Chapter 17 - Stranded

16.1K 402 21
                                    

CHAPTER 17 - STRANDED

Chasey's POV

Matapos makahanap na ang lahat ng kapartner ay pinapunta na kami noong mga faculty sa forest at pinasimulan na sa'min ang paghahanap nung mga treasures. Mabagal lamang akong nag lakad papasok sa gubat, hindi alintana ang ilang estudyante na halos banggain na ko dahil nag mamadali. Ngumiwi lamang ako at nilagay ang mga kamay sa bulsa ng jacket ko. Talaga pa lang malamig sa lugar na 'to. Tapos napapaligiran pa kami ng mga puno, lalo tuloy lumalamig ang paligid.

Sa totoo lang, hindi ko talaga trip ang ganitong mga hunting games kaya tamad na tamad talaga 'ko. Ni hindi ako nakinig kanina sa mga sinabing guidelines noong isang teacher dahil inaantok ako at pagod pa sa byahe. Sa ganitong klima, mas masayang matulog habang nakabalot ng makapal na kumot kaysa lumabas.

Sinipa ko ang ilang tuyong dahon sa harap ko.

I then sensed someone following me from behind kaya agad akong tumingon doon at nakita si Hiro na kagaya ko ay nakapamulsa lang rin sa kanyang suot na jacket at impassive ang itsura. Umirap ako sa kawalan. Oo nga pala, partner ko ang isang 'to. Nakalimutan ko na siya.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya at tinapunan niya lang ako ng walang ganang tingin.

"Why?"

"Hindi ka ba mag hahanap?" Tanong ko at nag kibit balikat lamang siya sa'kin. Umirap naman ako at binalik na lang ang tingin sa unahan.

Gandang kausap talaga ng hinayupak na 'to! Nakakainis! Bakit ba kasi siya pa ang naging partner ko? Pwede naman 'yung ibang nerd na lang na lalaki sa school para grade conscious at makakatulong ko talaga dito. O kaya mabilis mauto.

"Ang ganda mong kausap. Diyan ka na nga!" Sabi ko na hindi lumilingon at binilisan ang pag lalakad. Tatakas na lang siguro ako para hindi na ko mapasama sa walang kwentang larong 'to. Hindi naman siguro nila mapapasin na wala ako sa activity na 'to 'diba? I just need to find some other exit dahil ang pinasukan namin kanina ay bantay sarado ng ilang faculty.

"Where are you going?" Aba! Sinundan pala 'ko ng gago.

"Babalik na sa hotel. Tutal wala ka namang kwentang kasama kaya mas mabuti pang mag back out na lang tayo sa game-- At saan mo nakita 'yan?!" Gulat kong tanong matapos niyang ibalandra sa mukha ko 'yung nakita niyang fake gold bar. Ibinigay niya naman sa'kin iyon at tinuro 'yung puno sa likod niya na nilagpasan ko lang kanina.

"Doon. Mag hanap hanap din kasi kapag may time ha?" Then he showed me a smirk. Putangina. Nakakairita. Ang yabang!

Nilagpasan niya 'ko kaya dali-dali naman akong sumunod sa kanya. Gusto ko na siyang bugbugin kaya lang lugi ako dahil lalaki siya, alam kong mas malakas pa rin siya sa'kin kaya ako malamang ang dehado! But don't get me wrong, hindi ko sinasabi na hindi ko siya kayang labanan o kaya takot ako. Kaya ko pero ayoko. Hindi ko rin alam kung bakit, basta, ayoko lang. I feel off just thinking about it.

Kahit sobrang iritang irita na ako sa kanya at parang gusto ko na siyang ibaon sa lupa.

"Oh, akala ko ba babalik ka na sa hotel? 'Diba wala namang kwenta 'yung ka partner mo, so bakit hindi ka pa umaalis? You are free to leave, hindi naman kita isusumbong e." Matamang sabi niya niya ng maramdaman na nakasunod ako sa kanya pero hindi ko siya pinansin. Nag lakad lang ako ng naglakad at nag tingin tingin sa mga punong nadadaanan namin. Napaka yabang niya kanina kaya kailangan ay mabawian ko siya. Akala niya ha!

Noong sa wakas ay makakita na 'ko ng isa ay napangiti na lamang ako at tumakbo papunta doon. Kinuha ko 'yung fake gold bar sa loob ng isang box at pinakita ko agad sa kanya. Hinarap ko talaga sa pag mumukha niya iyon katulad ng ginawa niya sa'kin kanina. "Don't flatter yourself too much, Mr. Ashford, mas magaling pa rin ako sa'yo...sa sarili kung paraan." I said grinning. Mocking him.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now