Thirteen * N

7.8K 141 3
                                    

Chapter 13: Groupwork for shopping

Alliyah POV

Naghahanda na ako kasi nga diba aalis kami ni Rhianne para magmall daw? Habang nagreready bumukas ang pinto kaya napalingon naman ako dito.

eeccckkkk

"Alliyah! Ganda natin ngayon ah?" si Kathy pala yung pumasok. Tinawanan ko naman sya.

"Ikaw nga yun ehh." sabi ko at nang matapos ako magready ay tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Tara na punta tayo sa Girl's building." yaya nya Kathy sa akin at sabay kaming lumabas sa kwarto ko.

"Sige.. Tara.."

Girls Building..

Naglalakad kami paakyat nasa second floor na kami. Hindi kasi nila ito pinalagyan ng elevator, hindi sa nagrereklamo ako pero mataas po ang building na ito!

Nang paakyat na kami sa third floor, nakarinig kami ng mga bulungan. Hindi ko alam if bulungan pa ba iyon dahil narinig talaga namin.

"Oh my, si Lottery Princess."

"Wow infairness ha. Pangit pa din sya." someone said then they all giggled.

"Oo naman.. Sya ba yung Princess?"

"Look at her.. Shes trying hard sa fashion.."

"Ikaw naman trying hard mag-english!" hindi ko napansin na wala na pala si Kathy sa tabi at sinugod yung mukhang clown. Hala!

"So? So what kung I'm trying hard sa english?" nakapameywang na tanong pa yung clown. No please, 'wag mo nang hamunin si Kathy!

"How dare you talk to me like that!?" mukhang iritang-irita si Kathy dun sa Clown. Hindi ko alam kung hindi nya ba kilala si Kathy or sinasadya nya lang talaga.

"Like what? I can talk to you kahit sa anong ways. Bakit? Because we pay dito sa school." proud na proud pa yung clown sa sinabi nya na parang porke't nagbabayad sya eh pwede nya ng alipustahin ang kahit na sino dito. Hindi pala parang kasi ginagawa nya na talaga!

"Aba't.." sasagot pa sana si Kathy pero pinigilan ko na sya.

"Kathy, tama na." sabi ko at lumapit sa kanya para bulungan. "They're not worth it."

"Sumosobra na eh." laking pasasalamat ko nang huminahon si Kathy. Kailangan pala kapag nagagalit ito ay english-an ko lang para kumalma. Bumaling naman sya sa apat na babaeng nakatingin lang sa amin. "And the four of you.. You're one week suspended!"

"You can't do that to us!" sigaw nung isa na nagsabi nung Lottery Princess.

"Oh come one, don't play so naive." sabi ni Kathy at binigyan sila ng isang mapang-asar na ngiti. "You all know I can do it because I'm the Duchess of this Royal School!" sabi nya at lumakad. Akala ko ay nakuntento na sya sa pananakot sa mga iyon pero hindi pala. Muli nyang hinarap ang mga ito.

"And the girl you're referring to is the Princess, daughter of the Queen. The next time I hear you insult her, you'll leave me with no choice but to tell the Queen about it. Do you understand?" tanong ni Kathy at sabay-sabay naman silang nagsitanguan. Tumalikod na si Kathy at hinila ako. Nakatingin lang ako sa kanya nga makitang nakangiti sya na parang nanalo sa lotto o kung saan mang bunutan. Narating na namin ang kwarto ni Lorena at Rhianne.

"Masaya siguro kayo araw araw no?" tanong ni Kathy kay Lorena pagbukas palang ng pinto. Halatang inis pa rin ito dahil kanina.

"Bakit naman?" tanong ni Lorena.

Nerd into a Princess 1 & 2Where stories live. Discover now