Special Chapter 5 - A Random Letter for Castro by Javier

8.9K 163 7
                                    

SPECIAL CHAPTER 5

Erickha's POV

Dear Charo (Charot! Castro talaga dapat ito pero dahil trip kong babuyin ang surname mo, ginanito ko. Haha! Sorna.)

Grade 10 ako nung nakilala ko siya, transferee siya non sa school namin pero kahit bago pa lamang siya, naging sikat na siya sa buong school lalo na sa mga kababaihan dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Kung nag babasa ka ng wattpad Charo, yung description ng mga lalaki doon ganon na ganon rin ang magiging description niya. Mala Greek God bes! Goodness! At hindi lang iyon, nung nag simula na ang pamatay at walang katapusan na introduction kapag unang araw ng klase, nalaman ko na ang ugali niya ay kaparehas rin ng isang fictional character. At ano bang clichè na ugali ng isang character? Edi ano pa, edi masungit! Ang ikli ng sinabi niya doon sa unahan nung nag pakilala siya, pangalan niya lang at iyon na, tapos na! Gandang introduction 'no?

Dahil likas akong usisera at malakas ang curiosity ko sa katawan lagi ko siyang palihim na tinitingnan. Napapansin ko na sa tuwing Science namin, napaka lively ng itsura niya--ibang iba sa daily normal expression niya na poker face--at titig na titig siya sa subject teacher namin habang ito ay nag tuturo sa unahan. Yung teacher kasi namin na iyon ay single pa, maganda, mabait at fresh graduate lamang. Maraming nag ka-crush na estudyante sa kanya dahil doon at sa tingin ko ay isa na siya sa mga estudyante na iyon. Tingin ko lang! Iba kasi talaga ang tingin niya eh! Intense! Tindi ng kamandag ni ma'am 'no? Wagas!

Then isang araw...-- ito na Charo! Basahin mong mabuti ito dahil ito na ang pinaka exciting na part. Ang last part ng maikli kong kwento.-- Habang tinitingnan ko ulit siya sa oras ng klase, na confirmed ko na ang assumpsions ko na may gusto nga siya sa teacher namin sa Science. Paano? Nakita ko iyong likod ng notebook niya nung nalalag ito sa sahig dahil sa pag tayo niya nung tinawag siya para mag solve ng equation sa board. Aisle lang kasi ang pagitan ng upuan namin kaya kitang kita ko talaga ang capital niyang sulat ng 'I LOVE YOU MA'AM SIENA' sa buong page sa likod ng notebook niya.

Ang sakit! Kasi...hindi ko namamalayan na... unti unti na pala kong nahuhulog sa...upuan!

Punyeta! Napunta tuloy sakin ang lahat ng attention at pinag tawanan pa ko ng mga hinayupak kong kaklase. Ugh!

The end.

---
Napabuntong hininga at napa facepalm na lamang ako sa sulat ni Keith sa'kin. Tiniklop ko ito at nilagay sa lamesa na nasa unahan ko. Talagang pinadala niya pa iyang kalokohan niya dito ah. Effort! Ano nanaman kayang trip ng loka lokang iyon sa buhay niya at napag trip-an ang nananahimik kong surname? Minsan talaga hindi ko maintindihan kung normal pa rin iyon si Keith eh.

"What's with the frown?" Tanong ni Kuya sakin at nakita ko siyang inayos ang cam sa harap niya.

Umiling ako. "Wala. Nag basa lang ako ng kalokohohan na pinadala ni Keith sa'kin. Adik talaga ang babaeng 'yun. Hindi na nag bago. Psh. Anyway, kamusta na nga pala kayo diyan? Si Rielle, baby ko? Balita ko..." tumigil ako sa aking sinasabi at tumawa. Naaalala ko nanaman si Rielle at kung anong ginawa niya noong nakaraan. Ang cute talaga ng batang iyon, ang talino pa! Nakakamangha din siya dahil kahit pitong taong gulang pa lamang siya...ang galing niya na sa self defense at knife handling.

Kakaiba talaga ang batang iyon. Ayaw niyang makipag laro katulad ng ginagawa ng ibang bata at mas pinipili pang mag kulong sa bahay. Katwiran niya...ang boring daw at mas gusto niyang mag sanay lumaban. Hindi daw siya mabubuhay sa pakikipag laro at wala daw iyon thrill!

Kakaiba rin ang takbo ng isip niya. Imagine, sa ganong edad niya inaaral niya na ang medical book! Like what the? Noong bata ako, never mo kong mapag babasa non eh! Ang sakit kaya nun sa ulo. She's really a weird kid.

Sabagay, may pinag manahan naman.

Nag buntong hininga si Kuya at umiling. "Ayos lang naman kami dito. Wala namang problemang nangyayari, so far. And about Gabrielle... well, she's Gabrielle, what do you expect? Nanununtok talaga iyon ng kaklase niyang masama ang pakikitungo sa kanya. Mapa-lalaki man o babae..."

Lalo akong natawa. Good. Good!

"I'm glad to know that. Ayokong inaapi siya 'no. Mabuti at palaban talaga ang batang iyon kaya paborito ko siya eh. But what about her Kuya, si Genezeus? Diba bully din iyon? Edi palagi ring napapaaway?"

Dumapa siya sa kanyang kama at napakamot sa ulo. "Yup. Alam mo naman iyon, nanununtok din. Nanununtok ng mga kaklase niyang hindi sumusunod sa kanya." Sabi niya sa problemadong problemadong tono.

"Oh god!" Sumasakit na ang tiyan ko kakatawa. Jusko! Ibang klase talaga ang mag kapatid na iyon.

"Psh! Tuwang tuwa ka pa talaga, ah." Tumawa din siya. "Kamusta ka na nga pala diyan? Ayos ka lang ba?"

"I'm doing good here. No need to worry..." sabi ko at nilingon ang pintuan. Ang tagal naman nila. Bumili lang sila ng pagkain inabot na sila ng siyam siyam.

"How about--"

"Hay nako! Sumasakit ang ulo ko sa dalawang iyon. Ang alam ko kasi isa lang talaga ang inaalagaan ko eh, pero naging dalawa..."

He chuckled. Obviously, teasing me. Napairap na lamang ako. "Sabi ko kasi sa'yo 'wag na siya eh."

"Oh shut up, Kuya."

Matagal din kaming nag usap ni Kuya, marami kaming napag usapan at isa doon ang mga pag babagong naganap sa buhay namin sa mga nakalipas na taon. Dalawampung taon na rin ang nakakalipas. Sobrang dami ng nangyari.  Mga masasayang pangyayaring hindi namin inaasahan. Matapos ang gulo noon ay tumahimik na talaga ang buhay naming lahat. Wala ng gulong nangyayari, hindi katulad noon na sunod sunod at walang tigil ang mga nag babanta sa buhay namin lalo na kay Chasey.

Pero kahit gano'n, nakakamiss rin pala ang mga ginagawa namin noon. Iyong mga away sa grupo, nakakamiss. Hindi na nga siguro mawawala ang ugali namin na ito. Mananatili na iyon sa'ming pagkatao habang buhay, because we are the bad girls. And no matter what will happen, no matter where our life take us, we will still remain that way.

For we are the bad girls in silence.

***
Dedicated to: Kendy_Eater 😂

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon