Forty * N

3.4K 86 0
                                    

Chapter 40: Rejected Offers

Alliyah POV

"Alliyah, Ilang taon ko na syang kasama. Walang kakaiba. Si Queen Sofia, ay si Queen Sofia. Hindi ba noong nawala ang isang reyna, nalamang si Queen Katrina yon? Sya ang nawala kaya sya rin ang babalik."Paliwanag ni Kuya Aldren. Sa bagay, hindi naman pwedeng bumalik ang taong nandyan lang. Ang babalik, yung taong nawala. Tama si Kuya.

"Sabi ko nga. Pero hindi ka ba nagtataka?"Sabi ko at umiwas ng tingin. "Si Mama Carmen ay si Queen Katrina."Sabi ko.

"AHHH!"Sigaw nya nang sinuntok nya yung pader. Medyo napatingin yung ilan. "Alliyah, sinabi nya ba sayo na sya ang MAMA Carmen mo?"

"Hindi.."Sabi ko.

"Di'ba?"Sabi nya at bumuntong hininga. "Alliyah, I find you annoying. You're the only person who can annoy us."Sabi nya at bumalik sa table namin.

US? Napailing ako at bumalik sa upuan ko. Sinulyapan ko pa si Aswang kung anong ginagawa. Psh, wala namang pakelam yan sa mundo. Pero infairness ha, ang hot nya tignan. LOL.

"Sa isang sulyap ko, nainlababo ako. Para bang himala, ang lahat ng ito."Sinamaan ko ng tingin si Kathy. May alam ba sya? Iniba pa ang lyrics!

"Wow, para kanino yang kanta na yan!?"Tanong ni Andre.

"Para sa babaeng dinaig pa ang lalaki sa katorpehan."Sabi ni Kathy at napalingon naman ako sa kanya. Kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko dito! "Di'ba ALLIYAH?"

"Ha? Hindi naman torpe ang babae! Ang salitang torpe, para yan sa mga lalaki! Dapat alam rin nila ang salitang iyan! Hindi yung ang taas ng confidence na gusto rin sila nung girl kaya sa huli, yung girl pa ang nagiging paasa!"Sabi ko. Okay, ako na nagmukhang defensive.

"Syempre, lalaki eh. At tsaka kayong mga babae magulo! Kapag torpe, naiinis kasi hindi umaamin. Kapag hindi torpe, magagalit pa rin dahil mataas daw confidence. What the hell!"Sabi ni Shawn. Aba't, ano bang alam nya!

"Syempre ang mga babae, pakipot yan! Kunwari hindi nila gusto pero deep deep inside, gusto pala talaga nila. Gusto nila sinusuyo! Hindi yung sinasabayan yung galit nila. Hindi yung sinabi lang nung guy na mahal nila yung girl automatic na magkakagusto rin sa kanya yung Girl. Wag ganun, sinasaktan at pinahihirapan nyo yung girl."

"So kailangan suyuin pa kita?"Sabi ni Aswang. Aba sumasagot! Ammf.

"May sinabi ba ako!? Ikaw ha! Namumuro ka na!"Sabi ko pa sa kanya.

"Pinapahirapan ba kita?! Sinasaktan ba kita?! Ha? Ano?!"Sabi nya ngayon? Wala naman akong sinasabi ah!

"How Aswang ka! Wala akong sinasabi! At tsaka ako ba yung Girl! Ikaw, ikaw ba yung guy? Feeling ka ah! Kala mo ikaw!"Sabi ko naman, akala nya papatalo ako? Neknek nya.

"Paanong suyo ba gusto mo ha!? Pinadalhan na kita ng pagkain di pa rin sapat?!"

"Hoy ikaw Aswang ka! Sinasabi mo bang PAGKAIN lang sapat na ako don? Saan ang suyo don?"Balik ko naman sa kanya.

"Anong gusto mo? Fireworks na may I love you at banner na may Mahal kita tapos may Singsing na naka-ukit ang initials nating dalawa!?"Sabi nya at--- para namang gagawin nya yon!

"Oo! Ganoon! Ganoon ang effort! Oo ganun ang gusto ko!"Sigaw ko sa kanya. Buti nalang medyo malakas na yung music kaya wala masyadong tumitingin.

"Ganoon pala ang gusto mo! Halika! Tara dito!"Sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Tumingin sya kina Andre, "Kayo, sumunod kayo!"Hinila nya ako papunta ulit duns a malaking pinto. Nagsitayuan rin sila at sumunod.

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon