Special Chapter 1

11.5K 208 4
                                    

SPECIAL CHAPTER 1

Erickha's POV

Nanonood ako ng ilang korean novela's sa kwarto ko nang pumasok si kuya Hiro. Mukhang problemado, gusto kong tawanan siya dahil sa itsura niya pero hindi ko ginawa dahil baka suntukin ako. Hahaha!

Umupo siya sa kama ko at tumingin sa pinapanood ko, "Ano yan?" tanong niya.

Ngumiti ako at pinause ko muna sandali ang pinapanood ko. "Wag mo ng alamin dahil hindi ka rin naman makakarelate dyan. Ano nanamang problema mo kay bestfriend Chasey? Binusted ka na ba?" Hindi ko na napigilan at tumawa na ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya nag peace sign na lamang ako.

Alam ko yung two weeks challenge na binigay ni Chasey, hindi ko alam kung napapaibig na ba ni Kuya ang bruhang yun pero sana, oo. Kasi bet ko si Chasey para kay Kuya, bagay naman sila at halata naman kay Kuya na mahal na mahal niya si Chasey kaya alam kong hindi niya sasaktan ang kaibigan ko.

"Tuwang tuwa ka pa talaga sa tanong mo, huh? Psh. Hindi yun ang problema ko, ang problema ko ay kung pano ko siya mapapapayag na umattend sa retreat."

"Oh, bakit? Hindi daw ba siya sasama?" Kahit kaylan talaga yun si Chasey napaka kill joy. Sabagay, dati pa naman ay hindi niya na hilig ang mga ganong activities. Yung sa field trip nga, kung hindi pa namin siya sinabutahe ay hindi pa yun sasama. Ako kasi ang nag bayad nung fieltrip niya, in behalf of my brother. Ako rin ang nag sabi kay tita tungkol do'n, timing naman na galit siya sakin nung mga panahon na yun kaya hindi niya ko pinag hinalaan. Haha! Sinong mag aakala na marami ang naging benefits sa nangyaring yun?

"Wala daw siyang hilig," Ginulo niya ang buhok niya at humiga sa kama. "Well, kung hindi siya sasama, might as well hindi na rin ako sasama."

"Eh?" Napakamot ako sa ulo, "Bagay nga kayo, parehas kayong kill joy."

"Nag salita ang hindi KJ. Tss." Sinimangutan ko siya sa kanyang sinabi. Hindi ako kill joy, may mga panahon lang talaga na gusto kong mapag isa at mag kulong lang sa kwarto mag damag. Manood ng movies o kaya'y mag browse lang sa internet.

"Pilitin mo kasi kuya, kulitin mo ng kulitin, tingnan mo sasama yun." Sabi ko.

"I know her, ayaw niya ng kinukulit. Nanliligaw pa naman ako, mahirap nang mamali ng move."

"Sus! Si Hiro Blaze Ashford, takot mabusted? Nasaan na ang confidence mo Kuya, huh?" Pang aasar ko.

"Tinangay niya na," Wala sa sarili niyang sabi. I giggled and pinag patuloy na lang ang panood. Pero agad din akong napatigil ng makita ko ang scene sa pinapanood ko. Particulary sa pagkain na kinakain nila.

Tama...pwede niyang gawin yun, for sure hinding hindi siya matatanggihan ni Chasey kapag ginawa niya 'to. I smirked.

"Kuya, alam ko na kung paano mo siya mapapapayag."

Mabilis naman siyang napabangon at tiningnan ako, "Huh? Paano?"

"Attack her only weakness." Kumunot naman ang noo niya.

Tumingin ako sa screen at pagkatapos ay sa kanya ulit, ngumiti ako sa kanya. "Gets mo ba?"

Ngumisi naman siya at ginulo ang buhok ko. "Thanks! You're the best Vien," Agad siyang tumayo at umalis na ng kwarto ko. Napailing na lamang ako at nag patuloy sa panonood. He's so whipped with her.

My phone beeped, kinuha ko iyon sa side table ng hindi tumitingin.

From: Ethan

Erickha, can I invite you for dinner tomorrow?

Nabitawan ko ang phone ko dahil sa nabasa ko. Eh?

Hindi pa ko nakakapag type ng reply kay Ethan ng may matanggap ulit akong message. But not from Ethan, but from unknown number.

From: 09*********
:)

Kumunot ang noo ko. Hindi ako nag reply. Hindi ko kasi ugali ang mag entertain sa mga nag t-text sakin na hindi ko kilala. Pakiramdam ko ay nag sasayang ako ng oras sa gano'n.

Nireplyan ko si Ethan.

To: Ethan
I'll try.

I knew Ethan's feelings for me because before the lights turn off noong prom ay nag confessed na siya sakin. Honestly, I don't know what to say when he said that he likes me. I feel awkward at hindi ko siya matingan. He asked if he can court me and I answerd him, 'no'. Straight to the point.

Ayoko siyang paasahin. Wala pa sa isip ko ang pumasok sa isang relasyon, masasaktan ko lang siya at ayokong makasakit ng iba.

"No time for that. Study first." I answered when he ask me why he can't court me.

---
Kinabukasan ay umalis ako ng bahay at pumunta ng sementeryo, death anniversary kasi ng parents ko at matagal ko ng hindi sila napupuntahan. Miss na miss ko na sila. Miss na miss ko na ang mga yakap nila na hindi ko na nararamdaman ngayon at kahit kaylan ay hindi ko na mararamdaman. Kahit kasi ang turing sakin ni tita Celestine ay parang tunay na anak, nangungulila pa rin ako sa tunay kong ina. Oo, masaya ako sa buhay ko ngayon at sa pamilya na meron ako ngayon, pero hinahanap- hanap ko pa rin yung pag mamahal na mabibigay lang kung kapiling ko ang totoo kong pamilya. Masakit pa rin sakin ang ngayari sa kanila, pero unti unti ko na rin naman itong natatanggap kasi nabigyan na sila ng hustiya. Buhay ang kinuha ng taong yun, madaming buhay at buhay niya rin ang naging kapalit.

Nilagay ko ang putting rosas sa puntod ni mama at papa. Umupo ako sa tapat ng puntod nilang dalawa at pinunasan ko ng dala kong panyo ang lapida nila. "Kamusta na kayo Mama, Papa? Masaya ba kayo kung nasaan man kayo ngayon? Sana masaya kayo, ako kasi, medyo masaya lang...medyo lang kasi mas sasaya pa ko kung buhay pa kayo." May tumulong luha sa mga mata ko, hinayaan ko lang itong tumulo ng tumulo at tumingin ako sa kalangitan. Maaliwalas ang kalangitan, napangiti ako. "Miss na miss ko na kayo. Alam ko kahit wala na kayo sa tabi ko, lagi niyo pa rin akong binabantayan. Salamat para doon, salamat kasi ginagampanan niyo pa rin ang tungkulin niyo sakin bilang magulang. Hindi ko man kayo nakikita pero nararamdaman ko iyon. Mahal na mahal ko po kayo, balang araw mag kikita din tayo."

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko pero napatigil ako dahil may nag lahad ng panyo sa tapat mismo ng mukha ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Theo na seryosong nakatingin sakin. Theo is kuya's friend, minsan ko na siyang nakikitang pumupunta sa bahay pero hindi kami close dahil ang sungit ng itsura niya. Well, sa unang tingin masungit ang magiging first impression mo sa kanya but if you'll know him better, playfull siya at over flowing din sa confidence katulad ni Kuya.

"Hindi mo ba kukunin, nangangawit na kasi ako eh."

"Sino ba kasing nag sabing abutan mo ko ng panyo? May panyo naman ako eh." Tumayo ako at pinagpag ang likod na bahagi ng damit ko.

"Pampupunas mo yang panyo na ginamit mong pampunas ng lapida? Okay ka lang?"

Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. "Pakielam mo ba?-- Oy! Anong ginagawa mo?" Nagulat kasi ako ng humakbang siya palapit sakin at pinunasan ang mag kabilang pisngi ko gamit ang panyo niya.

"Hindi ba obvious?" Lumayo na siya ng kaunti sakin pagkatapos punasan ang mukha ko. Nilagay niya ang mag kabilang kamay niya sa kanyang bulsa. "Sa susunod wag ka ng umiyak dahil hindi bagay sa'yo. Kung na saan man ang mga magulang mo, masaya na sila kaya dapat masaya ka na rin," Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti siya at tinalikuran na ko.

Natulala naman ako saglit at napahawak sa pisngi ko. Can someone tell me, what the hell just happened?

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now