inis! N-Nakakainis ka!!"Sabi ko sa kanya.

"HAHAHAH Tara dun naman tayo!!"Sabi nya sabay turo sa ewan ko parang Tore. Nung tinignan ko.. EKstreme Tower Ride. Para lang naman syang normal na tore kaya pumayag ako. Pero nung nakita ko na may tumataas tapos biglang Bumaba. Sasama daw si Carmina eh. Kaya sumama sya.

"Ayy, Shawn Ayoko na sumakay dya--"Huli nanaman. Nahila na nya ako papasok.

"Sumakay kung hindi itatapon kita sa Ilog Pasig."Sabi nya sa akin tapos pinaupo nya ako umupo na rin sya.

Di naman pala nakakatakot. Dahan-dahan lang syang Umaakyat. Kaso biglang bumaba.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!"

"AAAATTTTEEEEE!!!"

-

Tapos sumakay ulit kami sa Flying Fiesta. Dun nalang ako naboring. Wala lang umiikot ikat lang sya. Pagkatapos nun, Dun kami sumakay sa Disk-O-Magic.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!! NAKAKAHILO!! WAAAAAAAAAAAAAAAAA!!"

Tapos Pagbaba namin, Pinaghahampas ko sya sa Dibdib nya."Nakakainis ka talaga. Naku naku!!"Tapos umalis na kami at sumakay sa Rio Grande Rapids. Yung ibang tao Pinagtitinginan kami, Yung iba naman, Pinipicturan kami. Sila mama nakasunod lang sa amin. Nakakatuwa dahil first time kong pumunta dito kasama sila mama at carmina.

"Baka mabasa naman tayo nyan."Sabi ko.

"Malamang Mababasa ka, Alangan namang Masunog ka dyan."Sabi nya. Aba't..

"Hmp. Sungit!"Tapos sumakay kami. Natawa lang sina Mama.

"WOOO! HAHAHAHA!! Shawn! AHHAHA Basa kana! Hahahaha. WOOOO!!"Buti pa to di ganoon nakakatakot.

"Tch! Ewan sayo. HAHAHA Ikaw din! HAHAHAH!"Nagtawanan lang kami dun. At nung natapos, Ang ending, basa kami. Para kaming mga Basang sisiw. Bumili kami ng Damit. Kaya lang ayaw nila ibigay kapag magkaiba ng Damit kailangan daw pair kasi pair naman kami. LIKE D-U-H! Yung kanya Longsleeve at Tshirt naman yung akin.

"Sige na nga! Bibilhin ko na yan."Tapos kinuha nya at binayaran. "OH! Sayo yan! Tch."

"Ate ako dn."sabi ni Carmina tapos Nagpout. Binili ko yung isa na may nakalagay na EK. Ganun din si mama. Tapos nagpalit kami ng damit.

"Picture naman tayo!"Sabi ni Carmina. Nagpapicture kaming apat sa kuyang di namin kilala. Nakailang shots din kami. Heheh.

Gosh, Pareho kami ng damit! Nakakailang tuloy. Nilagay ko yung damit ko sa Bag. "Hoy Nerd, Lagay mo din tong damit ko."Kinuha ko naman tapos nilagay sa Bag ko. Sumakay kami sa Wheel of Fate at yun na daw ang Last dahil pupunta pa daw kami ng Mall. Pumunta muna kami ng Mall. May bibilhin daw syang pabango nya. Edi bumili rin ako ng akin. Tapos binilhan ko rin si Mama at Carmina pati mga laruan para kay Carmina. Tapos habang naglalakad kami, Napahinto ako sa isang jewelry shop. At nahagip ng mata ko yung isang Kwintas.

"Hoy ano ba Nerd! Tara na."Sabi ni Shawn kaya naglakad nalang ulit ako.

"Masungit ba talaga yan ate?"Sabi ni Carmina habang naglalakad kami sa mall. Tumango nalang ako at natawa sya.

May tumawag kay mama.

"Psst Shawn!"lumingon naman sya. "Kain tayo?"Tapos parang nagisip pa sya.

"Ahmm... Alliyah, M-Mauuna na ako ah? May nangyari daw sa Bakery eh."sabi ni mama Carmen.

"Alam nyo po ba pabalik?"Tanong ni Shawn

"Oo salamat. Alliyah, Mauna na ako. Carmina tara na."

"Mama okay lang po na sa amin sya matulog. O kaya naman ipapahatid ko po sya."Tumango naman si mama at saka umalis.

Medyo naboring ako kasi wala na si mama pero andito naman si Carmina. Tapos kumain kami sa KFC dahil dun daw gusto ni Carmina. Tapos kung sansan pa kami pumunta. Tapos hinatid na namin si Carmina.

Shawn POV

Nakarating na kami dito sa bahay nila Nerd dati.

"HOY NERD."

"mmmmmmmmmmmmmmm?"

"Gising andito na tayo. Hoy!"Gumising naman sya tapos pinunasan nya yung mata nya at ginising din si Carmina. Lumabas na si Carmina at pumasok sa loob ng bahay nila at Binuhat ni Nerd yung mga pinamili nila.

'Tsk. Hahaha Nerdy Girl nga naman o.' Tsaka ako lumabas ng Kotse at sinundan sila.

Alliyah POV

Dali-dali akong tumakbo papunta sa taas.

"MAMA!!"tapos niyakap ni Carmina si Mama.

"Haha. Salamat ulit sa inyo."Sabi ni Mama.

"ATE ALLIYAH!!!"Sabi ni Carmina.

"Bakit?"Tanong ko "eto pala mga pinamili natin."Sabi ko sabay abot nung mga Paperbags.

"Ang cute nyo tignan."sabi ni mama. Nagkatinginan naman kami ni Shawn. "Magkapareho pa rin kasi kayo ng damit."Nagpalit ako ng Damit. Dahil may damit naman ako dito.

Tapos nagluto si Mama ng Tanghalian at dun kami kumain. Konti nga lang nakain ko kasi kumain na kami kanina. Tapos nagpaalam na kami at sinabi kong papadalan ko sila ng regalo. Tapos umuwi na kami.

"Ahmmm. Shawn.. T-Thank you! Nag-enjoy ako."Nginitian ko lang sya.

"Tch. Dapat lang."Tapos umalis nasya.

"HMP! ANG SUNGIT TALAGA!!"Sabi ko tapos pumasok na ako ng Building at Nagpahinga. Sa Cafeteria nalang ako kakain ng Dinner. Napagod ako eh. Di ko namalayang nakatulog na pala ako.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZ

Kathy POV

tok tok

Kanina pa ako katok ng katok sa kwarto ni Alliyah.

"Alliyah?"Sabi ko tapos katok ako ng katok.

"Duchess eto na po."Sabi nung isa tapos binigay sa akin yung susi. Pinakuha ko kasi sa kanya. Bumukas rin yung Pinto.

"Alliy-- Tulog ka parin? Abat 7:30 na. Alliyah! Gising! Kanina ka pang umaga natutulog!"Sabi ko sa kanya habang inaalog-alog sya.

"MMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM? Natutulog ako.."Abaa't.

"Alliyah! for your info, Kanina kapa natutulog dyan! Hala't gising na! Maghahapunan na."

"Hmmmmm. Pagod ako.. Galing kami EK... Tulog muna ako.."Galing sya ng EK?

"Bakit hindi ka nagsasama?! Sino kasama mo?"Tanong ko.

"Hmmmmm. Basta... Tulog muna ako... 10 minutes..."Pinabayaan ko nalang sya..

Papadalhan ko nalang sya ng Makakain. Ginamit ko yung Intercom para padalhan si Alliyah ng Pagkain. Tapos lumabas na ako.

Alliyah POV

Inat inat. Good Morni-- Gabi palang pala. Hihih. Naghilamos ulit ako at sinuot ko na yung salamin. Tsaka ko lang napansin na may pakain sa Lamesa kaya kinain ko yun. Nanuod lang ako ng TV disney channel. Di na kasi ako makatulog ulit eh. Nagbasa na rin ako ng Libro, nagRYUC, Nag Laro ng wii, ng playstation ng Candy crush. Di pa rin ako makatulog.

tok tok

Binuksan ko naman. Wala namang tao. Isasara ko na dapat ng napansin ko yung paperbag. Kinuha ko yun at pumasok na ako sa loob. Pagdukas ko, May Box at nung binuksan ko, Y-Yung kwintas na nadaanan ko sa Mall kanina. Kanino galing? Tinignan ko yung Box. Wala namang nakalagay. Tinignan ko yung paperbag at may nahulog na picture.

"Ano naman to.."sabi ko tapos pinulot ko yung nahulog. E-Eto yung picture naming apat! Meron din yung kaming tatlo lang ni mama at carmina. Tapos yung pangatlong picture, yung kaming dalawa ni Shawn na nagkatinginan. (Right side)

Tapos may nakasulat sa likod nun na..

To: Nerd.Nerd.Nerd

Sorry na kung late.

From: Poging Heartthrob na si Shawn.



Okay na sana eh! kaya lang yung From ehh. Bakit? totoo naman ah! KYAAAAAA! Kinikilig ako!

Wait, Kinikilig? KYAAAAAAA! HINDI!!

Tapos tinanggal ko yung Kwintas ko na may Korona at nilagay sa box ng bigay ni Shawn at nilagay sa Drawer ko. Tapos sinuot ko yung Bigay ni Shawn.. Ang Cute hahah!!

Infinity necklace. Infinity yung Design nya. Simple but Elegant. Tuhray. Hahahah. Tapos napansin kong may nakalagay na pangalan. Alliyah. Yung tatlong picture naman, nilagay ko sa Frame na malaki. Buti nagkasya yun lahat. At sinabit ko sa dingding.

Hanggang sa Inantok na nga ako ng Tuluyan kaya natulog na ako.

A/N: Maikli lang sya! HAHAHAH :D

SHALLIYAH <3

Nerd into a Princess 1 & 2Où les histoires vivent. Découvrez maintenant