Thirty-Four * E

3.6K 88 0
                                    

Chapter 34: Unexplainable

Alliyah POV

O_-

-_O

N-Nasa kwarto na ako? Ang naalala ko, nakatulog ako sa tabi ni Sheen kasi ayaw nya akong paalisin tapos, Kinuwentuhan ko pa sya. Nagising kasi, pero--Sigurado talaga akong sa Kwarto ni Sheen ako nakatulog. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Anong nangyari? Tsk. Napatingin ako sa kaliwa ko, 9am na pala. Naligo na ako at nagdamit. Logsleeves at Short ulit. -________-

Nakarating naman ako sa Dining Area ng Matiwasay at hindi naligaw. Nandun si Kathy at Andre lang. Lumapit ako at upo sa harap nila. Magkatabi kasi sila. Nagulat pa nga ako ng may lumapit sa akin at naglagay ng pinggan at sinalinan ako ng tubig.

"Sabay ba kayong nagising?"Tanong ko at ngumiti naman si Kathy tapos si Andre parang nanlumo.

"Oo. Tinulugan kasi ako nito ee."Sabi ni Andre.

"Wee!? Sabi ko sayo pag hindi ka umalis sa kwarto ko sisipain kita."Sabi naman ni Kathy.

"Oo nga. Eh ayokong umalis. Nabitin kasi ako."Sabi ni Andre.

"Litsi. Alli, baka kung ano isipin mo kumain ka na nga lang."Sabi naman ni Kathy at uminom ng Juice at tumayo.

"Loves san ka pupunta?"Si Andre yan.

"Sa... Ewan ko? Kahit saan."Sabi ni Kathy at lumakad. Napatingin ako kay Andre na nakatingin lang kay Kathy.

"Napaka-bipolar talaga ng babaeng iyon."Sabi ni Andre.

"Ba't nandito ka pa?"Tanong ko sa kanya. "Sundan mo. Tampo yun."Sabi ko naman. Tumayo naman sya.

"Ano pa nga ba?"Napatawa na lang ako sa sinabi nya. Tapos tumakbo sya para sundan si Kathy. Nagsimula na akong kumain. *nomnomnom*

-

Habang naglalakad ako, Yung mga nadadaanan ko babati tapos ngingiti ng nakakaloko. Oo nga, ngingiti naman talaga sila pero, parang may iba sa ngiti nila ee.

"Good Morning Princess! ^_____^ hihih.."Ngiting-ngiti pa sya tapos nag-bow.

"Ahh, ano bang nangyari?"Napakamot ba ako sa batok ko nung tinanong ko sya. Ano bang nangyari? As if namang alam nya agad eh.

"Po?"Naguguluhang tanong nya.

"Ano, bakit ganun kayo maka-ngiti ^____^"Sabi ko tapos ginaya ko yung ngiti nila.

"Ahh, G-Ganun po talaga yun heheheh."Sabi nya. Tumango nalang ako tapos hahakbang na sana ako ng parang nakatingin lang sya sa isang direksyon. Tumingin ako sa tinitignan nya. Wala naman si Shawn lang. Napatingin ulit ako sa babae.

"Gusto mo sya?"Tanong ko at napatingin yung babae sa akin at ngumiti nanaman ng nakakaloko.

"Hindi po. Baka po kayo hihih. Sige po MAUNA na po ako."Sabi nya naman at saka tumakbo paalis. Napakamot nalang ako sa batok ko. Ano bang problema nila? Tsk. Lumakad na ako ng may nagsalita na.

"Kuya! Bakit mo binuhat ang Fiancè ko paalis sa kwarto ko huh?!"Si Sheen ata yun. Pinabayaan ko na lang at-- Binuhat?

"H-Hindi ko sya binuhat! Pinaalis ko sya. Okay? PI.NA.A.LIS. Clear?"Sabi naman ni Shawn ata.

"Whatever! Bakit sabi ni Yaya? So are you saying na sinungaling sya!? Tell me, do you love my Fiancè? If yes, back off kuya! She's mine. If no, stop acting like you do."Sabi ni Sheen. Mature magsalita ah kala mo Fiancè talaga ako. Hahahaha--Anong sabi nya? Mapapatay ko talaga sya ee!

"I'll never do the first one, Little brother."Tapos umalis na sya. Nagtago agad ako. Nung nakalayo na sya, nilapitan ko si Sheen.

"Oh anyare?"Tanong ko.

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon