Chapter 28 - The 2015 20th Annual Underground Battle Pt. 1

12.7K 275 5
                                    

CHAPTER 28 - THE 2015 20TH ANNUAL UNDERGROUND BATTLE

Part I

Chasey's POV

Pagkatapos ng ginawa kong kaunting pag lilinis sa classroom ay agad na kong dumiretso sa base namin dahil alam kong nandoon na sila. Pinapunta ko kasi ang lahat ng maaga doon para pag handaan na ang magaganap na underground battle mamayang gabi. Dahil cleaners ako ngayon ay nauna na sakin 'yung tatlo kanina. Ayaw pa nga sana nila kong iwanan pero mabuti na lang at sumunod sila kay Erickha.

Pagkadating ko doon ay nakaupo na silang lahat. Umupo naman ako sa usual na pwesto ko at tinap ang mga daliri ko sa lamesa. Tiningnan ko silang lahat. They all looked anxious and nervous.

"So, ready na ba kayo para sa battle mamaya?" I asked even if I already knew the answer based on their expressions. And as expected, they all shooked their head.

"Ofcourse hindi pa! Sino ba namang magiging ready sa isang araw lang? Duh! Dati naman binibigyan pa nila tayo ng week para makapag prepare tapos ngayon bibiglain nila tayo? The hell!" Sapphire exclaimed, sighing in frustration.

"Sapphire has a point. Bakit nang bibigla sila ngayon? Teka, sino bang makakalaban natin? Jusko! Huwag naman sana yung nasa top 5 kasi sabi undefeated daw 'yung mga yun pag dating sa mga underground battle. Pag 'yun ang nakalaban natin, madedehado tayo kasi hindi na tayo sanay." Ella said holding her head. And I mentally groaned. I bet mas lalo silang maloloka kapag nalaman nila kung sino ang makakalaban namin.

Hindi kasi nila alam kung sino ang grupong makakaharap namin this night kasi wala silang access sa site. Only the leaders of the said groups will have an access on it because of their said rules. Madami talagang alam!

Nag buntong hininga ako. Here goes nothing. "Unfortunately, Death Wolves ang makakalaban natin." The top 1, the highest in the rank.

"What?!" They all exclaimed. Napatakip naman ako sa tenga dahil sa lakas talaga ng boses nila.

"Hindi nga? Chasey, hindi magandang biro yan ah. Tinatayuan na ko ng balahibo rito!"

"I'm not joking."

"Fuck."

"Punyeta!"

"See you na lang sa burol natin guys. Mamimiss ko talaga kayo."

"Talo na tayo nito. Undefeated ang Death Wolves, hindi natin sila kaya. Imagine Top 1 VS. Top 10 in the rank? That's pure bullshit!"

Napairap ako sa huling narinig ko. Paano kaya kami mananalo mamaya kung wala silang tiwala sa sarili nila? If you think that you'll do good, you'll do good. Don't overthink things and just go with the flow.

Walang mangyayari kung mawawalan tayo agad ng tiwala sa sarili. Sometimes people said goodbye to some things without even saying hello first. They think they'll not make it without even trying so they ended up losing the chances and became a person full of regrets in the end.

And I hate regrets.

"Chasey, as much as we want to think positively that we'll make it like the always, let's face it...hindi natin kaya ang Death Wolves. Hindi ba pwedeng umatras dyan?"

I bit my lips to stop myself from saying unnecessary things and just answered her question.

"Keith, alam mong hindi pwede kasi once na umagainst ka sa gusto nila. Buhay mo o ng grupo natin ang kapalit. Gusto mo bang mangyari 'yun?"

Umiling naman siya at yumuko na lamang. "Ofcourse...no. Pero kasi..." Alam ko na kung anong sasabihin niya kaya pinutol ko na agad iyon. I don't want to hear any words from them that will make them more anxious. This will effect the whole group.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now