Chapter 31 - New Trouble

11K 296 4
                                    

CHAPTER 31 - NEW TROUBLE

Chasey's POV

Tatlong araw na rin ang nakalipas simula ng mangyari ang battle na 'yun. Nakakagalaw na ako ng maayos at medyo tuyo na rin ang sugat ko sa braso. Nag hahanda ako ngayon sa pag pasok, ang tagal ko na rin kasing absent at baka maapektuhan pa ang grades ko sa school.

I'm maybe a gangster but I don't want to fail when it comes to school. Ito na nga lang ang tamang nangyayari sa buhay ko, pababayaan ko pa.

"Sigurado ka bang papasok ka na?" Tanong sakin ni Mami habang nag susuklay ako ng buhok sa harap ng salamin.

"Opo. Ang tagal ko na rin kasing absent eh, baka kung anong isipin nila lalo na't wala naman akong binigay na excuse letter."

Tumango naman siya. "Sige. Pero mag iingat ka palagi ha? Hintayin mo na kaya ang Kuya mo?" Suhestiyon niya.

Tinanghali kasi ng gising si Kuya kaya ayun, naliligo pa lang siya ngayon. Ang bagal talaga no'n kumilos kahit kailan! Parang hindi lalaki.

Umiling na lamang ako at kinuha na ang bag ko. "Huwag na Ma, kaya ko na ang sarili ko. Pakisabi na lang kay Papa na umuna na ko ha? Bye!" At nag madali na kong tumakbo palabas ng bahay.

Pagpasok ko pa lamang ng gate ng RU ay maraming tumitingin sa'king mga estudyante. Nag bubulungan sila at sa tuwing nadadaanan ko sila ay lumalayo sila agad sa'kin. Parang takot na hindi mo maintindihan. Hindi ko alam kung bakit pero wala naman akong balak alamin kung ano ang dahilan. Parang mga tanga.

Kadalasan pag pasok ko sa room ay maingay na, pero ngayon, ibang iba. Tahimik sila at katulad ng mga estudyante sa labas ay nag bubulungbulungan sila habang nakatingin sa'kin. Bahagya ng kumunot ang aking noo. Anong meron? Naw-weirduhan na ko sa mga estudyante ngayon ah.

"Oh, mabuti naman at naisipan mo ng pumasok, Chasey?" Sabi sa'kin ni Bea ng madaanan ko siya. Katabi niya si Lally, nakangisi ito sa'kin.

"Sabi ko na nga ba at santa-santita ka lang dito sa school eh. Bait-baitan, isang mahinhing babae na hindi makabasag pinggan. Pero pag nasa labas na, para ng leon na pinakawalan ng amo mula sa kulungan. Nag wawala at nanakit." Makahulugan niyang sabi na ikinunot lalo ng noo ko. What the hell is she talking about?

Tumingin ako sa paligid, halos lahat ay nakatingin sa'min. Hinanap ko ang tatlo kong kaibigan at nag buntong hininga na lamang ako ng makitang wala pa sila dito sa loob.

"Ano bang sinasabi mo?" Baling ko muli sa kanya sa mahinahon na boses. She then snicker and glared at me.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now