Chapter 9 - Secret

15.8K 391 7
                                    

CHAPTER 9 - SECRET

Chasey's POV

Si Bethany Garcia o mas kilala sa Gangster world bilang si Green Eyes Wolf. Tanyag siya dahil kilala siya sa pagpatay ng iba't ibang mga sindikitato noon sa Pilipinas. Wala siyang sinasanto at kahit pa makapangyarihan din ang kanyang kinakalaban ay wala siyang pakielam.

As if she hoped for the world to be better but in her hands. Wala siyang tiwala sa gobyerno at mga galamay nito kaya siya na ang gumagawa ng paraan para mapabuti ang lahat.

She was known as the ultimate executioner before. At ang tatak nito ay ang simbolo niya na iniiwan sa lahat ng mga kriminal na napapatay niya. Ang simbolo na nag papatunay na siya ang may gawa noon sa kanila. At ang simbolo na halos kinatatakutan ng mga makasalanan noon sa bansa.

A black cross. With her signature of her alias.

Mag mula noon ay wala pang nakakakilala sa kung sino talaga siya. Bukod sa protektado siya dahil sa member siya ng underground society, she also keeps every information about her restricted. She prefers to blend in the crowd where she's free to observe her surroundings and follow her target.

She's a natural sly.

Sa katunayan ay nakatulong ko na siya sa isa mga naging malaking missions ko noon. At doon din, well, nag simula ang pagkakaibigan naming dalawa. I wasn't even informed that she was the Green Eyes Wolf not until she told me about it.

"Hindi mo talaga ako kilala? Part ka ng underground, right? Hindi ka civilian?" She asked as we stood in the rooftop's railing. Tumingin naman ako sa kanya. She was wearing an all black fitted jeans and top, her hair was tied in high pony tail and she's also wearing a black cap. Sa kabila ng sumbrerong suot ay naanigan ko pa rin ang kakaibang kulay ng mga mata niya.

They were hazel green.

"Magiging kasama mo ba 'ko dito ngayon kung hindi ako parte ng Underground? Mag isip ka nga." Umirap ako. "I'm SK from Badgirls in Silence. At hindi ako interesado na makilala ka."

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko at pagkatapos ay tumawa nang malakas.

"Holy shit! You're the Silent Killer of BiS! It's nice to meet you!" Inabot niya ang kamay ko kahit hindi ko naman ito iniabot sa kanya. What the fuck?

"I'm Green Eyes Wolf, by the way." She smiled. Kumunot naman ang noo ko.

Green Eyes Wolf?

"You're the known executioner..." Tanging nasabi 'ko. Umismid naman siya sa'kin.

"Oh, please, don't call me that. Sobrang baduy,"

Ang arte.

"What should I call you then? Your al-"

She cut me off. "Just call me, Bethany. That's my name."

Tumango ako at binalik ang tingin sa binocular. "Okay."

"You know what I like you. We could be friends!"

"Bahala ka."

Tumawa lamang muli siya.

Tinabi ko na ang pana sa drawer ng cabinet ko atsaka nahiga sa kama. Bethany has been my friend for 2 years, we never lost contact since then except when she was away. Kapag kasi wala siya rito ay nandoon siya sa China at may trabaho ring inaasikaso roon patungkol sa business ng kanyang pamilya.  Minsan ay matagal siyang nawawala, katulad na lamang ngayon, at ipapaalam lang sa'kin na nakabalik na siya sa paraan na ginawa niya kanina.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon