Chapter 4 - First Kiss

20.3K 487 12
                                    

CHAPTER 4 - FIRST KISS

Chasey's POV

"Grabe! Hindi man lang ako pinag pawisan sa inyo. Tsk. Walang kwenta." Sabi ko habang tinitingnan 'yung tatlong nanloob sa bahay namin. Letche 'tong mga 'to! Wala na ngang masyadong gamit sa bahay namin nanakawin pa nila. Nilapitan ko silang tatlo at tiningnan isa-isa nang masama.

"Sa susunod na manloob ulit kayo sa'min, tandaan niyo na hindi lang 'yan ang aabutin niyo." Tumango naman sila na parang aso sa sinabi ko kaya napangisi ako.

Weak!

Nakatali sila ngayon sa upuan at may mga busal sa bibig. Ang iingay kasi nila kanina kaya tinalian ko yung mga bibig nila. Tinawagan ko na din ang mga police para hulihin ang mga 'to kaya padating na rin sila ngayon dito.

Ilang minuto lang rin naman ay dumating na din sila, kinuhanan lang nila ko ng statement at binitbit na nila paalis yung mga mag nanakaw. Nag tanong nga din sila sa'kin kung bakit ganon ang kalagayan nung mga yun, kaya siyempre sinabi ko na may tumulong sakin na ilang kapit-bahay namin. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na ako ang gumawa nun dahil baka mag taka lang sila. Like duh! I'm just only 18 years old. Mature lang talaga ako mag isip, mas isip bata pa nga sakin si Kuya Chase eh.

Later on, dumating na si Mami at nagulat siya nang may mga nakitang police car na kakaalis lang sa tapat ng bahay. Ang bahay nga pala namin ay medyo malayo sa ilang kapit bahay, hindi ko nga alam kung bakit dito naisipan mag tayo nina Papa ng bahay. Nung tinanong ko naman, ang sagot niya lang "Para malayo sa gulo." Iyon lang! Pag tuloy may mga nakapasok na mag nanakaw dito like kanina, walang nakakapansin. Masyado kasing liblib yung bahay, ang dami pang punong nakaharang. Feeling ko tuloy sa gubat ako nakatira.

"Anak anong meron? Bakit may mga pulis na nanggaling dito?" Takang tanong ni Mami kaya napakamot na lang ako ng ulo. Sasabihin ko ba na may mag nanakaw na nakapasok? Kasi naman kahit sabihin ko, ang sasabihin niya lang for sure "Ah okay. Mabuti at ayos ka lang."

Ganyan kasi yan si Mami, wala ring pakielam sa mundo katulad ko. Kahit yata tinututukan na siya ng kutsilyo, cool pa rin siya at relax. Ayan lang yata ang minana ko sa kanya eh.

"May mag nanakaw lang na nakapasok sa bahay kanina Ma. Mabuti na lang naagapan ko agad at nakahingi ako ng tulong sa ilang kapit bahay na malapit." Paliwanag ko. Wala ring alam si Mami na dati akong leader ng gang, halos wala rin kasi siyang time sa bahay dahil sa work niya kaya ayun wala siyang ka alam alam na may mga tinatago na kami sa kanya ni Kuya. Medyo na guguilty nga lang ako minsan kasi ang motto ng family namin ay "walang lihiman sa isa't isa" pero what happened now? Ang dami nanaming secrets na tinatago ni Kuya sa kanila. Well, ewan ko lang kay Mami at kay Papa kung may tinatago din sila sa'min.

"Ah okay. Mabuti at ayos ka lang at hindi ka nila sinaktan." See? Nadagdagan lang ng isang sentence ang sinabi niya. Nag kibit balikat na lamang ako at matipid na ngumiti.

"Nasan nga pala ang Kuya mo? Bakit wala siya dito sa bahay? Mag gagabi na ah." Tanong niya sakin kaya napabuntong hininga na lamang  ako ng palihim. Wala pa nga pala 'kong naiisip na palusot kung anong sasabihin ko kung bakit wala ngayon dito si Kuya sa bahay pero bahala na, kung ano na lang lumabas sa bibig ko 'yun na lang ang paninindigan ko.

"Ang alam ko po hindi siya uuwi ngayon. Makikitulog daw yata siya sa bahay ng tropa niya. May group project daw po kasing gagawin." I said casually.

"You sure? Project ba talaga?" Seryosong tanong ni Mami kaya tumango na lamang ako. Nakakatakot talaga siya kapag seryoso ang mukha niya. Ang sama niya kasi tumingin. Mas masama pa sa tingin na binigay ko kanina do'n sa mga hinayupak.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now