Special Chapter 6 (Final Special Chap)

9.5K 155 14
                                    

Everyone was curious about how did she get her memories back, now this is the story...

***
Third Person's Point of view.

Noong mga oras na iyon, sa mismong araw kung saan pinag tangkaan muli si Chasey ng mga miyembro ng Black Snake Gang ay kasabay ng mga pag iisip niya sa mga bagay bagay. Wala siyang tulog ng gabing iyon, halos inisip niya ang mga dapat gawin at ang mga plano na kanyang dapat isagawa.

Nasa kasagsagan siya ng malalim na pag iisip ng bigla ay parang nakaramdam siya ng pag sakit sa kanyang sentido. Napamura siya ng mahina dahil nararamdaman niya muli ang kakaibigang sakit sa kanyang ulo na ilang beses ng nauulit sa kanya sa tuwing may nangyayaring ganitong pag tatangka sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang nangyayari.

Napabuntong hininga na lamang siya at madiing ipinikit ang mga mata habang tinitiis ang sakit. And like what she had expected, the blurry images appeared again inside her head. Parang nag f-fast forward ang lahat ng hindi niya maipaliwanag na kaganapan sa kanyang isip sa malabong paraan. May mga boses siyang naririnig, putukan ng baril at ilang sigaw sa kanyang pangalan.

Blurry faces, but somehow the voices were sounds all familiar. Hindi siya pwedeng mag kamali, ang ilang boses doon ay mula sa kanyang pamilya. Hindi niya alam kung anong mga imahe iyon, hindi niya matandaan kung kaylaan at saan naganap ang nga iyon at bakit pawang nakalimutan niya ang tungkol doon.

Lalong sumakit ang kanyang ulo. Halos mapasigaw siya sa sobrang sakit kaya pinilit niya na ang sarili na tumayo at mag madaling lumabas ng kanilang kwarto. Mag uumaga na sa labas, malapit na ang pag sikat ng araw na tanaw na tanaw mula sa likod ng mga nag tataasang bundok. Ang langit ay nag iiba na ang kulay, nag aagaw na ang liwanag at dilim.

Sapo ang kanyang ulo ay dumiretso siya sa labas para mag pahangin saglit. Umupo siya sa silong ng puno at sinandal doon ang sarili. Ilang pag hinga na ng malalim ang kanyang ginagawa ngunit hindi pa rin nawawala ang matinding sakit sa kanyang sintido. Kinagat niya na ang kanyang labi upang mapigilan ang sarili sa pag sigaw.

Patuloy pa rin ang pag labas ng mga hindi pamilyar na pangyayari sa kanyang isip. Habang tumatagal iyon ay parang nag kakaroon ng linaw ang mga mukha nito. Ang mga boses ay pawang umiikot sa kanyang paligid, paulit-ulit. At pawang pinapaalala sa kanya ang lahat ng bagay na kanyang nakalimutan.

It's like the sound of the gunshot earlier piercing through the glass window triggered a nerve in her brain. Making her like this.

Ngayon lang muli nangyari ang bagay na ito sa kanya, ngayon lang muli siya nakaramdam ng ganitong sakit ngunit sa lahat ng iyon, ngayon lamang siya nakaramdam ng kakaiba sa kanyang mga nakikita.

"Damn it!" She gritted her teeth in pain. Almost pulling her hair to somehow ease the pain she's feeling.

Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay naramdaman niya pa rin ang paparating na presensya na papunta sa kanya. Pinilit niyang itaas ang tingin upang makita kung sino iyon, and upon seeing him walking towards her. Upon seeing his eyes, looking concern while looking at her. A flash of long forgotten memories struck her.

Hindi niya alam kung anong nangyari, ilang alaala ang bumalik sa kanya at malinaw ang lahat ng kanyang nakita. And he's part of most of it!

Is this really happening? She thought.

"Andrei--" He cleared his throat. "I mean Chasey, what are you doing here?" Tumayo ito sa mismong harapan niya. Nakatingin ng diretso sa kanya. The concern look was now gone.

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatitig rito habang bumabalik sa kanya unti-unti ang lahat. Lalong tumitindi ang sakit ng kanyang ulo, napahawak siya muli rito at mariing pinikit muli ang mga mata.

Kumunot naman ang noo ni Hiro habang nakatingin sa kanya. He's really concern about her, he wanted to ask her what's wrong dahil nakita niya itong nag mamadaling lumabas kanina sa kanilang tinutuluyan na parang may iniinda. Agad niya itong sinundan ng hindi nag papahalata dahil hindi siya pwedeng mahuli ng mga nakamasid sa kanila ngayon dito.
Good thing, she picked a place that is slightly far from their cabin.

"What's wrong?" He can't help but asked. Umupo na siya upang makapantay ito. Napansin niya ang labis na pamumutla nito, nangininig rin ang mga kamay nito na nakahawak sa ulo. He cursed and held her both shoulders. "Andrei, what's wrong?" Pag uulit niya sa kanyang tanong. Hindi na pinansin ang ginamit niyang tawag dito.

"Blaze..." He heard her whispered before finally losing her consciousness.

Hiro froze on his spot. He can't believe what he just heard. Tiningnan niyang muli si Chasey, putla at pawis na pawis pa rin ang itsura nito. Sa kabila ng pag aalala ay hindi niya mapigilan ang maging masaya sa narinig.

She just called her Blaze. Iyon ang tawag nito sa kanya bago pa mangyari ang lahat. Hindi niya alam kung tama ba ang hinala niya ngunit sa tingin niya ay bumalik na kahit papaano ang mga alaala nito.

He sighed and was about to carry her back to their cabin when he heard a voice behind him.

"And what do you think you're doing?" Aniya ng boses sa kanyang likuran. Kahit hindi niya lingunin alam niya kung sino ito.

"Helping." Simple niyang sagot at binuhat na si Chasey. Humarap siya sa taong iyon na parang nagulat pa sa kanyang ginawa.

"What?! Hiro alam mo na--"

He cut her off and looked at her blankly.

"Do you think I care?"

"You're crazy. Kapag nalaman ito ni--"

"She wouldn't know if you'll keep your mouth shut."

Tiningnan siya nito ng matalim. "You know that she'll ask me regarding about you. And you also know that I don't lie when it comes to her!"

At alam niya ang rason kung bakit. Kahit hindi nito sabihin, alam niya kung bakit palagi nitong sunod ang step mother niya. Not even noticing that she's just using her for her own plans.

"Then you better be start lying from now on. Because if she'll know about this, you know what will happen to you," Sagot niya at humakbang na upang umalis. "Ruin my plans and I'll ruin your whole life."

Hindi na ito nakasagot kaya iniwan niya na ito roon.

He doesn't want to scared her but he need too. Ayaw niyang masira ang mga dapat niyang gawin sa oras na dumating ang araw na iyon.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon