Chapter 25 - Blaze

12.4K 307 18
                                    

Family Armada sa taas. :)

--
CHAPTER 25 - BLAZE

Chasey's POV

Pagkatapos ng klase namin ay agad na kong umuwi ng bahay. And as I what expected wala nanaman akong naabutang tao. Hay nako! Gala talaga ang pamilya ko!

Pumasok ako ng kwarto at nag bihis. Nilabas ko 'yung ilang notebooks ko na may assignment at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng biscuit sa ref at umupo sa upuan. Binuhay ko ang phone ko at nag patugtog ako ng kanta habang gumagawa ng mga assignments ko.

After finishing all my homeworks ay tumunganga muna ako sa sala habang nag titingin tingin ng mga bagong updates sa site. Pero naging alerto ako noong may maramdaman akong kaluskos sa likod ng bahay namin. Dahan dahan akong tumayo at pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang baril ko at sumilip sa pintuan namin mula sa pwesto ko sa harap ng pinto ng kwarto ko.

Sino naman kaya ang bwisita ko ngayon?

Lumabas muli ako at relax akong umupo sa sofa namin habang nakatago ang baril ko sa aking tagiliran. I need to act cool. Hindi niya pwedeng malaman na nararamdaman ko na ang presensya niya at napaghandaan ko na siya. Nilabas kong muli ang phone ko at nag kunwaring busy. Finocus ko lang ang mga mata ko rito hanggang sa naramdaman ko na ang presensya niya na pumasok sa loob ng bahay namin.

I looked up at napakunot na lamang ako ng noo noong makita ko siya. What is he doing here? Tumayo ako at lumapit sa kanya. He smirked and waved his hand at me kaya inirapan ko siya. Tsk! Akala ko kung sino ng herodes, siya lang pala. Infairness medyo kinabahan ako sa kanya ah, wala kasi ako sa mood ngayon makipag laban. Tinatamad ako.

"At sinong nag bigay ng permiso sayo na pumasok sa loob ng bahay na'min?" I asked him lazily.

"Yung pinto niyo. Bukas eh." He said calmly and I just make a face. Pilosopo!

"Whatever. Ano bang ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam ba bawal ka sa teritoryo ko?"

"Teritoryo mo na technically teritoryo ko rin."

"And why is that?" Taas kilay kong tanong but he just smiled at me before pulling me into a tight hug. What the?! Anong ginagawa niya? May death wish ba ang lalaking ito?

Ngunit bago pa man ako makapag react at manlaban ay bumulong na siya sa'kin. "Be ready, Andrei." At ang mga sumunod ko na lang na narinig ay ang pag kabasag ng mga salamin mula sa bintana namin. Shit!

"Punyeta ka! Anong ginawa mo? Bakit mo binasag?!" Nang gagalaiti kong tanong at tinulak ko siya. Pero hindi niya ko pinansin, instead ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng bahay. "We need to get out off here bago ko pa masira lahat ng gamit niyo. Don't worry about that damn window. Babayaran ko 'yun." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sa likod namin at nagulat ako dahil may ilang lalaki ang sumusunod samin. Mag tatanong sana ako sa kanya kung sino sila pero inunahan na niya ko. "Mamaya ka na mag tanong. Just run!"

---
Chase's POV

Pag kauwi ko sa bahay galing sa base namin ay napanganga agad ako sa mga nakikita ko. What the hell?! Anong nangyari sa bahay? Bakit ang gulo gulo ng mga gamit? Bakit basag ang salamin ng bintana? Ninakawan ba kami? Pero bakit kaylangan pa mag basag? Letche naman oh!

Nilibot ko ang bahay. Walang tao. Wala pa si Chasey? Imposible. Bukas ang pinto kanina noong dumating ako kaya alam kong umuwi na siya. And besides 5 pm na at tapos na kanina pa ang klase nila. Ginulo ko ang buhok ko ng may mapagtanto. Now I get it. "Tsk. Sakit nanaman sa ulo 'to." Bulong ko habang nakatingin sa basag na bintana namin. Ano nanaman kayang nangyari?

Damn it! Kaya ayokong bumalik siya sa pagiging gangster niya eh. Bukod kasi sa madalas na pag kapahamak niya ay nadadamay din ang bahay namin kapag may sumusugod sa kanya dito. Ang bahay namin na wala namang kamalay malay!

"Anong nangyari dito, Chase?" Narinig ko ang boses ni Mami sa likuran ko kaya agad akong napaharap sa kanya. Kadadating niya lang mula sa pinuntahan niya at nakakunot ang noo niya habang pinag mamasdan ang paligid ng bahay. Kinamot ko naman ang ulo ko at nag kibit balikat. "I don't know either."

Umiling iling naman siya at nag buntong hininga. "Si Chasey nakauwi na ba?" Tanong niya at inayos ang ilang gamit na nakataob.

"Kanina, oo. Ngayon, hindi pa." Sagot ko at tumulong na rin sa kanya.

"Tsk! Saan naman kaya sila nag punta?" Napatigil ako sa kanyang sinabi. Nakita niya si Chasey? At sila?

"Ano pong ibig niyong sabihin sa 'sila'? Sino pong kasama niya?"

"Well kanina nakita ko siya running with Blaze. And that was I think... two hours ago kaya akala ko nakauwi na siya."

"Blaze? As in si--"

"Yeah." Tumango na lamang ako sa narinig. Good for them. Kinuha ko saglit ang phone ko at tinext ko si Chasey.

To: Little Sis
Umuwi ka na! Gabi na. Galit na si mami dahil don sa bintanang basag kaya wag mo ng dagdagan ang init ng ulo niya.

Pagkasend ko no'n ay hinintay ko talaga ang reply niya. Pero ilang minuto na yata ang nakalipas ay hindi pa rin siya nag rereply kaya napailing na lamang ako. Iyong kapatid ko, mukhang humaharot na, ah. Psh.

"Chase! Pakitapon nga 'tong mga basag na salamin sa likod." Sabay abot sakin ni Mami ng isang sako kaya kinuha ko naman agad. Lalakad na sana ako paalis noong tinawag niya ulit ako. "Bakit po?"

"Huwag mong itatapon pati 'yung sako ha? 'Yung bubog lang. Baka itapon mo rin 'yan, wala tayong pantabing sa bintana ngayong gabi."

"Opo." Tamad kong sagot at bago pa ako makalabas ng bahay ay sumigaw pa siya ulit. "Tandaan mo Chase ha! Nako kapag umiral nanaman yang pag kaengot mo, ikaw ang ipantatabing ko dito sa bintana!"

I face palmed.

Abnormal talaga kahit kaylan 'tong nanay ko. Manang mana talaga sa kanya si Chasey. Walang duda na mag ina talaga sila kasi parehas silang bipolar. Mabuti na lang ako, nag mana sa tatay kong pogi.

To be Continued...

***
Saan na kaya napunta sila Chasey? At sino si Blaze sa buhay ni Chasey? Find out soon. ;)


The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Where stories live. Discover now