Chapter "Z"

3.7K 53 1
                                    

A/N: NEXT CHAPTER, EPILOUGE.. love ya mga bh3. BTW, F(X) yung nasa right side. Ang epic ni Luna beybeh there. Heheehehehe labyu and thank you!!

Chapter 24: Until The End

Nagising si Alliyah sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nya. Naririnig nya ang mga alon na galing sa dagat at saka sya dumilat. Bumungad sa kanya si Shawn na mukhang tulog na tulog pa.

Pinagmasdan nya muna ang mukha nito at saka napagdesisyunang bumangon. Ginawa nya na ang mga ritwal nya tuwing umaga at saka bumalik sa higaan nila. Sumandal sya sa headboard ng kama at kinuha ang phone.

The event's good. The place is ready. Guests are already invited. Everything is perfect. Tomorrow night?

Kinabahan si Alliyah sa nabasa nya. Hindi lang sya makapaniwala na gagawan sya ng isang pabor ng tiyahin nya na halos isumpa nya dahil sa nagawa nito. Na-realize nya na para syang tanga dahil hindi nito matanggap sa sarili ang pagpapatawad kay Queen Katrina. Marami na itong nagawa para sa kanya at sa kanyang ina. Bababa pa ito sa kanyang pwesto para sila ni Shawn ang maging bagong hari at reyna ng RK.

Napahigpit ang hawak nya sa phone nya, "Tomorrow night, forgive who must be forgiven and forget what must be forgotten." bulong nya.

Napalingon sya kay Shawn ng bigla itong yumakap sa kanya ng mahigpit at siniksik ang ulo sa tagiliran nya. "Good morning, Alliyah... Good morning.." Napangiti naman si Alliyah at sinuklay ang buhok ni Shawn gamit ang mga daliri nya.

"Good morning din, Shawn." sagot ni Alliyah. Mas humigpit ang yakap ni Shawn at saka nagsalita ng kung anu-ano na hindi maintindihan ni Alliyah. Napangiti na lamang sya.

Sino bang hindi?

-----

Sabay-sabay nagalmusal ang magkakaibigan maliban kina Lorena at Aldren dahil wala sila sa kwarto nila nung kinatok sila kaninang umaga. Masaya silang nagsasalu-salo.

"Grabe, sana dito nalang tayo forever." sabi ni Rhianne. Agad naman syang nilingon ni Joshua.

"Pero walang forever..." sabi naman ni Joshua. Inirapan lang sya ni Rhianne. "Ay, meron pala, gusto mo malaman kung ano?"

Hindi sya pinansin ni Rhianne at tinitignan-tignan lang sya nila Shawn.

"Ang aga-aga magsasabog ka ng ka-cornihan." sabi ni Tristan. Nag-smirk lang si Joshua at saka tinignan ulit si Rhianne.

"Ano, gusto mo ba malaman or hindi?" tanong ni Joshua. Rhianne just shrugged and then continue eating. "Dali na."

"Mukha ba kong interesado?" tanong ni Rhianne. "Walang forever, oh edi wala."

"Meron kaya! Kilala mo si Joshua? Mahal nun si Rhianne. Forever daw. Oh ayan ah, di ako nagsabi, kinuwento lang sa akin yun." sabi naman ni Joshua at saka natawa ng mahina na parang tuwang-tuwa sya sa sinabi nya.

Tinuktukan nya ng kutsara si Joshua na agad namang napangiwi sa sakit. "K-Kumain ka nga l-lang! A-Ang aga-aga eh!" at saka sya umiwas ng tingin.

"Nairaos mo rin yung joke mo, kagabi pa yan e." sabi naman ni Andre.

"Wala namang laglagan!" sigaw ni Joshua. "Atleast ako napapakilig ko mahal ko, kayo ba ha? Wala!" pagmamayabang pa nito.

"In every ways." maikling sagot ni Shawn.

"Naman, pero hindi ako corny." sagot naman ni Tristan. "Alliyah, paabot nung kanin."

Kukunin na sana ni Alliyah yung pinggan na may kanin pero kinuha agad ni Shawn yun at inabot kay Tristan. "Oh ayan." sabi ni Shawn pagkaabot kay Tristan.

Nerd into a Princess 1 & 2Where stories live. Discover now