Fifty-Three

3.4K 64 1
                                    

Chapter 53: his way

Alliyah POV

R-Rivera.. M-Mansion? Lumayo muna ako kay Shawn. Humakbang ako papunta kay Ate Kira.

"To be honest wala naman talagang nangyari sa amin ni Shawn. My bad. Naniwala ka agad." Naalala kong sabi ni Frish.

"No way..."

"Can we talk? Just the two of us?"Tumango naman ako. Lumabas yung dalawang magkapatid at kami nalang ni Shawn ang nandito.

"A-Ano bang sasabihin mo? Kailangan mo pa sila paalisin."

"I want to spend this day with you."Sabi nya at umiwas ng tingin. "Get dress."Lumakad na sya palabas na hindi man lang ako pinagsalita. Pumasok naman si Ate kira. Susunod pa sana si Sheen pero pinalabas rin sya ni ate kira. Ow.

"Long time no see, Alliyah. Biruin mo? Dati pangit ka ngayon pangit ka pa rin? Hahahahah."Sabi ni ate kira at tumawa. Napalunok naman ako, aw, ang sakit naman nun!

"Joke. I mean, dati pangit ka ngayon girlfriend ka na ng kapatid ko. Well, let's change that."Sabi nya. Kumunot naman ang noo ko. Anong...

"Aw."Tinulak kasi ako ni Ate kira. Grabe, parang bakal ang kamay nya.
"Go girl, take a bath. Yoohoo!"

--

"Go go go!"Sabi ni ate kira at kumaway pa tsaka sya bumaba. Nasa hagdan na kasi kami at bababa na sana pro dapat daw, sya ang mauna kasi mas maganda sya. Psh.

So, bumaba naman ako. Nakasuot lang ako ng simpleng floral dress at may blue na blazer. I love the style, at hindi na ako minake-upan ng bongga ni ate kira. Pinulbuhan nya lang mukha ko at lip gloss. Yung buhok ko nilugay nya lang at pinapasuot ako ng sumbrero. Binitbit ko na lang. Di ko alam kung saan ako dadalhin ni habagat.

"Tara?"Tanong ni Habagat. Medyo nainis ako sa kanya. Hindi man lang ako binigyan ng compliment? Osh. Marahana kong timango. Akala ko isasabay nya ako sa paglalakad, pero hindi pala. Tss. Na-low batt pa ang pagiging gentlemN nya. Psh! Naaasar na ako.

May lalaki pa sana na magbubukas ng pinto ng kotse pero pinigilan ko na. Hindi ko maibabalibag yan kung si kuyang yun ang nagbukas. Binuksan ko naman at binalibag.

*blag!*

At sa kamalasan ko, naipit yung laylayan ng dress. Putek, sobrang ikli na nga maiipit pa. Bubuksan ko pa sana pero biglang umandar yung kotse. Pusang gala! Hindi tuloy ako makagalaw dahil baka mapunit yung dress. Hiram ko lang yan kay ate kira e! Hindi naman ako makatulog dahil baka pagsamantalahan ako nitong aswang na mahangin na 'to. Hahahaha.

-----

"Baba."Sabi nya. Napalingon naman ako sa kanya, nakatulog pala ako.

"A-Anong.."Pagbaba ko, naramdaman ko agad ang malamig na hangin.

Anong ginagawa namin dito sa beach? Buti naka-flats ako kundi baka lumubog na ako kung pinag-stilettos ako. "Come. You'll follow me whether you like it or not. Because this day, it's my way."

H-His way?

"Anong way?"Tanong ko.

"Come.."Sabi nya at hinila ako. Dineadma lang yung tanong ko? "Are you.. Hungry?"Marahana kong tumango sa kanya.

"Do you want to change your clothes or.. Just stay like that? Pabor naman ako dun."Sabi nya at nakakalokong ngumiti. Tinaas ko yung isa kong kilay sa kanya. Anong stay like that?

Ngumiti sya at lumapit. Tinuro nya yung laylayan ng dress. Napatingin naman ako. "Sht."Napa-kagat ako ng labi ko. Napunit nga.

Pagkalingon ko kay habagat, bigla nalang syang lumapit sa akin at hinalikan ako.

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon