Chapter 23 - Game

12.7K 316 6
                                    

CHAPTER 23 - GAME

Chasey's POV

Nag hikab ako at pinatay ang alarm clock ko. Tumayo ako agad sa kama at lumabas na ng kwarto ko. Naabutan ko sina Mami at Kuya Chase na nag aalmusal na pero hindi ko muna sila pinansin at nag direto sa banyo para mag toothbrush. After brushing my teeth ay pumunta na rin ako lamesa at umupo sa tabi ni Kuya. Kumuha ako ng tinapay at sinawsaw sa kape niya. Tinapik naman niya agad ang kamay ko.

"What the! Ano ba Chasey?! Nanahimik 'yung kape ko dito, binababoy mo!" Protesta niya sa ginawa ko. Nilalayo ang kape sa'kin. Inirapan ko lamang siya.

"Tsk! Daldal mo. Ano nga pala ang nangyari kagabi?" Nakatulog na kasi ako dahil ilang araw na rin kong puyat at kulang sa tulog dahil sa mga nangyayari nitong linggo. Masyado na 'kong na iistress sa buhay ko! Mabuti na lang at sembreak namin kaya nababawas sa pressure ko ang mga school assignments and projects.

"Ayan kasi tutulog-tulog ka! Tanong mo na lang sa mga kaibigan mo. Tinatamad ako mag kwento." Sabi niya at nginiwian ko lamang siya. Kahit kailan talaga napaka walang kwenta kausap nito.

"Huwag na nga kayo mag away sa harap ng pagkain Chase and Chasey! Masama 'yan." Singit ni Mami habang nakatingin ng masama sa'min at may hawak ng tinidor. Tumango na lamang ako at kumuha ulit ng tinapay. Takot ko lang sa tinidor.

"Siya nga pala, tumawag ang Papa niyo kanina at uuwi daw siya next month." She said calmly.

"Po?!" Sabay naming sigaw ni Kuya at nagkatinginan pa kami. Si Papa? Uuwi siya? Bakit biglaan naman yata? Hindi naman sa ayaw ko siyang umuwi pero nakakapag taka lang dahil kadalasan tinatapos niya ang two years bago siya bumalik ulit dito. Anong nangyari? Hindi kaya...

"OA naman makareact 'tong mga 'to! Bakit hindi ba kayo excited na uuwi na ang papa niyo?" At tinaas niya pa ang isang kilay sa'min. "Sabihin niyo lang, sasabihan ko na huwag na bumalik." She said it in a joking manner but I know she'll really tell him that if we don't explain our reaction. Baka kung ano pa ang isipin ni Papa.

"Hindi naman sa gano'n Ma, pero bakit biglaan naman yata? Wala pang two years simula noong umalis siya ng Pinas ah. It's only been what? One year? May nangyari ba kaya siya uuwi?" Tanong ni Kuya na tinanguan ko. Umiling naman si Mami at uminom lamang sa kape niya.

"Wala. May kailangan lang kasi siyang asikasuhin dito sa Pilipinas kaya siya uuwi. Two months lang naman siya dito at babalik na ulit siya sa US." Tumango muli ako at hindi ko na sila inintindi. Glad to hear that then.

Pagkatapos naming mag almusal ay naligo na ko agad at nag bihis ng casual kong damit. Umalis ulit si Mami, may pupuntahan daw sandali, samantalang si Kuya naman ay gano'n din kaya naiwan akong mag isa ulit sa bahay. Fortunately for me, may lakad din ako ngayong araw so I know this day will be productive for me.

Nag baon ako ng baril at nilagay ko 'yun sa gun pocket sa likuran ko. At bago ako umalis ay nilock ko ng maigi 'yung bahay at nilagyan ng trap sa loob sa kung sino mang mag lalakas loob na pumasok.

Habang nasa daan at nag lalakad papunta sa sakayan ay tinext ko siya.

I'll be there in a minute. May tatanong ako sayo.

---
11:30 pm

Keith's POV

Nasa sala ako at nanood sa TV noong may kumatok sa pinto ng bahay namin. Agad naman akong tumayo at binuksan iyon. Wala naman akong inaasahang bisita ngayong araw pero baka sina Mama ang meron lalo na't nalalapit na ang eleksyon at isa si Papa sa tatakbo bilang konsehal ng bayan. Madalas nga silang abala dahil doon at madalas na rin ang pag bisita ng ilang tao rito sa bahay. Karaniwan, mga kasamahan rin ni Papa sa pagtakbo.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now