Chapter 21 - Heartless

14K 350 4
                                    

CHAPTER 21 - HEARTLESS

Keith's POV

One week later simula noong bumalik kami sa pagiging gangster ay marami nanamang nangyaring riot sa buhay naming apat. Kabi-kabila ang gulo dahil marami ang naghahamon sa'min lalo na yung mga gangsters na hindi pa nakakapasok sa rank. Pinag bibigyan naman namin sila at siyempre kami pa rin ang nag wawagi. What do you expect? Dati pa naming libangan ang pakikipag basag ulo kaya sanay na kami.

Nandito kami ngayong araw sa HQ. Katatapos lang ng klase at dito kami agad dumiretso. Tumawag nanaman kasi kay Chasey 'yung unknown mafia na nag bibigay sa'min ng mission noon. And nag bibigay nanaman sila ng bagong mission ngayon! That mafia group is really something. They are so mysterious dahil ni isa man lang information ay wala kaming alam tungkol sa kanila. Ang alam lang namin-- at instinct lang namin talaga 'to-- ay hindi sila tiga Pilipinas dahil hindi sila masearch ng maps namin kahit ano pang gawin naming pag hahanap!

"So...ano ng plano? Tatanggapin ba natin?" I asked curiously after a long stretched of silence.

"I don't know." Sagot ni Chasey at nag buntong hininga. Mukhang problemado na ang bruha.

"Any problem, Chasey?" Si Erickha. Mabuti naman at tinanong niya. Minsan kasi nakakatakot tanungin ito si Chasey at ang hilig mang bara! Iyong tipong seryoso ka, pero tingin niya sa'yo tanga.

Chasy hissed and rest her head on the table. Mukhang problemado talaga siya.

"Si Kuya kasi...nagagalit sa'kin. Bakit pa daw ako bumalik sa dating gawain ko. Eh alam niyo naman na kahit lagi kaming nag aasaran no'n ni Kuya at madalas hindi magkasundo, ayoko namang nagagalit sa'kin 'yun." She explained.

Oh, so si Kuya Chase pala ang problema niya. Bago ito ah. Lagi kasi siyang suportado ng Kuya niya sa mga ginagawa niya...except obviously to this thing. Ayaw na ayaw talaga ng Kuya niya mula noon pa na pumasok siya dito. Hindi namin alam kung bakit gayong pareho lang naman sila ni Chasey.

"Eh anong gagawin mo ngayon?" I asked her.

Umiling naman siya. Inangat na ang mukha sa table at pagod ang mga mata. "Hindi ko alam! Hindi ko na pwedeng itigil ulit 'to kasi kapag ginawa ko 'yun, lalo lang gugulo ang lahat. At baka may madamay pang hindi naman dapat madamay."

Napatango naman kami sa pag intindi. She has a point. Lalo lang talagang gugulo kapag umalis ulit kami sa gangster world. At isa pa, kababalik lang namin tapos aalis ulit? Ano 'yun?

"Ahm...ganito na lang, Chasey. Kausapin mo na lang ng mabuti 'yung Kuya mo. Ipaliwanag mo sa kanya kung bakit ka bumalik at kung bakit kaylangan mo itong gawin. I'm sure naman maiintindihan ka no'n kasi gangster din naman siya. Huwag siya kamong OA!" Sabi naman ni Ella at kumain ng chips na hawak niya kanina pa.

Tiningnan naman namin ulit si Chasey at mukhang nag iisip talaga siya kung paano maayos ang problema niya sa Kuya niya. Nagulat na lamang kami ng bigla siyang nag buntong hininga at tumayo. Mukhang determinado. "I'll be back. May pupuntahan lang ako saglit. And about do'n sa mission, we will accept it. Tawagan niyo na rin yung iba pa nating members to check kung kumpleto pa tayo." She stood up and was about to walk away when she stop and turned to us again. "Ah no, wait for me. I'll be the one who will check." With that, she left us dumbfounded.

Nagkatinginan naman kaming tatlo. Pawang pare-parehas kaming naguguluhan sa biglang inasal ng kaibigan. She's been weird lately.

"Sa tingin niyo, ano kayang iniisip niya?" Tanong ni Erickha at nag shrugged lamang kaming dalawa ni Ella. Kahit kaylan talaga hindi namin mabasa kung anong tumatakbo sa isip ng bruhang 'yun. Saan naman kaya siya pupunta?

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now