Fifty-Two

3.3K 64 1
                                    

Chapter 52: Shit happens

Alliyah POV

Naglakad-lakad ako dito sa labas ng ospital. Nasaan na ba yung habagat na yun? Tss. Kahapon pa sya nagtext pero hindi naman dumating. Kahapon ko pa sya hinihintay.

"Alliyah."Nilingon ko naman agad yung tumawag sa akin.

"Oy, Ikaw ha! Buhay ka pa pala!"Sabi ko at natawa. Sumimangot naman si Tristan. Nakakatawa ang itsura nya. Hahaha, ang epic.

"Ang sama mo naman! Oo, buhay ang katawang-lupa ko pero patay na patay ako sayo! Boom!"Sabi naman ni Tristan. Ang sarap tuloy sabihan na, 'banat ba yun?' HahahhahahaXD

"Pupunta ka ba sa party ni Steven? Di ko feel pumunta eh."Naglakad si Tristan hanggang sa makarating kami sa kotse nya.

"Uuwi ka na agad? Magpakita ka muna kay kuya!"Sabi ko sa kanya. Nag-alangan pa sya pero hinila ko na rin sya.

--

"Kuya, isi Tristan."Tanong ko agad kay kuya ng makarating kami ni Tristan. Tumango lang si kuya. "Uhmm, kuya. Hindi ko feel mag-birthday."Sabi ko at tinignan si mama. Ayoko, gusto ko kasama sya.

"Alam mo, Alliyah. Nasa sa'yo naman ang desisyon eh.."Natahimik naman kami sa sinabi ni kuya. Nagbalat si kuya ng orange tapos nag-RYUC ata si tristan. Tinignan ko lang si Mama.

"KUYA!"Sigaw ko agad ng makita kong gumalaw ang mga daliri ni Mama. "Tristan! Dali! Dali! Tumawag ka ng nurse o kaya doctor!"Sabi ko. Nataranta naman si Tristan na agad na napatayo saka lumabas.

--

Nakatingin ako ngayon kay mama. Kay mama na kumakain ng orange.

"O? Bakit ka naman umiiyak? hindi ka ba masayang nabuhay ako?"Tanong ni Mama. Agad naman akong nagpunas ng luha. Tapos umiling ako sa kanya. Lumabas muna si kuya para kausapin yung doctor sa sobrang saya ko, napayakap ako kay Tristan at kay Mama.

"Mama! Akala ko iiwan mo na kami. Grabe! Ang bad bad mo talaga! Hahahaha."Sabi ko. Sakto namang pumasok si Kuya at saka niyakap si Mama.

"This is what I dream of, a happy family."

"Mama, nagising ka lang ini-english mo na kami."Biro ko naman. Natawa nalang kami. "Wait lang po, Ma."

To: Habagat

Hoy, ang tagal mo naman. Nagising na si mama't lahat, wala ka pa rin. Nasaan kana ba?

pagkatext ko, nag vibrate yung phone ko. May voice mail akong natanggap, mula kay Frishanna. Hindi ko alam kung papano nya nakiha ang phone number ko pero naiinis ako. Paano ko nalaman? May message na 'its me frishanna' tapos yung voice mail.

'...........................'

Niloloko ba ako ng babaeng 'to?

Ibinulsa k na lang yung phone ko tapos lumapit kay mama.

"Mama, pinaplano na po namin ang Debut ni Alliyah."Sabi naman ni Kuya.

"Hay, dalaga na si Alliyah! Teka, nasaan na ba si Shawn?"Tanong ni Mama.

"Ewan ko ho dun. Andito naman po si Tristan eh."Sabi ko nalang.

"Oo nga po, nagtext sa akin si Shawn, hahanapin nya raw si Ate Kira at Sheen."Sabi naman ni Tristan.

"Ha? Eh tinawagan ko sya kahapon. Sabi nya papunta na raw sya dito. Ewan ko sa kanya."Sabi ko na lang. Haaay, nasaan na kaya yung habagat na yun? Tsss.

--

After a week...

"Hoy, Shawn! Ano? Pasalubong ko?"Sabi ko sa kanya ng pinuntahan nya ako dito sa unit ko. Haller. At oo, unit KO. Hahahha. Si Mama naman ay nasa RK. Salitan kamu ni kuya. Na discharge na rin kasi sya. "Putik. Diba galing ka ng london? Nga pala, ang tagal mo nawala ah. Di ka man lang nagsama!"

Nerd into a Princess 1 & 2Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα