Thirty-Nine * W

3.4K 82 3
                                    

Chapter 39: Royalties

Alliyah POV

Napangiwi ako. Ano daw? P-Para malapit sya sa puso ko? Napahawak naman ako sa kwintas ko. Buti nalang hindi yung kwintas nya suot ko.

"Hoy ikaw ha! Di'ba sabi ko hindi kita gusto!"

"Eh hindi rin naman kita gusto eh, pakain lang."Sabi nya naman. Tinignan ko lang sya ng masama. Linulubos nya yung Adobo ko! Waaa! "Ayaw mo talaga akong pakainin ano?"

"Sige, lalabas na ako."Sabi nya at lumabas naman. Sa wakas! Makakakain na rin ako ng maayos.

Bad trip yung aswang na yun.

Kumain nalang ako ulit. Naalala ko yung panaginip ba yun? Ay ewan. Kamukha nung isang babae yung isang babae. Gets nyo? Ayy ewan. Ano bang meron at parang puno ng tao sa baba?

Lumabas ako sa kwarto ko, Nakita ko sila Kathy, naka-gown tapos suot yung korona niya ganun din si Andre pero, para syang sundalo sa suot nya nung unang panahon. Lol.

"Ano meron? Kathy, Andre? Bakit mga naka-ganyan kayo?"Tanong ko. Natawa pa ata sila.

Sumabit si Kathy sa braso ni Andre, "Ikakasal na kami."Proud nyang sabi.

"Ano!?!?"Pagkasabi ko nyan, bigla silang tumawa, as in TAWA.

"Joke lang, darating kasi ang mga KINGS and QUEENS. Bakit ikaw hindi ka pa naka-ayos?"Tanong nya. Eh sa wala naming nagsabi sa akin eh.

"Mamaya pa naman eh, may 2 hours ka pa, excited lang talaga kami."Sabi ni Andre. Tumango ako at saka pumasok sa kwarto ko. HELP! Dinial ko agad ang number ni Ms. Dina

(Sorry Princess, Inaayusan ko ngayon si Queen Sofia.)

"Ahh, okay lang po."Then our call ended. Nilabas ko yung Make-up na binili naming na kahit kalian ay sinabi kong hindi ko magagamit. Gagayahin ko lang ang ginagawa ni Ms. Dina sa akin. Maglalagay pa lang sana ako nung foundation nang may kumatok. Bumukas yung pinto at may dalawang babaeng pumasok. Yung isa may hawak na box na malaki yung isa naman meron rin pero maliit lang.

"Thanks."Sabi ko nalang kahit hindi ko naman alam kung ano yung laman nun. Tumayo ako at tinignan yung box. Yung malaki, Gown pala at yung maliit heels lang pala. Color red at pink ang color nung gown. Yung heels Red. Umupo ulit ako at humarap sa salamin. Ginawa ko na yung mga ginagawa ni Ms. Dina, gagayahin ko lang naman sya eh. Sana naman maganda ang kalabasan, sana hindi lumala ang itsura ko dito.

-

Sinuot ko na yung gown at yung heels. Kinuha ko pa yung mga Jewelries ko sa treasure box ko. Isinuot ko na yung singsing na bigay ni Steven. Hinalikan ko ito pati na rin ang kwintas na suot ko. Masaya ako, masaya. Tumingin ulit ako sa salamin. Okay naman na siguro. Pumikit na ako at lumabas. Nakayuko pa ako kasi nahihiya ako sa itsura ko. Makapal pa ata yung blush-on tapos hindi pantay. Makapal pa ata yung eye shadow ko. Ahhhhhh! Yung buhok ko, Naka-pony tail lang.

Nandito na ako sa ballroom ng University kung saan gagawin ang event. May mga tao na rin. Pinagtitinginan nila ako tapos bubulong sa katabi at magpipigil ng tawa. NAKAKAHIYA ang ITSURA ko! Kaya binilisan ko yung lakad ko at nagpunta sa sulok. Umupo ako dun at pinapanuod ang mga taong nagsasayaw, naguusap. Parang bumalik ako sa first day ko dito sa RYU, kung dati ang iniabot sakin ay school magazine, ngayon naman ay champagne ata, ewan.

Ininom ko ito, masarap naman. Tinaas ko yung tuhod ko at ipinaton ang paa ko sa upuan na inuupuan ko at sinubsob ang mukha. Nahihiya ako eh. Nakaramdam ako ng mga yabag papunta sa akin. Naramdaman kong umupo sya sa tabi na upuan.

"Princess Alliyah, Bakit ka, nakaganyan? Anong ginagawa mo rito sa sulok?"Sabi nya. Iba ang boses ngayon. Parang babae at kalmado sya, naramdaman ko ang concern sa boses nya. Atleast kahit papaano, nalaman kong may concern sa akin. Iniangat ko ang ulo ko at tinignan sya, Prente syang nakaupo at hawak ang baso na may champagne at nakatingin sa malayo.

Nerd into a Princess 1 & 2Where stories live. Discover now