Chapter 8 - Green Eyes Wolf

17.8K 428 25
                                    

CHAPTER 8 - GREEN EYES WOLF

Chasey's POV

Tinago ko na muna 'yung bracelet sa bulsa ng bag ko dahil dumating na 'yung subject teacher namin. Si Mrs. Salcedo. Nag check siya ng attendance at noong tinawag niya ang apelyido ni Hiro at walang sumagot ay napataas ang kilay niya at napailing. Bumaling ang tingin niya sa'kin kaya medyo nakaramdam ako ng uneasiness. Ano naman kayang ipapagawa nito? 'Wag mong sabihin na...

"Ms. Armada pwede bang pakihanap mo muna si Mr. Ashford? Alam ko nandito lang ang batang 'yun at ayaw niya lang umattend ng klase dahil tinatamad nanaman siya. And you know also the school rules diba? Bawal ang pakalat kalat na estudyante dito lalo na kapag class hours. Ako ang malalagot."

Shet! Why me?

Pakielam ko naman sa school rules! Kung ako nga hindi ko sinusunod 'yun eh. Wala rin akong pakielam kung malagot siya, hindi naman ako ang mag s-suffer eh.

But unfortunately, I am the good girl here, the teacher's pet, so kahit ayaw ko man ay kailangan ko siyang sundin.

"Okay po, Mrs. Salcedo." Magalang kong sinabi bago tumayo at lumabas na ng classroom. Napasimangot agad ako paglabas ko.

Kahit kaylan talaga sakit sa ulo ang Hiro na 'yun. Nakakainis! Bakit ba kasi ako ang nautusan na hanapin 'yun? At ang isa pang nakakairita ay hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin!

Alangang libutin ko ang buong RU e' ang laki laki nito! Tumingin tingin ako sa paligid at wala naman akong nakitang Hiro na pakalat kalat. Napakamot ako sa ulo ko sa inis na nararamdaman.

Asan ba kasi ang lalaking 'yun?!

"Looking for someone?" Narinig kong tanong ng isang boses sa likod ko. Lumingon naman agad ako doon at nakita ko si Hiro na nakapamulsa at bored na nakatingin sa'kin. His usual expression.

Sa wakas! Hindi na ko mahihirapang mag hanap pa sa kumag na 'to.

"Yeah, someone named Hiro Ashford. Nakita mo ba siya?" Sarkastiko kong tanong at napairap na lamang siya sa'kin. Aalis na sana siya at iiwan ako pero nahila ko agad ang braso niya pabalik. Saan ka pupunta, ha?

"What?" Tanong niya, masama agad ang tingin sa'kin.

"Pinapahanap ka sa'kin ni Mrs. Salcedo. Bumalik ka na daw ng room dahil bawal daw ang pakalat kalat dito sa RU kapag class hours!" Sabi ko sabay binitawan na 'yung braso niya.

"Tss. Pakisabi ayoko bumalik. Uuwi na lang ako kaysa makinig sa boring na klase niya." Pagkasabi niya no'n ay nag lakad na ulit siya palayo sa'kin. I made faces, ginagaya ang sinabi niya without a sound, natigil lamang ako noong lumingon siya ulit sa direksyon ko. "At ikaw! Sa susunod 'wag mo ko ulit hahawakan." With that, he finally left.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Ano raw? 'Wag siyang hahawakan? Bakit ginusto ko bang hawakan siya?! Feeling din talaga ang isang 'yun eh! Umirap na lang ako sa kawalan.

Pabalik na sana ako ng room ng makasalubong ko ang isang faculty na nakataas ang isang kilay sa'kin. Patay!
"Class hours. Anong ginagawa mo rito sa labas Ms. Armada?" Tanong niya sa mataray na tono.

Napalunok na lamang ako. I'm so dead.

Fuck you, Hiro!

---

"Chasey ba't hindi ka na bumalik kanina? Alam mo ba na galit na galit sa'yo si Ma'am dahil baka daw nag cutting ka na rin katulad ni H--"
"Huwag mong mabanggit banggit ang pangalan na 'yan kung ayaw mong mabugbog ng wala sa oras, Keith." Nang gigigil kung sinabi kaya agad niyang naitikom ang bibig niya.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon