Special Chapter 4

9.1K 213 6
                                    

Special Chapter 4

Chasey's POV

Pawis na pawis at hingal na hingal ako habang nakatingin kay Blaze na nakangisi lamang sa'kin at nag pupunas rin ng kanyang pawis.

Ugh! Bakit parang hindi man lang siya napapagod? Samantalang ako, gusto ko ng mahiga dito kanina pa sa sparing grounds dahil pagod na pagod na kong makipag laban sa kanya! It's been freaking three hours, at kanina pa kami nandidito, ni hindi pa kumakain!

Bakit ba kasi kaylangan pa namin nag training? Like, seriously? Hindi pa ba sapat ang mga gang fights namin noon para mag training? Mafias and Gangsters are somehow the same. I mean it's actually the same! Ang pinag kaiba lang naman yata ay pumapatay ang Mafia at kilala talaga sila for having too much guns and other deadly weapons.

Meanwhile, we gangsters have done the killings, too. As I have said we are no ordinary bunch of stupid gangsters na nakikita lamang sa tabi. We have our own world and own laws that we need to follow.

Mayroon din kaming sariling mga armas, and we even have high technologies here, same with the Mafias. So...yeah, para sa'kin wala talaga kaming pinag kaiba.

"Are you giving up, already?" Panunukso niya sakin. Inirapan ko naman siya at uminom sa bottled water na dinala ko.

"Hindi ba tayo kakain, ha? I'm freaking hungry as hell for fries sake!"

He chuckled at my outburst at inigaw niya ang bottled water na hawak ko. "Hey, what--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng uminom siya mula rito. The fuck?

"That's mine! Bakit ka uminom diyan?" tanong ko sa kanya at agad na inagaw sa kanya ang bote. He just shrugged and gave me a boyish grin. What's with him, really?

Ramdam na ramdam ko na ako lang talaga nag s-suffer sa mga trainings na ito dahil sa nakikita ko kay Blaze, he's enjoying this. And I don't know why?! Anong masaya sa ginagawa namin? Hindi ba sumasakit ang katawan niya sa araw araw naming sakitan?

"Tara. Mag simula na ulit tayo!"

"Ayoko. Tinatamad na 'ko." At humiga na ko sa sahig.

"Andrei..."

"What? Hindi ka ba napapagod, ha? If that's a yes, then maybe you're a robot." Wala sa sariling naiusal ko. Pinikit ko ang mga mata ko. Letche! Ilang araw na rin akong walang maayos na tulog dahil dito! Kasalanan talaga to ni Papa eh! Bakit ba kasi niya sakin ipanapasa ang Mafia group niya? Bakit hindi na lang kay Kuya Chase, tutal mahilig naman sa bugbugan si Kuya.

Noong tinanong ko naman si Papa about dito, ang sagot niya lamang sakin ay hindi lang daw patayan o bugbugan ang dapat gawin sa Mafia. Mayron din daw yun responsibilidad. Malaking responsibilidad to be exact. That I have to take everyday trainings with Blaze, for my safety. Kapag na sa'kin na daw kasi ang pwesto, lalong dadami ang gustong pumatay sa'kin.

Ha! As if I will let them kill me! Mauuna muna sila, bago ako. Tandaan nila yan.

"Are you sleeping?"

"No, I'm running." Nakapikit pa rin ako. Inaantok na ko. Kung tatahimik si Blaze ng ilan pang minuto, surely...makakatulog na ko rito.

"Nice try, Andrei. Nice try."

"Shut up."

"Malapit na tayong matapos, kaya sige na...bumangon ka na diyan. Napapagod na rin ako 'no! Ilang linggo ko ng ginagawa ito at sa ilang oras pa kada isang araw. Torture." He grunted at naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now